Simula

5.9K 151 8
                                    

Above the Sea of Fog

Simula

Kanina pa nangangati ang paa ko na makapasok sa matayog na Balsameda Hotel ng Costa. Ngunit sa hindi malamang dahilan, parang nabahag ang aking buntot nang makita kung gaano karami ang umaasang makakakuha ng trabaho rito. Ilang buwan pa lang naman ang nakalilipas nang matapos na ang construction nito at binuksan sa publiko.

Huminga ako nang malalim bago tinungo ang linya ng mga aplikante. Ang sabi sa akin ng kakilala ko sa trabaho na si Beatrice ay baka malabo
akong makapasok. Sopistikado ang hotel kaya pakiramdam niya rin ay hindi sapat ang naging karanasan ko sa iba't ibang hotel dito sa Costa. Higit sa lahat, hindi ako 'yong tipong mukhang nangangailangan ng trabaho dahil sa aking hitsura. Maliban sa iba ang kulay ng aking buhok sa karamihan, mas nangingibabaw ang pag-mumukhang foreigner ko at hindi mahirap.

Marami ng tao nang lumapag ang mga paa ko sa de-tiles na sahig. Itim iyon at makintab. Halos makita ko na nga ang repleksyon ko roon, suot ang simpleng maong na pantalon at puting t-shirt.

Nagpakuha pa naman ako ng ID picture kanina dahil baka kailanganin sa pag-a-apply. Mahigpit ang management dito kaya naman inihanda ko ang mga kakailanganin.

Mabilis na umusad ang linya. Bagsak ang mga balikat ng mga naunang aplikante at may iba namang ngumingiti lang din.

"Miss Romano? Syrean Romano?" Inangat ko ang aking tingin sa tumawag sa aking
pangalan. Isang babaeng baka-uniporme at naka-bun ang buhok ang umusisa sa akin.

Kinumpirma niya ang pangalan ko mula sa listahan bago niya ako sinabihang sumunod sa kaniya.

"Please enter the room now," aniya at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Tumango ako at nagpasalamat. Nang pumasok ako, bumungad sa akin ang isang malinis na opisina. Simple at wala man lang bahid ng kahit anong kaartehan. Komportableng tingnan, kung tutuusin.

Bumaba ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa isang office chair. Magaan ang ngiti nito sa akin habang hinihintay ako.

Napagtakpan ko ng palad ang aking bibig dahil sa aking kabastusan. "Sorry po! Namangha lang po ako sa kwarto," paumanhin ko.

Sa aking gulat ay tumawa lamang ang ginang. "I am surprised someone could appreciate the simplicity of this room."

"Uh, maganda po kasi ang kumbinasyon ng kulay at malamig po sa mata. Relaxing po," paliwanag ko.

"Take a seat." Iminuwestra niya ang upuan sa kaniyang tapat. "And I'll take it as a compliment. However, we're not here for that, right?" Ngumiti siya.

"I am Felice Miranda. I am the Manager of the Balsameda restaurant. Can I have your resume, please?" Alerto ko namang kinuha ang aking resume na naroon sa brown envelope.

Kampante naman ako kahit papaano. May work experience ako bilang waitress sa karatig na hotel at nakadalawang taon din ako roon.

"So your name is Syrean? Tama ba ang pronunciation ko?"

"Say-rin po," pagtatama ko.

"Mayroon ka na palang trabaho riyan sa ibang hotel? Why chose to transfer here in Balsameda?"

"Maganda naman po ang work experience doon. Kaya lang po, mas gusto ko po sanang lawakan pa ang experience ko at nakikita ko naman pong bago pa ang hotel ngunit dinadagsa na agad. At hindi na rin po ako magsisinungaling, nagbabakasakali rin po akong mas lalaki ang kikitain ko sa pag-t-trabaho rito."

"Hmm, good point. So part-time job ba ang habol mo rito?"

"Hindi po. Balak ko pong dito na lang po talaga magtrabaho."

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora