Kabanata 16

1.6K 54 18
                                    

Kabanata 16

Above the Sea of Fog

Parang pinaglalaruan nga talaga ako ng tadhana.

Ilang araw ko rin namang sinusubukan na huwag masyadong magpakita at makipag-usap kay Sir Wyatt pero sadyang hindi ako magaling magtago o umiwas man lang. Noong isang araw lang, binalak kong huwag munang mag-serve at tumulong na lang sa paglilinis sa kitchen ngunit wala naman si Esa at kulang kami sa tao. Kinailangan kong lumabas doon at sakto rin na naroon si Sir Wyatt. Hindi siya um-order kahit na nilalapitan na ng mga kasama ko kaya napipilitan akong lumapit at tanungin siya sa kailangan.

Gusto kong magalit at mainis sa tuwing sinasagot niya ako nang maayos samantalang sa mga kasamahan ko, sinasabihan niyang hindi pa siya handang pumili ng kakainin. Naiinis ako kasi ayaw kong nasa akin ang atensyon. Kahit hindi ko man rinig, alam ko naman na pinag-uusapan na ako ng iba. Pormal na pormal ako kay Sir Wyatt kahit pa parang gusto niya pang makipag-usap sa akin sa tuwing kukuha ako ng order niya o tatanungin sa kailangan.

Naiinis ako kasi hindi ko kayang umiwas. Naiinis ako kasi hindi ko man lang kayang tiisin na hindi ko siya makita roon at naiinis ako sa sarili dahil gan'on ako. Sa buong buhay ko, ang dami kong tiniis na bagay. Ang dami kong iniwasan kasi alam kong may mas mahalagang bagay. Pero bakit pagdating sa isang Balsameda, madali lang sa akin ang lumapit? Madali lang sa akin ang maniwala?

Pilit kong iwinawaksi sa isipan si Sir Wyatt pero siya itong nagpupumilit na magparamdam.

"Good evening, Mikes! Pwede ba akong humingi ng tubig?" Mas lumapit ako sa counter para madungaw si Michael na abala sa paghahalo ng drinks doon.

Naroon na si Sir Wyatt at may kakuwentuhang bisita. Dalawang high stool lang naman ang pagitan namin at kahit hindi ako lumingon, naramdaman ko kaagad ang tingin nito sa akin.

Ganito ba kapag gusto mo ang tao? Alam mo agad ang kilos nila kahit hindi ka nakatingin sa kanila? Na kahit nasa paligid lang sila, parang may naglalarong paru-paro sa sikmura?

"Hi, Rean. Sandali lang, ikukuha kita." Tumango ako sa sinabi ni Michael at nanuod lang sa kaniyang pagsalin sa inumin. Saglit niya akong tinalikuran at kumuha siya ng isang baso at pitsel ng tubig mula sa likod. Nang bumalik siya sa aking harapan, doon na niya isinalin ang tubig sa baso.

"Thank you nga pala kanina," sabi ko sa kaniya nang maalalang tinulungan niya akong magbuhat ng iilang basura mula sa kitchen. Sakto kasing papunta ako sa malaking recycling container ng resort nang madaanan ako Michael.

"Naku, wala 'yon. Sanay na ako."

"Next time, ililibre kita pambawi na rin," sabi ko.

Ilang beses na rin akong natulungan ni Michael kaya naman malaki ang pasasalamat ko. Siya lang naman ang kadalasan kong nakakausap dito sa bistro kaya naman naging close kami. Bihira na nga iyong mga lalaking nakikipagkaibigan sa mga babae kaya talagang nagpapasalamat ako kay Michael. Kung hindi rin siguro dahil sa kaniya, hindi ako magtatagal dito.

"Grabe naman. Okay lang 'yon, Rean."

"Hindi," umangal ako at tumawa. "Ililibre talaga kita. Ang dami mong naitulong sa akin kaya deserve mo naman."

"Naks, may pa-libre. Marami akong kumain Rean baka maubos pera mo sa akin," nakitawa si Michael. "Baka pagsisihan mong nanlibre ka sa akin."

Tinawanan ko iyon bago ko ininom ang binigay niyang tubig sa akin. Sa gilid ng aking mata, nakita kong nakatingin si Sir Wyatt sa akin kaya sandaling nawala ang atensyon ko sa tubig. Nagkamali ako sa paglagok at agad na nasamid. Mabilis pa sa alas kwatro'ng lumapit si Sir Wyatt sa akin at hindi ko na namalayang hinahagod niya ang aking likod habang walang tigil ako sa pag-ubo.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now