Kabanata 19

1.7K 65 30
                                    

Kabanata 19

Above the Sea of Fog

"Gusto ko ng umuwi," nasambit ko nang maramdamang mas humigpit ang kaniyang yakap sa akin. Pilit ko siyang itinutulak ngunit parang bato siya na hindi natitinag.

Ayaw ko lang na makita kami ng mga tao na nasa ganitong posisyon. Kahit pa madilim na, alam kong may makakakilala pa rin sa kaniya.

"Let's just stay like this for a while, Rean..." mababang aniya. Ramdam kong inamoy niya ako at hindi ko alam kung saan ba ako mahihiya—sa amoy pawis ko bang leeg o 'yong muntik na akong manginig sa kaniyang pag-amoy?

Hindi pa siya nakuntento at inulit niya pa iyon.

"Kailangan ko ng umuwi, Sir," matigas na sabi ko sa kaniya at buong lakas na nga siyang inilalayo sa akin. Nagpasalamat ako dahil hindi na siya nagpaawat pa.

Tumango siya at unti-unti akong binitawan. Lumayo siya sa akin at mas lumapit sa aking bike. Nakatingin lamang ako sa kaniya nang kunin niya ang chain ng bike at iniatras iyon. Agad ko siyang pinigilan kaya napatingin siya sa akin.

"Uuwi akong mag-isa," sabi ko at hinila ang bike.

"No, you're not. Sasabay ka sa akin. It's dangerous out there."

Pinaglapat ko ang mga labi. Ramdam ko pa rin ang mga halik niya roon at siguro baka hindi na rin ako patulugin. Pagod na ang utak ko at mas lalong pagod na ang katawan ko sa mga ginawa ngayong araw ngunit nangingibabaw pa rin sa aking isipan kung ano ang nangyari ngayong gabi.

"Kailangan ko ng umuwi."

"At iuuwi nga kita," giit niya at maingat niyang inalis ang aking kamay sa handle bar. Hinayaan ko na lang siya at inisip na, ngayong gabi lang naman ito. Bukas o sa makalawa, pagsisisihan niya rin naman na nagkagusto siya sa akin, kung sakaling totoo man iyon.

May parte sa akin na ang daling maniwala na may nararamdaman nga siya at may parte rin sa akin naniniwalang hindi iyon totoo. Sanay na si Sir Wyatt sa mga babae at alam niya kung paano kunin ang kanilang loob. Hindi nakapagtatakang nagawa niya rin iyon sa akin.

Sobrang tanga ko para manghina sa iilang halik lang. Halik lang pero parang kinuha pati ang kaluluwa ko, pati na ang pag-iisip nang tama.

"Let's go." Hinawakan ni Sir Wyatt ang aking kamay at nagpatianod lamang ako sa kaniyang paghila. Binuksan niya ang pinto ng kotse at hinintay akong pumasok. Nang nakapirmi na ako, naroon pa rin siya at hawak ang bukas na pinto. Nagtatakang ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

"Glad you looked at my way," ngiti niya. Dumukwang siya para mahawakan ang aking batok at para patakan ng halik ang aking labi. Hindi pa man nakakalayo ay naramdaman ko ang paghila at pagkagat niya sa aking labi.

Bumigat ang aking paghinga sa hindi maipaliwanag na sensasyon.

"Sir Wyatt..." sambit ko sa kaniyang pangalan.

"Wyatt, Rean. Call me Wyatt, okay?"

"Boss kita," matigas kong sabi. Tinawanan niya iyon at parang balewala lang na nagsasabi ako ng totoo.

"I might be your boss but I'm also your boyfriend, Rean." Hinaplos ng kaniyang daliri ang aking labi habang malambot siyang nakatitig sa aking mga mata.

"B-boyfriend?"

"Hmm-mm. Gusto mo bang manligaw ako? Gagawin ko naman. Just tell me if you want it and I'll do it. I'm going to be a slave for you, Rean."

"H-hindi mo naman kailangang gawin iyan. H-hindi naman ako pumayag." Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Hindi bagay na nililigawan mo ako. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na tanga ka kasi pumatol ka sa akin?"

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang