Prologue

400 9 1
                                    

PROLOGUE

Once upon a time, there was a murder...

Nakatayo siya sa gitna ng sala. Humihithit sa sigarilyong nakaipit sa kanyang bibig. Panaka-naka'y sumisinghot siya at amoy na amoy niya ang pinaghalong usok galing sa sigarilyo at ang malansang amoy ng dugo.

Itinaas niya ang kwintas na hawak niya upang mapagmasdan niya itong mabuti sa liwanag. Kitang-kita niya kung paano ito kuminang nang matamaan ng ilaw. Napangisi siya. Tiyak na magugustuhan ito ng kanyang kasintahan.

Naglakad na siya paalis ng bahay nang mapansing alas tres na pala ng madaling araw. Bigla siyang napaatras nang tila may naapakan siyang isang malambot na bagay. Doon niya narinig ang bawat panaghoy ng babaeng ginilitan niya sa leeg para makuha ang kwintas na hawak niya ngayon.

Napatingin siya sa baba at nakitang naapakan niya pala ang kamay ng dalagang anak ng babae. Mahimbing na itong natutulog at mukhang wala nang planong imulat ang mga mata nito.

Huminga siya nang malalim. "It's high time for the rich to share their wealth with us."

Bago siya tuluyang lumisan, lumingon siya at binigyan ng huling tingin ang sahig ng bahay na naging kulay pula na. Habang naglalakad palayo ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa labi. Naisip niyang ang kanyang ginawa ay parang isang senaryo sa isang libro.

Napahawak siya sa kanyang baba at tila malalim ang iniisip.

"So who's next?" bulong niya.

© MyNameIsZii

Trace of InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon