PROLOGUE

364 11 0
                                    





Simula



Isa ako sa mga pinakamasayahing babae dito sa mundo.


Paano ba kasi?



May ina akong super mag alaga sa akin, may papa akong sobrang mapagtanggol sa akin at may may mga kapatid akong ubod ng bait sa akin.


Saan ka pa ba 'di ba? Ako na yata ang pinakaswerte dito sa buong mundo kaya maiinggit kayo..





Pero lahat ng iyan ay JOKI JOKI lang dahil sa totoong buhay ay kabaliktaran lahat.




Ito iyong totoo....





Ako lang naman iyong babaeng pinagsukluban ng langit at lupa.Lahat na lang kasi ng problema ay nasalo ko lahat.




May papa akong walang pakialam sa akin. Nagdududa na nga ako kung totoong anak ba niya talaga ako.




May mama akong sobrang maldita. Hindi ko siya totoong ina dahil sanggol pa lang ako noong namatay ang totoo kung ina.

Lagi niya akong sinasaktan. Sinasabihan ng sampid at salot ako sa pamilya niya. Pabigat daw ako sa pamilya niya. Totoo ngang ang mga stepmother ay masasama.



At higit sa lahat, may mga kapatid akong sobrang sama sa akin. Hindi nila ako tanggap bilang kapatid. Lagi nila akong pinagtutulungan, pinagkaisahan at inaaway kagaya ng ginagawa ng ina namin sa akin. Kahit ganyan sila ay mahal na mahal ko pa rin sila.




Naisip ko na ngang magpakamatay dahil walang nagmamahal sa akin.




Pero sa hindi inaasahang pangyayari na kilala ko ang isang taong walang ginawa kundi puro kabastusan lang ang bukambibig.




Siya na sobrang bastos...




Siya na laging iniisip ang  halik...




Siya na laging naiinis



At siya na laging nangtritrip..



Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na maiinlove ako sa boss ko.



At higit sa lahat, hindi ko inakalang mamahalin niya rin ako.




Magiging happy ending na ba?

She's Inlove with a Maniac Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon