Chapter 12

83 6 0
                                    

Chapter 12: Ang Paglalayas

CHASE'S POINT OF VIEW

Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding. Alas singko na pala. Kanina pa ako nandito sa kusina dahil naghahanda ako ng breakfast hindi para sa akin kundi para kay Jasmine.

Kahit kaunti lang ang naging tulog ko dahil sa mga nangyari pero heto ako ngayon, gising na gising. Nakasuot pa ako ng apron at malapit na rin itong matapos.

Nagluto kasi ako ng bacon,fried rice at titimplahan ko rin si Jas ng gatas.Hindi ako marunong magluto pero kinakaya para sa kanya. Hindi ko akalain na madali lang akong mahuhulog sa kanya. Napalitan niya kaagad si Cath sa aking puso.

"Sana magustuhan niya" Isa-isa kong inilagay sa tray ang sandwich,fried rice, bacon at milk. Sigurado naman akong magugustuhan niya ito. Maya-maya gigisingin ko siya.

Tinakpan ko muna ang pagkain at kaagad na bumalik sa aking kwarto para maligo. Kailangan kong maligo dahil pinagpawisan rin ako kanina. Kailangan kong maging mabango para sa kanya.Yayayain ko rin siyang magdate at aamin na rin ako sa kanya. Alam ko namang gusto este mahal niya rin ako kasi halata naman sa ikinikilos ni Jasmine.

"Ang gwapo ko talaga" puri ko sa aking sarili.

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin habang nilalagyan ng wax ang aking buhok. Dagdag karisma ito. Nakasuot lang ako ng white shirt at black pants. Okay na siguro ito, hot naman akong tingnan.

Papunta na ako sa kwarto ni Jasmine dala- dala ang mga pagkain. Nandito na ako ngayon nakatayo sa may pintuan. Kinatok ko ang pinto pero walang sumagot siguro natutulog pa siya.

"Jasmine?" tawag ko sa kanya.

Nakailang katok at tawag na rin ako rito pero wala pa ring sumagot. Tulog mantika yata siya. Nangangalay na rin ang paa ko kaya wala akong choice kundi buksan ang pinto gamit ang duplicate key.

Nakapasok na ako sa kwarto ni Jasmine at nagulat ako dahil wala siya.

"Jasmine!" Pinuntahan ko ang comfort room pero wala rin siya. Fuck! Where is she? Tiningnan ko ang closet niya pero wala ang mga gamit niya. Damn! Where is she going? Bakit siya umalis?

Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Wala akong pakialam kong madapa ako rito.

"Nanay Tessa, nakita niyo ba si Jasmine?" tanong ko. Nakita ko si Nanay na naglilinis. Baka alam niya kung nasaan si Jasmine. Kumakalabog na ang aking dibdib.

Itinigil muna niya ang pagwawalis. "Ah, oo. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanya. Namamaga kasi iyong mga mata niya sa kakaiyak. Yinakap pa niya ako. Pinigilan ko pa siya pero umalis pa rin at hindi niya sinabi sa akin ang dahilan. Kakaalis lang niya. Pakiusap Chase, hanapin mo si Jasmine.Mabait na bata iyon" saad niya. Naiiyak na rin si Nanay.

Fuck! Bakit siya umalis? Alam ko namang wala siyang ibang mapupuntahan.

"Oo, Nay, pangako" sambit ko bago lumabas. Kaagad akong pumasok sa kotse at pinaharurot ito. Alam kong hindi pa siya nakakalayo.

JASMINE'S POINT OF VIEW

Naglalakad ako ngayon sa may gilid ng eskinita. Umagang-umaga pero heto ako ngayon parang baliw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Umalis ako sa mansion dahil alam ko namang papaalisin rin ako kaya ako na ang nagkusa. Mabigat sa aking loob ang umalis lalo pa nung niyakap ko si Nanay Tessa. Siguro maghahanap ulit ako ng trabaho baka may tumanggap sa akin.

"Bakit ba ang malas ko? Ipinanganak yata akong walang swerte sa buhay" Nakatingala ako ngayon sa kalangitan habang sinasambit ang mga katagang ito. Gusto ko pang umiyak pero wala na yatang mga luha na lalabas sa aking mga mata.

She's Inlove with a Maniac Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon