Chapter 14

84 5 0
                                    

Author's Note: Don't forget to vote  and comment. Interact me naman po. Maraming salamat!

Chapter 14: Date( Part 2)

JASMINE'S POINT OF VIEW

Nandito pa rin kami sa may perya at hila-hila ko si Chase. Namimiss ko na kasing pumunta rito. Noong bata pa kasi ako, iginagala kami ni papa rito paminsan. Hayssst... kumusta na kaya si Papa? Hinahanap kaya niya ako? Naaalala ko na  naman ang ama ko. Wala namang pakialam sa akin iyon eh. Hayssst... nandito ako para magsaya kaya dapat kalimutan ko muna ang mga bad vibes.

"Chase, lumipat na lang tayo sa iba"

Alam ko namang hindi niya gusto rito eh, pinilit ko lang naman siya. Alam ko namang ayaw niya  sa maingay. Konti lang naman ang kaaaliwan mo sa perya, hindi kagaya sa EK na marami kang masasakyan pero masaya naman dito.

"Dito na lang"tipid niyang sagot at hinarap niya ako na may ngiti sa kanyang labi. Ang gwapo pala ni Boss este Chase kapag ngumingiti.

"Tara na! Saan mo ba gustong  unang sumakay? " Siya naman ang humawak sa aking kamay. Holding hands kami. Takte!! Kinikilig na ako.

Itinuro ko iyong carousel. Mamaya na iyong extreme rides. Palagi akong sumasakay nito noong bata pa ako.

"Gusto mo  ba talaga riyan? Pambata lang iyan"

"Bata pa naman ako ah"pamimilosopo ko sa kanya. Tama naman, hindi ba? Hindi pa naman ako matanda.

"Basta gusto kong sumakay.Tara na sakay na tayo"pag-aaya ko kay Chase.

"Dito na lang ako, papanuurin na lang kita"sabi niya. Ang killjoy naman nito.

"Sure ka? Maiinip ka niyan kapag hindi ka sumakay"

"Hindi.. makita lang kitang tumawa masaya na rin ako"aniya.

Takte! Ang lakas ng tama ni Boss. Bumabanat na. Namumula na yata ang mukha ko. Kininditan pa ako. Shitt!

"S-sige... pipila na ako,huh?"paalam ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako. Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok at binabantayan talaga niya ang bawat kilos ko.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at nakasakay na rin ako sa carousel. Here we go again. Bumabalik yata ako sa pagkabata. Ang lawak ng ngiti ko. Naalala ko pa dati, nasa tabi ko si papa pero ngayon wala na. Ang bilis lang magbago ng panahon. Mabuti  na lang na nandito si Boss at si Nanay Tessa sa tabi ko isama na lang natin sina Carl at Joanna. Naging masaya ulit ako. Nakailang ikot lang at bumaba kaagad ako.  Nabitin ako ah. Next time ulit.

Nawala sa aking paningin si Chase. Saan na ba iyon? Nandito lang naman siya kanina ah. Hala ka! Baka nawala na iyon o hindi kaya kinidnap? Patay ako nito.Kailangan kong hanapin siya.

"Chase?"tawag ko, nagbabakasaling marinig niya ako. Umikot-ikot na ako sa perya.

"Boss, saan ka na ba? " Nag-aalala na ako baka kinidnap na iyon. Wala akong pera pangtubos sa kanya. Huhuhu..

Binilisan ko ang aking lakad  hanggang sa may nakita akong kumpol ng mga tao este mga babae pala. Shittt! Nag-iinit yata ang mata ko. Si Chase pinagkakaguluhan nila.

"Chase"tawag ko. Hindi niya ako narinig dahil pinapalibutan siya ng mga babae.Mukhang nagpapapicture sa kanya. Ang lakas pa ng mga tili. Habulin talaga.

"Chase! "sigaw ko pero hindi pa rin.

Ayaw mong lumingon,huh. Nakipagsiksikan rin ako sa mga babae. Kaharap ko na siya at tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko kaagad siya pero bago pa kami makalabas ay may humawak sa aking braso.

"Sino ka ba,huh? "rinig kong sabi. Hinarap ko naman kaagad siya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, mukha siyang payaso. Ang kapal kasi ng make up.

"I'm his girlfriend, hindi ba BABE?"

Diniinan ko pa ang babe para malinaw sa kanya. Kinurot ko naman sa tagiliran si Chase. Medyo mahina lang naman. Hinawakan niya ako sa baywang at inilapit sa kanya.

"Totoo ba?” tanong ng isa pang babae. Nanggigigil na talaga ako. Baka mapatay ko itong mga babaeng ito!!

"Yes girls, next time na lang kayo magpapicture. Mukhang ginugutom na ang girlfriend ko, 'di ba Babe?"kinindatan niya pa ako. Nag-eenjoy siya, huh. Magsasalita pa sana ang babae ng hawakan ni Chase ang aking kamay at hinila palayo sa kanila.

CHASE'S POINT OF VIEW

Nag-eenjoy ako sa nangyari kanina kaya hindi mawala ang ngiti ko hanggang ngayon. Alam ko namang nagseselos si Jasmine kanina sa mga babae. Takte! Iba pala ito magalit para siyang bulkan na sasabog at sumabog nga. Sobrang palaban pala ng mahal ko kaya bagay na bagay kami.

"Anong ningiti-ngiti mo diyan?"tanong niya. Nakaupo kami ngayon sa bleacher habang kumakain ng ice cream.

"Masaya lang ako kasi girlfriend na kita"

"Anong girlfriend? Drama ko lang iyon "sabi niya at pinanlakihan ako ng mata. Ang ganda niya pa rin.

"Nagseselos ka lang naman eh"

"Hindi kaya.. assuming mo naman"

"Basta nagseselos ka, halata kasi babe” saad ko na nakangisi.

"Babe ka diyan.. tumigil ka nga!” inirapan niya ako.

Napatitig ako sa mukha niya habang kumakain siya. Ang dumi talaga niyang kumain. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Pinahiran ko ang ice cream na nasa mukha niya. Nagulat  siya sa ginawa ko.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Jasmine. Shitt! Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Unti-unti kong inilapit ang mukha sa kanya. Napapikit siya at mabilis kong ipinagdikit ang mga labi naming dalawa. Smack lang ang ginawa kong halik sa kanya.

"Tara na! Sakay na tayo ng rides"nahihiyang saad niya at saka tumayo. Sumunod din ako sa kanya.

Marami kaming sinakyang rides at parang nahihilo na  ako pero siya ang lakas pa rin ng energy.

Sumakay  rin kami sa horror tren. Advantage ito sa akin dahil alam kong kakapit siya ng mahigpit sa akin pero iba ang nangyari. Mas nauna pa siyang naglakad sa akin at ang kalma niya. Hindi siya nagtitili o sumisigaw kagaya ng ibang babae na nakasabay namin kanina. Grabe ibang-iba talaga si Jasmine. Wala siyang kinatatakutan.

Gabi na kaming nakauwi sa mansion dahil hindi namin namalayan kung anong oras na. Nag-enjoy ako dahil kasama ko siya, ang taong mahal ko. Ngayon lang ako ganito kasaya.

Si Jasmine lang pala ang makapagbibigay noon.

Iang- iba siya kay Cathy. Wala siyang arte at ang simple niya.

Ang swerte ko kay Jasmine pero ang problema ko ngayon ay paano  magpapaliwanag kay Cathy. Maiintindihan niya naman siguro.

She's Inlove with a Maniac Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon