Chapter 6

98 6 0
                                    

Chapter 6: Pagtulong

SOMEONE'S  POINT OF VIEW

"Tatlong linggo na, hindi niyo pa rin nahanap ang babae?! Mga walang silbi!! "galit na sigaw ko sa aking mga tauhan.

"Boss, pasensya na. Mahahanap rin namin siya" singit ng isa kong tauhan.

"Sinabi ko bang magsalita ka? Umalis kayo sa harapan ko!Mga gago! Kapag hindi niyo nahanap ang babae, magtago na kayo! Layas!

Nang dahil sa sigaw ko, mabilis pa sa kabayo na umalis ang aking mga galamay. Sayang ang ibinabayad ko sa kanila, walang natutupad kahit isa.

"Hi dad, galit na naman kayo?"saad ng aking anak na kakapasok lang sa office.

"Pinapakulo kasi nila ang aking dugo. Isang babae lang hindi pa mahanap" paliwanag ko sa aking aking anak.

"Hayss, hayaan mo na lang ang babaeng iyon, Dad"sabi niya na ngayon ay nakaupo na sa aking ha rap.

Napatitig ako dahil  sa sinabi niya. "Importante sa akin iyon anak. Kailangan ko ang babaeng iyon"saad ko.

"Ganoon ba Dad. Hindi na lang po ako makikialam"turan niya.

"Kaya kailangan kong mahanap ang babaeng iyon sa madaling panahon" determinadong sabi ko. Napataas ng kilay ang aking anak.

Tiningnan ko siya. "Oo nga pala, hindi ka ba papasok Cathy?" tanong ko sa kanya.

"Ayyy oo nga pala Dad. Sige po mauuna na ako" saad ng anak ko at hinalikan ako sa pisngi. Ang lambing pa rin ng aking anak. Umalis na rin siya kaagad.



Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon. Ang babaeng iyon ang alas ko para mapabagsak ng tuluyan si Luvimier. Kailangang maunahan ko siya. Kompyansa akong magtatagumpay ako.



JASMINE'S POINT OF VIEW

Kumusta ang first day mo sa School?” tanong sa akin ni Boss.

Aba! Himala ano kayang nakain nito?

Nag-aayos na rin ako ng gamit siyempre may pasok pa. "Maayos naman po Boss. Mayroon akong naging kaibigan. Ang bait pala ni Carl nohh"nakangiting saad ko. Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Tssk! Sa susunod huwag kanang masyadong lalapit sa mga estudyante roon lalo na sa mga lalaki " turan niya. Bakit naman hindi pwede? Ang bait kaya nila lalo na si Carl. Naguguluhan ako kay Boss.

"Bakit naman Boss?" takang tanong ko sa kanya.

"Basta huwag kang tanong ng tanong. Bilisan mo diyan dahil isasabay kita papuntang school'' bilin niya bago lumabas. Dali-dali rin akong sumunod baka iwanan pa ako.

Medyo malapit na kami sa school ng bigla niyang inihinto ang sasakyan.

"Dito ka na lang bumaba. Ipasusundo na lang kita ni Mang Celio'' sabi niya at pinaharurot ang kotse.

Bakit ba ayaw ni Boss na ipaalam na magkakakilala kami? Haysst, hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip niya. Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa mga utos niya. Sa ngayon, nakasalalay ang buhay ko sa kanya kaya dapat maging mabuti rin ako kay Boss.

Naglalakad na ako papuntang St. Fatima nang makita ko si Joanna at mukhang may kasama siya. Tinitigan ko muna ito. Mukhang inaaway at pinagtutulungan siya ng mga ito.

"Ayaw mo ng sundin ang utos namin,huh?!  Ano may ipinaglalaban ka na?'' rinig kong sigaw ng isa. Akmang sasampalin na niya si Joanna nang mabilis pa sa alas kuwatrong sinalo ko ang kamay niya.

She's Inlove with a Maniac Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon