Kabanata 1

497 15 0
                                    

"Good morning Mamita!" I kissed her cheek.


"Good morning din, Prita. " Dumapo ang mata ni Mamita sa damit ko. "Your ready."


"Ofcourse! Early bird catches the worm."


"Wag mo kalimutan ang itinuro ko sa'yo, Prita. Ang isang Elezondo ay mataas hindi pwedeng tapakan. Don't let your guard off, maraming sinungaling sa mundo. Pera lang ang habol nila sa'ting angkan" Mamita reminded me. "Nasa labas na si Alice ang sasama sa'yo papunta sa farm. May flight ako papunta sa Cebu mamayang hapon. I'm expecting you to take care of the farm, Prita"


"I won't let you down, Mamita!" siguradong wika ko.


Tinapos ko ang pagkain at nag paalam kay Mamita. I was trained to be strong and independent woman. Iyun ang gusto ni Mamita bilang unang apo ng Elezondo. I'll show them who am I.


Nakita ko ang isang kasambahay na tahimik lang na nag hihintay sa labas ng kotse. Tumayo ito ng tuwid nang makita ako nito. Magalang na bumati siya sa'kin. Walang salitang sumakay na ako. Umandar na ang kotse papunta sa 'di ka layuang farm. Limang minuto ay naka rating na kami sa farm. Kita ko mula sa loob ng kotse ang lawak ng farm. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver. Bumaba ako sa sasakyan at napatingin sa boung kapaligiran.


"Let's go."


Pinayungan ako ni Alice pa tungo kong saan ang mga nag tra-trabaho. May lumapit sa aming dalawang may edad na lalaki at babae.


"Magandang umaga, hijah, ikaw ba ang apo ni Donya Eleonor." tanong ng matandang babae.


"Opo"


"Ako pala si Nanay Eliz at ang asawa ko si Juan." Pakilala nito sa sarili. "Halika Señorita at ipasyal ka namin"


Sumunod kaming dalawa ni Alice sa dalawang matanda. Itinuro nito ang ilang mga tanim nila. Kung paano nila inaalis ang mga pesti na walang halong kemikal. Good thing, napag aralan ko kagabi ang ilang importanting bagay na gawin sa farm para manatiling malusog ang pananim.


I should have a report everyday. Mahirap na makaligtaan bigla, baka may mangyari. Masasabi kong alagang-alaga ang farm. Mula sa unang dinaanan namin ay walang problema. Sunod na pumunta kami sa dulo. Dumapo ang mata ko sa naghihiyawang kalalakihan sa malaking puno ng mangga. Parang nag kakasiyahan ang mga ito. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagka-aalam ko ay oras ngayon ng trabaho. Walang anong nilapitan ko sila. Mabilis na humupa ang ingay nang makita nila ako. I crossed my arms below on my chest.


"Oras ngayon ng trabaho pero bakit andito kayo?" Pagalit kong tanong. Tumayo ang isa sa kanila at hinarap ako.


"Sino ka ba? Akala mo maka asta ay may-ari."


Uminit bigla ang ulo ko sa sagot niya. How dare him! Bulag ba ito para di makita na isa akong Elezondo.


"Ako lang naman si Pricilla Tabitha Elezondo. Elezondo. " Diin ko sa aking apelido. Nakita ko ang gulat nilang ekspresyon sa mata.


A Night To Remember (Elezondo Series #1)Where stories live. Discover now