Kabanata 2

278 14 0
                                    

I was busy on my work when Dahlia interfere on Mamita's office. Panay ang pangkukulit nito na pumunta kami sa farm, pero ayaw ko dahil marami pa akong e che-check na mga report. I also need to monitor the harvest season sa mga prutas at gulay namin sa farm.

"Tanggalin mo muna ang mata sa papeles, Prita. Come on, excited na ako pumunta sa Farm!"

"Ikaw lang muna, Dahlia. Marami pa akong gagawin." I told her without breaking ang eye contact of the papers I'm holding.

Dumungaw si Dahlia sa gilid ko at kinuha ang papel na aking hawak. I warned her to give it back to me, pero ayaw nito making. Lahat ng papeles na nasa ibabaw ng mesa ko ay inalis niya saka ako hinila patayo.

"Dahlia, sa ibang araw nalang." Pagkumbunsi ko sa pinsan ko.

She pouted her lips and shook her head. Jusko! Dahlia and bratness. Sasakit lang ang ulo ko sa kanya kapag hindi ko sinunod ang gusto. Wala akong choice na umakyat sa taas para mag ready.

"I've heard na may gwapo sa farm ni Mamita."

Inikotan ko siya ng mata dahil umandar na naman ang pag bo-boy bunting niya. Alam ko na ang ganyang galawan. At gwapo? Wala naman ibang gwapo doon bukod sa ubod na suplado na si Claude.

"Hindi siya gwapo."

"Weh? Balita ko kasi may gwapong trabahador iyun. Matagal narin bago ako makabalik sa farm. Gosh! hahanapin ko talaga iyon pagdating natin doon."

Nakaramdam ako ng kaunting irita sa sinabi ni Dahlia. Pakiramdam ko ay may balak itong ikaka-init ng ulo ko. Better she behave before I kick her ass off.

" We are strictly forbidden to flirt on our workers, Dahlia." maanghang na wika ko.

Nabigla kaming dalawa ni Alice sa malakas na tawang pinakawalan ni Dahlia. Para bang isang malaking joke ang sinabi ko. Which is not. Iyun ang parating sinasabi ni Mamita sa'kin noon. Ang isang Elezondo ay para sa mga mayayamang angkan lamang.

"Where did you get that perspective? Wait, kay Mamita? Hahahaha. " Sinamaan ko ng tingin si Dahlia. "That old lady corrupted your brain, Prita."

"She's not! She's doing this for our own good."

Malungkot na ngiti ang iginawad ni Dahlia saka sumandal sa upuan ng kotse. Her eyes were looking outside through the window.

"You can only say that because you haven't fight anything that against your heart, Prita."Seryuso niyang wika.

Aabot ba ako sa punto na kakainin ko lahat ng sinabi ko. Na tatalikuran ko ang salitang parating pinapa-alala ni Mamita. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw pag gising ko maaring mawala ang pinaghirapan kong buohin. Ang tiwala ni Mamita. At ayaw ko masira iyon.

"Andito na pala tayo!" Balik siglang ani ni Dahlia. Mabilis na bumba ito sa kotse at nag unat ng braso.

Bumuga ako ng hangin bago sumunod. Binati kami ng mga trabahador na dadaanan namin. Masayang kumaway si Dahlia sa mga ito.

"Ma'am Dahlia." nag takbohan ang kasamahan ni Claude ng makita si Dahlia. Umatras ako ng kaunti dahil muntik na akong mabunggo nong isa.

"Ma'am ang ganda mo lalo."

"Oo nga, na miss ka namin dito sa farm."

"Grabe mas bumata ka ata. "

"Inoman tayo Ma'am Dahlia!"

Kumunot ang noo ko sa klaseng pakikitungo nila sa aking pinsan. Na para bang isang kaibigan lang at hindi apo ng kanilang amo. Pero si Dahlia ay dedma lang ata halatang natutuwa.

A Night To Remember (Elezondo Series #1)Where stories live. Discover now