Kabatana 7

229 12 2
                                    

Pareho kaming naka tingala sa display wall. Saan naka hilira ang available sa cenima. May action and romance. Huminto ang mata ko sa isang horror film.

"Gusto ko ito." I pointed the horror movie.

"Feeling ko pangit iyan. How about this one?" sabay lunok at itinuro ang romance.

"Mas pangit ka pa kaysa feeling mo. If you want to watch that. Then you're free to buy your own ticket. Basta manonood ako ng horror."

Parang na lugi ang mukha nito sa sinabi ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil napilitan siyang bumili ng dalawang ticket ng horror movie. Bumili din kami ng popcorn and juice.

Madilim na pumasok kami sa loob ng sinehan. Ang tanging ilaw lang ay ang screen sa harap. Medyo maliit lang ang nanonood ng horror movie na'to. Pinili namin umupo sa gitna ng upuan.

"Sure ka ba dito? I mean, kung matatakot ka wag kang mag dalawang isip na itago ang mukha mo sa gilid ng braso ko."

Lawrence flexed his biceps infront of me. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil super yabang. Akala siguro niya matatakot ako. Ilang sandali lang ay nag-simula ng mag play ang movie. Naramdaman ko na may tumabi sa bakanteng upuan nko sa gilid. Hindi na ako nag abalang lingonin ito.

Maganda ang starting ng movie. The girl was raped and torture until she died. Now she's seeking for her revenge. Nasa part kami na sobrang nakakatakot. Sa hindi inaasahan may lumitaw na nakakatakot na mukha sa screen. Sumigaw ang lahat sa eksenang iyon lalo na si Lawrence. Tinago nito ang mukha sa gilid ng braso ko.

Hindi ko mapigilang umirap sa kawalan dahil mukhang mas natakot ito kaysa sa akin. Hindi ko mapigilan mag mura sa utak ko dahil may pa flex pa siya sa muscles tapos takot pala. Sarap sipain sa upuan. Muli na naman lumitaw ang babae sa screen. Imbes na magulat ako sa babae ay mas nagulat ako sa sigaw ni Lawrence. Aksidenteng napahawak ako sa kamay ng katabi ko.

Damn! Hindi yata ako aatakihin sa puso sa palabas, kundi boses mismo ni Lawrence. Sa kalalaki niyang tao, matatakutin pala siya. Tapos hindi takot mambabae. Hay nako!

Binitawan ko na ang kamay ng katabi ko. Humingi ako ng tawad na hindi tumingin sa kanya. Mabilis na tapos ang pelikulang pinanood namin. Lumabas na kami ni Lawrence sa sinehan.

"Thanks God, natakot ka ba, Prita? "

"Hindi. Mas natakot ako sa boses mo. "

"Nagulat lang ako sa babae, okay." He tried to explain.

"Sure ka? E ganito ka nga kanina. Fuck! Hindi ko papatayin mamayang gabi ang ilaw sa kwarto" panggaya ko sa kanya.

"Grabe ka talaga. "

Natawa ako sa reaksyon niya. Hanging out with him isn't bad at all. Pumunta kami sa arcade upang mag laro. Ang ingay niya kasama minsan iniiwan ko ito. Just like now, he's playing zombie.

Ang ingay nito habang binabaril ang mga zombie. May ilang nanapatingin sa pwesto naming dalawa. Damn! I need to go.

"Prita! Woy! Hindi pa ako tapos patayin ang zombie."

Tinakpan ko ang mukha sa kahihiyan na dulot ni Lawrence. Kimi akong ngumiti sa mga taong lumingon sa akin.

"Prita!"

Anak ng neneng naman, o.

"Hindi kita kilala! "

Mabilis na lumabas ako sa arcade. Si Lawrence nama'y sumunod din. I glared at him, but he just smiled. Sarap bigwasan.

"Kinakahiya mo ba ako?"pa cute niyang ani.

Ngumiwi ako sa paawa effect niya. Mukha siyang ewan.

"Huwag ka nga gumanyan dika ka cute!"

A Night To Remember (Elezondo Series #1)Where stories live. Discover now