Kabanata 8

222 12 0
                                    


"What?"

"Wala ka ata sa mood this past few days?" Dahlia asked while eating her favorite chips.

I just rolled my eyes at her and continue what I'm doing. Talagang wala ako sa mood dahil kay Claude, masama talaga ang loob ko. Ang babaw ng rason niya para pagsalitahan ako ng ganon. Di ba niya na isip na kaya ko siyang tanggalin.

"Ang lalim ng buntong hininga mo ha."

Binato ko ng nilukot na scratch paper si Dahlia. "Umalis ka nga ditto!" Pag taboy ko.

Akmang magsasalita sana siya nang bumukas ang pintoan at pumasok si Alice. May dala itong enorder ko na pagkain. Nagkatinginan silang dalawa ng pinsan ko at ngumiti. Inilapag ni Alice ang pagkain sa lamesa, umarko ang aking kilay ng may mapansin akong naka tupperware.

"Kanino galing iyan?" sabay turo sa tupperware.

"Kay Claude po. Nadaanan po niya kasi kami nang papunta kami rito. Kaya pinabibigay niya." Sagot ni Alice.

I saw my cousin grinned at me. Tumayo na si Dahlia at nag paalam alis siya dahil may lunch date pa ito sa boyfriend. As if naman na may boyfriend talaga. Sumabay nadin si Alice rito. Nang mawala ang dalawa tumayo ako at binuksan ang pagkain na binigay ni Claude.

It was pork kaldereta. Binaba ko ito at kinuha ang pagkain na enorder ko. Habang kumakain panay ang sulyap ko sa pagkain na bigay ni Claude. Huminga ako ng malalim at tinawag si Sofia at binigay ito. Medyo nang hinayang ako kalaunan ng sabihin niya na masarap daw ang kaldereta.

Tumawag ang sekretarya ni Mr. Shawn at sinabing nais ako nitong makita. Ano na naman kaya ang gusto ng matandang ito. I told the driver to get the car ready kasi may pupuntahan kami. Habang naka tingin ako sa labas ng bintana sa kotse. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar bulto ng tao na naka sakay sa kabayo.

Ipinilig ko nalang ang aking ulo at itinuon ang paningin sa kabilang bahagi ng sasakyan. Di pa kami nakakalayu kay Claude ay biglang huminto ang kotse na ikinataka ko.

"What happened?" I asked Rony.

"Ma'am tumirik po ang kotse." Sagot niya.

I massaged the bridge of my nose.

"Then do something. Kung hindi 'to umandar itulak mo sa likod. Keysa naman tumirik ang mata nang matandang iyun." Napa ngiwi si Rony sa sinabi ko. Bumaba siya siya at tinignan ang makina sa harapan. Ilang sandal din ay kumatok ito sa bintana sa gilid ko.

"What?"

"Ma'am nag overheat po ang sasakyan. Pero don't worry Ma'am magiging okay din naman ito."

"Ilang minutes?"

"Higit isang oras."

"Jusko! Talagang mag wo-worry ako niyan. Alis ka nga." Bumaba ako sa kotse at sinipa ang gulong nito.

I will tell Mamita to buy a new car. Nag antay ako sa gilid ng kalsada baka sakaling may dumaan na kotse. Pero imbes na pampasaherong sasakyan, kabayo ang huminto sa harapan ko. Hindi ako nag atubiling tignan ang may-ari nito.

"Gusto mo bang sumakay?" I ignore his offer, as if I don't hear or see him.

Why is he offering me to ride his horse? I thought he hate me because I am a Elezondo.

"Senyorita. Gusto mo ba tumawag ako sa mansion para may masakyan ka." Suhisyon ni Rony sa gilid namin. Pinagdikit ko ang labi ko at sinabing wag na dahil tatawagan ko si Dahlia.

Pero nong tinawagan koi to sinabing hindi siya makakasama sa akin dahil may inaasikaso sila ngayong kaso. Saktong pagbaba ng tawag ay lumitaw ang text ng sekretarya ni Mr. Shawn na asan na raw ako. I rolled my eyes. Atat na atat ang matandang ito, sarap pakainin ng lupa.

A Night To Remember (Elezondo Series #1)Where stories live. Discover now