Chapter 9:Make sure to Keep your Distance

53 2 0
                                    

Chapter 9: Make sure to Keep your Distance

Eris~~

"Tumubo ang abilidad mo dahil sa matinding paghalo-halo ng emosyon mo. This is rare type scenario. Ikaw pa lamang ang nakakagawa nito. At maaaring lalakas ka pa. Kaya napagdesisyonan ng First High Board of Directors na bigyan ka ng special training. Kailangan ng matinding atensyon ang abilidad mo,"paliwanag sa akin ni Dr. Henrie Escalera. Isa siya sa board of Directors. Kasalukuyang nasa opisina niya ako. Siya rin ang officer in charge sa pagmomonitor ng abilidad ng mga estudyante kaya sila lagi ang takbuhan namin kapag may problema kami. Magalang akong tumango. "Simula sa susunod na lunes papasok ka na sa Special Attention Class. Nandito ang schedule at location ng klase mo."May binigay siyang brown envelope sa akin. Maagap kong kinuha at inipit sa portfolio ko.

"Maaari ka ng umalis,"utos niya. Tumayo ako. Yumukod ako at tinalikuran siya.

"Hmm teka,Ms. Guzman. Kung makaramdam ka ng kakaiba..."

"Po?"

May kinuha siyang apparatu sa cabinet niya matapos akong tawagin. "Isa itong emergency device na mag-aalam ng kalagayan mo."

"Compass?"Taka kong usal matapos makita yon.

"Oo. Ito ang tinatawag na danger tracker. Yan ang magtuturo sayo kung nasa panganib ka. Tignan mo to,"kinuha niya ang itim na libro. Tinutok niya ang compass doon at biglang nagwawala ang arrow sa loob non. Umuusok yon at tila sasabog na. Agad niyang nilayo yon sa libro. Bumalik siya sa akin. "Iyon ang reaksyon ng compass kapag nasa panganib ka. At kapag nangyari yon, kailangan mo nang lumayo sa lugar na yon o sa bagay na yon."

Inabot ko yon gamit ang dalawang kamay. "Maraming salamat po,Doc."

Kumibot ang labi niya. Strikto ang ekspresyon ni Dr. Henrie pero nakikita ko na mabait naman siya. At nirerespito ko siya.

"Malaki ang maitutulong niyan sa'yo lalo na sa panahon ngayon. Saka hindi pala yan libre,"sarkastikong saad niya.

Napabuka ko ang bibig ko. "A-Akala ko--"

"Hindi bale na, pwede mo naman hulog-hulugan yan." Alam kong nagbibiro lang siya.

"Ah opo. Babayaran ko naman po kayo."Nahiya kong salita.

Tumawa siya. "Biro lang Ms. Guzman. Pagmamay-ari ko naman yan dati. Pwede ka na palang umalis. Baka mapagalitan pa ako ng homeroom teacher mo. Napatagal tayo ng 25 minutes."

"Salamat po ulit,Doc."Paalam ko bago tuluyang lumabas.

Nasa hallway ako nang tinignan ko ulit ang compass. Hindi ko inaasahan na mabait pala si Dr. Henrie. Masaya akong napangiti bago yon binalik sa bulsa ko.

Nasa daan na ako palabas ng school. Hindi ko kasama si Kaye ngayong uwian dahil sinamahan nito si Reign na pumunta sa branch 303 Office sa district 1 ACTS. Hindi ako sumama dahil hindi ko gustong makita si Naoki Serviante. Nalaman ko ang full name niya kahapon. Assistant Officer in charge siya. Si Samantha Andres na nakatatandang kapatid ni Marie ang head in-charge na kasalukuyang school council president.

Kinuha ko ang folder sa portfolio ko habang naglalakad ako. Laman non ang resulta ng ability level ko. Ngunit noong kinuha ko na ay biglang lumakas ng hangin at tinangay yon. Hinabol ko. Pero hindi ko maabot. Hanggang sa may nakahuli non. Humihingal akong tumigil.

"Ano to Eris? Ba't hinahabol mo?"Tanong ng britonong boses ni Silver. Pumitik ang puso ko nang muling marinig yon. Isang araw kaming hindi nagkita dahil sa test ko. Nasasabik akong tumingin sa kanya.

Binasa niya ang laman ng papel. "Level 1 ka na pala? Wow! Dapat pala tayong mag-celebrate."

"Mag-celebrate?"Nainsulto ako sa tono ng pananalita niya. Hindi ko alam kung papaano. Parang pinagmukha niya kasi sa akin na sobrang mahina ako at jackpot pinapisa rin sa wakas. "Wag na siguro. Baka maaksaya ko naman ang oras niyo. Isa pa, kailangan kong umuwi ng maaga ngayon."

When Magic went IrregularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon