-#19: Hold It Tight

80 4 0
  • Dedicated to those who wait x">>
                                    

Isang malaking ngiti: Ayan ang ipinakita ng nakakuha ng stick na para sa King. Agad namang nagtakip ng stick ang mga nakakuha ng number lang at ang isa do’n, ay si AKO.

“Ha!” singhal ni Jake. “Hahahahaha!” at ipinakita niya sa ‘min ng stick niya. “King? Ako ang King! See? Hahahaha!”

Grabe, para namang first time—at tumingin siya sa ‘kin. “Number 1…”

He’s looking at me like there’s something more. Napasilip ako sa number ko at… teka, number one ako?!

Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, hala nakangiti ang loko! Wait, alam kaya niya?

Anong kadugaan ‘to?!?!

“… siya, hindi siya pwedeng humiwalay sa ‘kin during this trip.”

“Tss,” tawa ni chonggong Pete, hindi ko sure kung sarcastically ba o natatawa talaga siya. “Tangina, ang dali nam—ARAY! Shet! Ang sakit naman... Ano ba?!”

“Bibig nito,” saway ni Kenneth.

At nag-synchronize na naman ang kambal… “Tangina~ Tangina~”

HAHA! Pangasar? Binatukan tuloy sila ni Kenneth.

“Oy,” agaw ng pansin ni Jake. Pagtingin ko sa kanya, do’n ko na lang ulit naalalang ako pala si number one. “Ano na? Sino na si number one?”

“Ahem,” ubo ko, at tinitigan ko siya nang masama.

‘Di ba dapat date niyo ‘to ni Vero?!?’

And then he smiled, as if saying…

‘I’m the King, di ba?’

“Huh?” ngiti ni chonggong Pete. “Ikaw siguro si number one ‘no!?”

Agad kong binitawan ang kamay ni chonggong Pete. “Ayoko na," sabi ko sa kanya, tapos 'yon, pabulong na nagmura. “Dahan-dahan,” kapit naman sa ‘kin ni Kenneth nang tumayo ako. “Baka ma-out of balance ka na naman n’yan sige ka,” and then he smiled. Tinutukoy ba niya ‘yung dati?

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti…  “H-hindi, kaya k—“

“Hindi pwede!” sigaw na naman ni chonggong Pete.

“Kaya nga!” sabay pa na sabi ng kambal.

Tinitigan ko nang masama si Jake. ‘Ang duga kasi ng isa d’yan!’

“Ang KJ naman nito,” sambit ng isa sa kambal. Arr… medyo na-hurt ako tuloy ako. Suddenly, parang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko sa kanila. But taking it back means… alam niyo na, at hindi pwede ‘yon!

Hi Love! [On-Going]Where stories live. Discover now