-#25: De Ja Vu? No.

22 3 0
                                    


Being in this table is kinda pressuring. Ngayong nalaman ko nang nasa likod ko lang pala si Jake, nakakapangilabot talaga! Expecially 'pag nakakarinig ako ng pag-usog ng upuan, I know well, siya 'yon.


"Tumayo na naman siya!" confirm ni Vero sa naiisip ko. "Hahahahaha, ang cute talaga niya!"


... See?


"Nakakapanghinayang ka~" dagdag pa ni Vero.


"Gusto mo sayo na lang?" Walang halong galit, pagkutya, o ano. Seryoso. Parang binibigay ko na talaga si Jake sa kanya. More on, binabalik.


Well obviously, sa kanya naman talaga si Jake.


"O," tawa ni Badette. "Sayo na lang daw! Saya di ba?"


Para akong nasa storya ng 'Beauty and the Beast'. Imbes na kay Belle nain-love ang Beast, sa akin siya nagkagusto na hamak na dumaan lang. The feeling na nakasira ka ng isang love story? It will be easier kung tatanggapin na lang niya at simulan na niya ang pag-akit...


"Anong sa 'kin na lang? Parang gano'ng kadali ha?" tawa ni Vero. Oo nga...


... Alam kong hindi gano'ng kadali.


"A-ano," biglang nagsalita si Jefferson. "Tataas na 'ko kasi magta-time na s-so, ano... pwede ba 'ko ulit makisabay sa inyo sa susunod?"


"Oo naman!" masiglang sagot sa kanya ni Badette. "Ikaw pa! Basta ingat ka ha? Sabihin mo sa 'min kung may problema!"


Nginitian lang siya Jefferson. An awkward one. Hindi kasi niya alam kung anong tinutukoy ni Badette at dahil sa male-late na rin siya, no time na para magtanong. Pero...


"Anong problema?" tanong ni Vero.


"Syempre, alam mo naman si Mr. Jealous guy over there," nguso ni Badette. "'Yang magkakaibigan na 'yan, they're almost capable of everything!" And with that said, some things flash on my mind.


Isa rin palang dahilan kung bakit ang tagal naming magkabati-bati noon ay dahil sa kanila. Nabakurang talaga si Vero no'n at wala talagang nakakalapit sa kanya. Thinking back then, hindi nga ata kami nagkaaway-away noon e. It's like, napaghiwalay lang sa matagal na panahon. Ang astig nga, walang nangyari sa 'king gano'n? Probably because hindi ako kasing hina ni Vero.


... Syempre ako pa!


Well, I guess guys like them will do anything for their girl. Hindi ako sure sa iba pero kay Jake... Oo.


          —-


What did I just do? Sa tingin ko mas lalo kong nagulo ang past..? Well sa past, Jefferson did like me. Pero hindi naging kami. And what did I just do, did I just... whaaaaah?


Dahil ba sa iba na 'ko sa dati..? I mean, three years ago?


Well I think oo, I learned a lot... Ibig sabihin ba nito mas magugulo ko pa ang lahat?


Naku, naku! Bilisan ko na lang kaya sa pagbalik nitong malaking mapang 'to nang makauwi na 'ko? Isa na naman kasi ako sa cleaners at dahil sa lahat sila kailangan na raw makauwi kaagad, including Vero, ako tuloy ang magbabalik dito ng mapang dala-dala ni Sir.


Si Sir kasi padala-dala pa, hindi naman namin ginamit sa klase. I think gumamit kami ng mapa mga grade 9? Sa naaalala ko ha. Right, ginamit namin 'yon ng dahil kay Alexander the Great.


Teka, nangyari na ba 'to?


Yeah right... it's really de ja vu. After this, makakauwi na k— what? Ang dilim. Suddenly I'm embraced by darkness... may nagsarado ng pinto!?


... And then I heard the click of the knob.


Agad kong binitawan ang mapa kahit hindi ko pa ito nailalapag. "MAY TAO PA PO DITO!"


"Tao ka ba?" Nagulat ako sa nagsalita. Iba ang boses, babae. "Akala ko hayop. Ahas. Akin si Jake!"


"Hush!" Narinig ko ang mahinang pagsaway sa kanya ng kasama niya. "Baka makilala k—"


"Dapat lang! Para makilala niya kung sino ang binabangga niya." At kahit hindi na siya magpakilala, kilala ko na ang boses niya. "How ikaw, masyado kang matapang e. I'm my daddy's girl. Actually I don't need my dad to make your life a living hell. Hindi man kita mapapaalis, sisiguraduhin kong aalis ka mag-isa mo."


"Maxeen, bukas mo 'to!"


"Oh? Kilala mo 'ko?" she giggled. I can almost see her angelic face and demonic aura. "Good. Let's get along well, Maesee."


"Hoy..." I can hear their footsteps already. "HOY!"


"Hindi mo kailangang sumigaw!" Her voice is faint. Halatang nasa malayo na sila. Ang dilim dito, at ang dumi! "Hindi mo kailangang sumigaw, walang makakarinig sayo dito!"


"HOY! HOY!" Sinipa-sipa ko ang pintuan at pinalo-palo ko. Hindi ako pwedeng makulong dito, no, Lord! Help me! Hindi pwede! At least sana may kasama ako tulad ng sa mga palabas. Sana may magliligtas sa 'kin, pero hindi 'to palabas!


"MAXEEEEEN!" putek... "MAY TAO PO DITO, PABUKAAAAS!" syete... "SAYO NA SI JAKE!" walang'ya...


"ANONG KLASENG ESKWELAHAN 'TO? WALA BANG JANITOR NA KAILANGAN NG DUSTPAN D'YAN?!"


Hi Love! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon