-#20: I Messed Up. I'm Messed Up!

45 4 0
                                    

Nanginginig, medyo paos, at habol hininga pa rin. ‘I like you?” lingon ko kay Kenneth nang pahina na ng pahina ang barko. Sinigaw niya ang tatlong salitang ‘yon. After holding my hand, sinigaw niya ‘yon! Kinabahan ako. I feel like… ayokong mag-assume, pero para sa ‘kin ba ‘yon?

I didn’t get the courage to ask once na nakatigil na ang barko. Instead, agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakawak niya. Gulat niya ‘kong nilingon, at nagulat ako sa expression niya. Why does it seem to me that he doesn’t want to let go yet?

And then he smiled.

“Dito ka nga,” hila sa ‘kin ni Jake. I then avert my eyes from Kenneth.

“A-a-a-ah!” pilit kong pagtatanggal sa kamay ni Jake. Ang higpit kasi ng pagkakawak. “Ano ba, masakit!”

“Ba’t ba sa kanya ka dumidikit? Di ba dapat... dapat dito ka sa tabi ko?”

“Ano ba!” malakas na hila ko and this time, bumitaw na siya. “Di ba dapat nga magde-date kayo ni Vero?” ‘Sumbatan ba ‘to ng dapat, ha!?’ Nilingon ko ang paligid, pero… “Teka, sila Vero?”

“Huh?” lingon din niya sa paligid. Somehow, I think I just saw him smile pero nang inilipat ko ulit ang tingin ko sa kanya, hindi naman siya nakangiti.  “Oo nga ‘no… nasaan na sila?”

“Kasi, kasi!” Tinitigan ko siya nang masama. “Pahila-hila pa kasi, ugh!”

I reached for my phone.

Dialing…

The subscriber cannot be reach. Please try again later…

The subscribe—

“Ba’t cannot be reach!?” lingon ko sa kanya. Hawak din niya ang phone niya, at sakto niya rin itong ibinaba.

“Cannot be reach din si Kenneth…”

“Paano na ‘yan? Hanapi—“ Pinigilan niya ‘ko.

“Alam mo, masasayang lang ang oras natin kung hahanapin lang natin sila imbes na marami pa tayong masak—“ Is he suggesting na magsolo na lang kami? Hindi kaya pakana niya ‘to? “—Don’t look at me like that. Sinasabi ko lang na hindi tayo pwedeng magpagabi di ba? Sayang ang oras! Doon tayo o,” turo niya sa Wheel of Fortune. “Pwede natin silang makita mula do’n, plus nakasakay pa tayo! Di ba?”

Tinitigan ko lang siya.

“Halika na nga,” hila niya sa ‘kin. Hindi na ‘ko nagpumigil kasi alam kong masasaktan lang ako. Kayang-kaya niya ko. Kaya niya akong dalhin do’n kahit ayaw ko. “Hindi na mainit, dali. Faster!” and then pumila na kami.

Mahaba rin ang pila dito katulad ng sa Anchor’s Away pero dito, sakto namang nagbababaan na ang karamihan. Naging mabilis lang ang lahat. Every minute tumitingin-tingin ako sa paligid at baka nasa malapit lang sila.

“Ano ba?” Napalingon ako nang kausapin ako ni Jake.

“Ano?”

“Magkasama naman tayo ba’t hinahanap mo pa sila?”

“Nag-aalala ako kay Vero.”

He bitterly smiled. “Kay Veronica? O kay Kenneth?”

“Sa kanilang dalawa.”

“Bakit pa?” tawa niya. “Aminin mo na kasi, si Kenneth lang naman ang inaalala mo e. Iniisip mo siguro maaagaw siya ng bestfriend mo—“

“Ano bang problema mo?” tanong ko sa kanya.

“Ikaw.”

“At bakit naging ako?”

“Kasi napaka-careless mo! Sa tingin mo hindi ko nakitang magka-holding hands kayo kanina?”

Nanlaki ang mga mata ko. “So?” Gusto kong tumawa. Why is he even acting like this? Kami ba? Ugh… “Natatakot kasi siya and—“

“So sa tingin mo hindi ako natatakot?”

Hulu ka… ba’t kami nagtatalo? Seriously!?

“So anong gusto mong gawin ko?” matawa-tawa kong tanong sa kanya. “Gusto mong iholding hands din kita? Magpaka-lastikman ako, gano’n?”

Hindi siya sumasagot. He’s just looking at me like child that can’t even talk back to his mother. Tuloy, I feel so guilty. Natatakot siya, and so? Bakit hindi siya makipag-holding hands kay Vero? Naku naman…

“Next,” singit ni kuyang nagbabantay. Pagkasabi ni kuya no’n, iniwan ko na lang si Jake. Hindi nagtagal sumunod naman siya.

Pagkaupo, napangiti na lang ako. Nakasakay na ‘ko dito. Kasama ko pa nga sila Vero. Napagalitan pa ‘ko no’n nang dahil sa tumayo ko. Sa taas, makikita mo ang racing track na nasa tabing lote lang. Kita mo ang kahabaan ng Rio Grande, ang Space Shuttle… lahat. I feel like looking back sa isang panaginip.

Hay. Panaginip lang ba talaga ang naaalala ko?

“Didn’t I tell you na girlfriend na kita?” Napalingon na lang ako kay Jake.

‘Yung tipong, hindi pa siya move on sa usapang ‘yan? Tagal na no’n ah! At saka, ba’t ang drama niya ata?

Haaayst. “Di ba sinabi ko na rin na “hindi”? Grabe ka, hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?”

“Ikaw ang hindi makaintindi e,” halos pahiga na niyang upo. “Ano ba? Hindi mo ba maintindihan na gusto nga kita? Na… na I hate how you look at him the way I look at…” Napataas ako ng kilay. Saglit siyang tumigil like measuring it. “…The way I look at you. I think… I think nagseselos ako, and I hate this feeling.”

Tinitigan ko lang siya as he stares at me straight into my eyes. It’s the first time na may magconfess sa ‘kin, taking me by words and printing it in me. Na-shock ako.

“Gusto nga kita.” He looks at me pleading; pleading me to understand and put it to mind. What should I do? Ambilis ng tibok ng puso ko. I feel like melting... I’m burning! Hindi pwede ‘to… I messed up. I’m mess up! What should I do… what should I do!?

“Bakit ba pinagtutulakan mo ‘ko kay Veronica?”

Hi Love! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon