-#5: But Fate is Fate

67 13 9
                                    


If you're gonna ask me kung ano ang nangyayari buong byahe, it's like this...


"Aaaano ba!!!!"


"Palabasin mo na kasi ako!" pagpupumilit ko. Kasalukuyan kaming nakatambay sa may pinto ng van at nagpapatigasan. Nagi-guilty na ako! Anong sasabihin ko nito kay Mami?!


"Hindi pwede! Tumatakbo pa ang van! 'Yung totoo? Gusto mo bang mamatay?!"


"E kung ipahinto mo muna kaya ang van di ba-AH!" Napapikit ako sa sakit. Na-out-of-balance kasi si devil. Nadaganan pa ako. "Aray ko..."


Nang makaraos sa sakit, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nagulat na lang nang madatnan ko siyang dilat at nakatingin sa 'kin.


"Umm," break ko ng silence. "Medyo... pwede bang... tumayo ka na?"


Nginitian lang niya ako at nang akala ko tatayo na siya, tumigil siya kalagitnaan.


"Alam mo, iniisip ko kung tatayo pa ba 'ko kasi alam kong pagtayo ko pagbabalakan mo na naman ang pinto e." Nasa akin lang ang mga mata niya. "Please tell me you're going to behave kasi kung hindi, I don't mind enjoying the view of you blushing."


Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Ang init.


"Wag kang ngumanga," tawa niya, at agad akong napakagat sa labi ko.


"Uhm," he smiled, and I feel like melting. Nakakahiya na! Gusto ko nang mag-disappear! "Wag mo ring gawin 'yan..."


Ano na naman?!


"... don't bite your lips."


"OO NA!!" tulak ko sa kanya at sa dalawang kamayan lang, napatayo ko na siya. Mukhang masyado na siyang nanghina. Tawa pa ng tawa.


Namalagi ako sa kabilang dulo at tumingin na lang sa may bintana.


"Ang cute mo pala," narinig kong sabi niya, at naramdaman ko na naman ang pagtaas ng init sa mukha ko.


"Kanan d'yan manong," instruct niya at mayamaya... "nandito na tayo," tabig niya sa 'kin.


"Wait lang," tingin ko sa paligid. "Bag ko, nawawala."


"Nasa akin na," sabi niya sa 'kin, at bitbit niya na 'to ng isang kamayan lang.


Lumabas na lang ako at sumunod sa kanya obediently. Medyo nakakahiya lang kasi mukhang puro mayayaman ang nandito. More on naka-school uniform pa ko! And nag-cutting kami!


Omeegad. Wala 'to sa naaalala ko!


"Hey," pigil ko sa kanya. "Uwi na ko please. Hindi tama 'to."


"Masyado ka namang good girl. Don't worry, ako ang kakausap sa parents mo mamaya."

Hi Love! [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora