-#27: Start of Something New

31 4 0
                                    


Ba-thump, ba-thump, ba-thump, ba-thump: protesta ng puso ko as I still held his hands by both sides. Ang lapit namin sa isa't-isa at sa pagtingala ko, agad akong natauhan nang dahil sa ngiti niya.


"Ah," hila ko sa mga kamay ko. "Salamat," at nag-iwas ako ng tingin.


"Muntikan ka na do'n ha!" yuko niya para tumingin sa mga mata ko, at agad ulit akong nag-iwas.


"O," sagot ko na lang.


"Huh?" yuko niya ulit. "Kanina hindi mo 'ko kinakausap, ngayon ayaw mo naman akong tignan?" Pilit niya 'kong sinisilip, at pilit ko siyang iniiwasan. "Niligtas na nga kita..."


"Kinakausap naman kita ha?" tulak ko sa kanya sabay labas ng storage house.


"Ayaw mo naman akong tignan," malungkot niyang sabi, and I can already imagine him pouted. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad and in the very moment, I thought sumuko na siya pero...


"Kinikilig ka 'no!" harang niya sa harap ko, and that time stopped. Napatingin ako sa mga mata niya and that's a mistake! "Huh?" In an instant bumaba ang ngiti niya. Pero agad din itong bumalik at napalitan ng mas makikinang na mga mata. At tumatawa na siya.


"Shit," lagpas ko sa kanya at nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa.


"Namumula ka," sunod niya sa 'kin. "Meme, namumula ka!"


"Alam ko!" tulak ko sa kanya.


"Ang bilis mong mamula, alam mo ba 'yon?"


"Alam ko!" Why is he pointing out the obvious?


"Ang cute mo!"


"Alam k—" I bite my lip. That just came out and when I realized, mas lalo siyang natawa. "Ano ba!?" suntok ko sa kanya.


"Pfft. Alam mo?" tawa pa niya. "Sige hindi na nga 'ko magsasalita," pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.


Why does he have to be the hero and the cute guy at the same time?


"Tumigil ka na nga," mas mahinahon kong sabi sa kanya. Kasi kung hindi pa siya titigil, baka hindi na 'ko makapagpigil pa at magustuhan ko na ang tawa niya.


          —-


Kagabi, hindi talaga ako makatulog. Everytime I close my eyes, napi-picture ko ang mukha ni Jake at ang tawa nito. Binuksan ko na nga ang radio para ma-distract ako pero sumasabay lang ang mga love songs sa picture ni Jake sa utak ko.


I cursed a lot and I slept with three pillows on my head. That night was unforgettable. Nagising ako nang nakabaliktad. Nagising ako...


"Anong oras na!?" agad akong napaupo. Agad kong hinanap ang phone ko at, "Six!?" Dali-dali akong tumayo. "Mami! Ba't di mo 'ko ginising?!"


"Ginigising kita, sabi mo 'Oo'!" sigaw niya mula sa baba.


"Eeeee," ngawa ko. "Dapat hindi ka naniwala sa 'kin! Alam mo namang matagal akong maligo e!"


"Bilisan mo na lang!"


"Opo!"


"Nandito si Jake!"


"Po!?" Napatigil ako saglit."Bakit daw!?"


Ilang segundo akong naghintay pero hindi na 'ko sinagot ni Mami. I'm hoping I heard it wrong and I guess malalaman ko lang 'pag bumaba na 'ko.


Mabilisang ligo, bihis, baba. Tumigil lang siguro ako nang saglit nang makita ko si Jake pero agad na rin akong gumalaw at mabilisang kumain. Nagmamadali na talaga ako and he's really enjoying it, I can tell. Behind the act of drinking in his cup, I can sense his smile. Dang it.


"Alis na po 'ko!" paalam ko.


"Saan ka pupunta?" Napalingon ako sa nagtanong. Oo nga pala, nandito nga pala si Jake. Nagmamadali na kasi ako... "Nandito ang kotse," sabi niya sa 'kin.


Saglit ko siyang tinitigan lang. Male-late na 'ko.


"Male-late na tayo," paalala niya sa 'kin.


"Alam ko," sagot ko sa kanya, and suddenly I'm reminded of last night's event. It rang a bell and so, napangiti rin si Jake.


"Alam mo?" tanong niya. He's teasing me. At nang akala ko tatawa na siya, nagsalita ulit siya. "E 'di halika na," lakad niya papunta sa kotse niya.


Ano ba Maesee? Male-late ka na!


"Ano?" lingon niya sa 'kin. "Sasabay ka ba sa 'kin, o magpapa-late ka?" And so, sumabay na 'ko.


          —-


"Sino ngang nag-lock sayo?" Kagabi pa niya 'ko tinatanong nito. Hindi ko lang siya sinasagot kasi pinag-iisipan ko. Alam mo 'yon... baka mas mapasama ako kay Maxene?


"Kung hindi mo sasabihin sa 'kin," dagdag pa niya, "Bahala ka, baka maulit pa. Sige ka."


Sino bang tinatakot niya? But, well may point siya...


"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Matagal niya 'kong tinitigan bago sumagot.


"Wala."


"Wala?" tanong ko ulit. "E ba't ko pa sasabihin sayo kung wala ka naman palang gagawin?"


"Bakit?" tanong niya sa 'kin. "Gusto mong may gawin ako?"


Sa tanong niyang 'yon, naalala ko si Maxene. I don't think she'll like the idea of Jake helping me and with that question, it seems like Jake knows well.


"Wag," mabilis kong sagot.


"Hindi, sige," in an instant, nagbago ang isip niya. Bigla tuloy akong kinabahan. "May gagawin ako."


"May gagawin ka?" ulit ko sa sinabi niya; making sure na tama ang narinig ko. "Anong gagawin mo?"


"Secret," sagot niya sa 'kin and with that, I feel like may pagbabago na namang magaganap. "Malalaman mo pagdating natin sa school."


Hi Love! [On-Going]Where stories live. Discover now