-#28: Not Yet. These Doesn't Feel Right

32 4 3
                                    


For @mabellion , salamat sa pagiging silent. ;) Ang ingay mo, nalaman ko tuloy! Hahahaha. x"DD


"Malalaman mo pagdating natin sa school": sa mga salitang binitawan niya, agad akong nakaramdam ng kaba. Somehow inside of me, I think alam ko na ang mangyayari pero wala akong maalala. Kahit sabihin kasi nating galing ako sa future, it doesn't mean naman na maaalala ko ang lahat ng nangyari sa 'kin bawat araw di ba?


Nang malapit na kami sa school, nagpababa na lang ako sa gate. He lean close to open the door from the inside at nginitian niya lang ako. Ni hindi niya 'ko pinigilan, and that was weird! Akala ko pa naman ihahatid pa niya 'ko hanggang sa classroom ko. It's not like umaasa ako, but I just thought that that was what he was reffering to...


... Ang gagawin niya. Gosh, ano bang inaasahan ko?


"WOW!" masaya namang salubong sa 'kin ni Badette. "Ang aga ha! One minute bago mag-time? Bakit hindi ka naman magpa-late for a change?"


'Next year,' sagot ng utak ko, 'Next year wag kang mag-alala, lagi akong late.'


"Good morning Maese," bati naman sa 'kin ni Vero, at napatigil ako sa paglalakad.




"Maese, may sasabihin ako sayo..."

"Kanina Maese, si Jake..."

"Si Jake... mahal ko na ata siya, Maese."




"M-Maese?" I asked. My name is shortened. I masked my guilt with a smile.


"Ang cute di ba? Maese," ulit pa niya. "Parang maze lang."


Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. She never calls me with that name. At least, not yet. No'ng una niya 'ko tinawag sa ganyang pangalan, well, officially na niyang gusto si Jake no'n. Sila na. Pero hindi pa sila ni Jake ngayon, right? Inaayos ko pa di ba?


"Good morning class." Napatingin kaming lahat sa harapan. Nand'yan na si Sir Petonio at hindi ko man lang narinig ang mga yabag nito. Nagsisibalikan na sila sa kani-kanilang upuan. Sandali akong naiwan pero sumunod na rin ako.


"Good morning Sir Petonio," sabay-sabay naming bati.


"Okay sit dow-" his word was cut. He stopped in the middle of placing his things on the table at tumingin siya sa 'min. "Ah. Muntik ko nang makalimutan," lingon niya sa may pinto. "Jake, pumasok ka na."


... Jake!?


Nagsimula ang bulung-bulungan. 'Yung bulung-bulungan na sa dami nang nagsasalita, walang ka nang maintindihan. Parang nagsama-sama ang lahat ng mga salita at naging isa. Ang gulo. Even the inside of me starts it's own chaos. I'm getting dizzy.

Hi Love! [On-Going]Where stories live. Discover now