Chapter 4: Destiny? No, It's Coincidence! (Part 1)

200 10 2
                                    

This chapter is dedicated to alicelovecake. She is one of my true friends here in wattpad. Hindi niya nagawang mang-iwan kahit kailan. Thank you, friend. Enjoy reading guys. :)

SCYDE

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Argh! F*ck that noise! Inistorbo ang tulog ko.

Iritable kong kinuha ang Iphone ko sa sidetable ng kama ko. I noticed that there's a lot of texts from unregistered numbers. As usual, galing yun sa mga babaeng walang ibang hinangad kung 'di ako. I also got missed calls last night pero 'di na ako nagbigay ng oras para alamin pa kung kanino galing yun.

It's already 8:47am in my clock. Tinanghali na naman ako ng gising. Ganun na lang ba ako napuyat kagabi?

Humiga uli ako sa kama ko at tinanong ko ang sarili ko.

Bakit nga ba ako napuyat kagabi?

The answer? Cause I'm still thinking about who's that girl who I've met last time. Hindi ko alam pero, na-concious talaga ako kung sino siya. She's different among the other girls. 'Di man lang siya tinablan ng charm ko nung gabing yun at nagawa pa niya akong batuhin ng tsinelas sa ulo nang mag-away kami. Tinawag pa akong bad boy ha at wala pang nakagawa sa akin nun. Ever. Lahat ng babae minamahal ako. Pero nakakatawa mang aminin, naisahan ako ng babae yun. Pasalamat na lang siya dahil lasing ako nung time na yun dahil kung hindi—pagsisisihan niya yung ginawa niya sa 'kin.

"Good morning, Sir. Handa na po ang almusal niyo. Hinihintay na kayo ni Madam sa ibaba." Biglang may sumigaw sa labas ng kwarto ko. Bastos 'tong maid na 'to. 'Di ba siya naturuan kung paano kumatok?

Mga ilang saglit pa saka ako bumangon. Nag-damit muna ako saka sumunod sa ibaba.

"Oh apo. Tanghali ka na naman gumising." bungad na pananalita sa 'kin ni lola. Napakamot na lang ako ng ulo. Yun na lang kasi ang paulit-ulit niyang tanong kapag gumigising ako. Naupo na lang ako sa upuan at naghintay na hainan.

"What do you want to eat?" Lola asked.

"Just give me anything." matamlay na sagot ko.

"O-okay." sagot ni lola. "Hainan mo nga ang apo ko." Utos niya sa isang maid. Agad namang kumuha ang maid na iyon ng aking makakain.

Habang naghihintay sa pagkain, sinimulan na ni lolang magtanong ng kung anu-anong walang kakwenta- kwentang bagay sa 'kin.

"Puyat ka ba kagabi?" sa tanong na iyon ni lola ay tinagalan ko aking ang pagsagot. Siguro mga 10 seconds before I answered.

"Hindi po."

"E bakit tanghali ka na naman gumising? At saka mukhang hindi na naman maganda ang gising mo."

"Tsk. Lola naman hindi na kayo nasanay sa 'kin." Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. Natahimik na lang bigla si lola.

After moments ay dinala na sa 'kin ng maid na iyon ang almusal ko at sinimulan ko na ring kumain.

"Your Mom called me last night. At tinatanong niya kung kamusta ka na daw?" Napatigil ako sa aking narinig.

Ako? Kinakamusta ni Mommy? Buti naalala niya pa ako. O baka wala lang siyang magawa kaya nagawa niya yun ? 'Di ba super busy siya sa bw*sit na company na yun na mas mahal niya pa kesa sa akin na anak niya? Sa bagay, wala nga naman akong kwenta sa kanila. Isa lamang akong hamak na anak sa kanila. F*ck!

Sumubo ako ulit ng pagkain hindi ko binigyan ng pansin ang sinabi ni lola.

"He tried to call you last night pero hindi mo daw sinasagot. Gusto ka daw niya makausap pero tulog ka na yata. Gusto niya lang daw sabihin na miss na miss ka na niya."

Back to Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن