Chapter 6: The Cupid Heartthrobs

83 8 0
                                    

This chapter is dedicated to my childhood friend enelradengival. Thank you for being a true friend. Siya din nag-isip ng group name na Cupid Heartthrobs. Enjoy reading guys. :)

MEICAH

One week. One week nang nakakalipas simula nung pumasok ako sa University na 'to. One week na rin kaming magkaibigan ni Jhayden. One week na rin akong puyat gabi-gabi. At one week na rin akong dumadaan sa daang 'to. One week na lahat.

"Aaaaaahhhhh!" nabaling ang atensiyon ko sa narinig kong yun. Hay naku. Heto na naman ang mga higad girls (term ko sa mga makakating babae na hilig kumapit sa mga pogi) na may panibagong macheteng nilalandi.

Napatigil ako. Sino kaya yung pinagkakaguluhan nila dun?
Hindi ko masyadong makita kung sino yung pinagkakaguluhan nila, ang dami kasing nakaharang e. Habang papalapit ako nang papalapit ay saka ko lang nakita ng maayos kung sino iyon. Naka-white na ball cap, matangkad, maputi, at may hikaw sa kaliwang tainga. Okay, confirmed, si Jeronne nga iyon. As usual, ano pa bang aasahan ko? Sikat e.

Si Jeronne, siya yung type ng guy na tahimik. Malimit lang siyang magsalita at makipag-usap sa klase. Napapanganga niya ang klase kapag sumasagot siya sa board at napapatili niya ang mga girls kapag siya na ang naglalaro ng basketball sa court. Pero sa kabila ng pagiging cool niya, wala siyang kaibigan sa room. Umuuwi siya ng mag-isa pagkatapos ng klase. Hindi ko alam ang dahilan pero kahit sikat siya sa girls dito ay kinaiinisan naman siya ng mga boys sa buong campus. Bakit naman kaya? Gusto kong malaman ang dahilan. Minsan nga naisip ko na maging kaibigan siya. Pero pano ko magagawa iyon kung hindi ko manlang siya magawang lapitan? Haaay. Sabi nga nila, mahirap magkaroon ng kaibigang sikat, mapapaaway ka lang.

Iba talaga kapag popular ka sa campus. Lahat sinusundan ka, aalamin nila, susuriin nila. Tulad ng kuya Dhies ko na darating pa lang sinasalubong na, inaabangan sa labas ng classroom tuwing uwian, nauubusan ng laway ka-he-hello kapag binabati, kahit sa'n pumunta bigla na lang may magpapapicture. Ang hirap ng ganung buhay 'di ba? Daig pa nila ang mga artista.

"Uy guys, si Campus Sweetheart oh!" Napalingon ako sa nagsabi nu'n.

"Hi Meicah!" in chorus na bati ng group of students na yun na parang sa ibang department o course pumapasok.

"He-hello." ngumiti ako at saka ko pasimpleng ibinaling sa ibang direksiyon ang aking tingin. Sad to say this guys pero... Haaay. Isa ako sa mga sikat na yun.

Well, naiinis ako kapag tinatawag nila akong, "Campus Sweetheart". Ano bang meron sa title na yun at ibinibigay nila sa 'kin? Magiging immortal ba ako dun? Mananalo ba ako sa lotto dun? Yayaman ba ako dun? Hindi naman 'di ba? Pahamak nga sa buhay ang tawag na yun e. Sinusundan kasi nila ako na ayokong ginagawa.

"Hoy!"

"Ay kalabaw!" at sino na naman bang asungot ang bigla-bigla na lang nanggugulat? "Jayjay naman e, ang hilig mong manggulat!"

"Hehe. Sorry." tapos nagpeace sign siya habang unti-unti na namang nawawala yung mga mata niya habang ngumingiti siya. "Hindi mo ata kasi naririnig yung tawag ko sa'yo. Busy ka ka-de-daydream."

"Anong daydream? Hindi ah." at saka ako tumalikod sa kanya at nagsimula na ulit sa paglalakad. Sumunod naman siya sakin at sumabay sa paglalakad ko papuntang room.

"Wooow. Ang taray naman ng Campus Sweetheart."

"Shut up Jayjay, yan ka na naman e." at natawa na lang siya sa sinabi ko. Ganyan yang si Jayjay, hilig akong inisin.

Habang naglalakad kami sa 3rd floor, at nakikipagpatintero sa mga nakakasalubong naming mga istudyante doon ay napatigil bigla si Jhayden nang matapat kami sa Bulletin of Information.

Back to YouWhere stories live. Discover now