Chapter 8.5: 101% (Part 2)

98 9 0
                                    

This chapter is dedicated to the author of The Prettiest Chaka. Hi author, sana kilala mo pa ako. :D

MEICAH

"Ah, Priscilla nakita mo ba si Jhayden?" tanong ko kay Priscilla na seatmate namin ni Jhayden pag dating ko sa room. Napansin ko kasi na wala pa si Jhayden. E kadalasan naman, siya ang unang-unang dumadating dito.

"Si Jhayden? Ang alam ko excuse siya ngayong araw sa klase dahil kailangan nilang mag-prepare para sa SC Election sa biyernes."

"Ganun ba? Oo nga pala, malapit na pala yun."

"Pero pinapasabi pala niya na sabay pa rin kayong uuwi mamaya. Hihintayin ka daw niya pagkatapos ng klase."

"Ah sige. Salamat."

"Oy kayo ha, umamin nga kayo." napalingon ako sa kanya. Lumipat siya sa upuan ni Jhayden sa tabi ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko saka ako tiningnan nito ng seryoso.

"Kayo na ba ha? Amin-amin din pag may time!" then she smiled at me like an evil.

"Ha? Hi-hindi ah." umiling ako bilang sagot ko. "Friends lang kami ni Jhayden."

"Hmm. Okay, fine. Akala kasi ng buong campus, kayo na. Sobrang close niyo kasing dalawa e. Pareho pa kayong sikat kaya lapitin talaga kayo ng issue." she said habang naka-cross arms at nakatingin sa unahan.

Tama naman siya e. Yan ang mahirap sa sikat, laman ng mga balita. Kung maipapasa ko lang sana yang title na Campus Sweetheart matagal ko nang ipinamigay yan sa iba.

"But anyway Meicah, narinig mo na ba yung news na may nag-shift sa course natin galing ibang department?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Ha? Hindi pa e. Bakit?"

"Wala lang. Sabi nila may lumipat sa department natin at ipapakilala siya mamaya. Balit-balita na gwapo daw yun at apo ng may mataas na posisyon dito sa Maynila. Kaya siguro malakas dito sa University dahil dun." Napapaisip ako sa narinig ko galing kay Priscilla.

Istudyante na nag-shift at apo ng may mataas na posisyon dito sa Maynila? Nahihiwagaan ako ah. Sino kaya siya?

* * *

Nandito na lahat ng classmate ko sa room at naghihintay na lang kami sa aming Professor (na laging late) para dumating. Napansin kong lahat sila ay nagbubulungan at nag-uusap tungkol sa magiging bagong classmate namin. Ako naman ay nakaupo lang sa upuan ko, wala kasi si Jhayden kaya wala akong kakulitan ngayon. Nakaka-miss din pala ang kalokohan ng timang na yun paminsan-minsan.

Napalingon ako sa direksiyon ni Jeronne at nakita kong nakatingin na naman siya sa akim ng seryoso. Anong problema ng lalaking 'to? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah. Siya pa nga may atraso sakin dahil hanggang ngayon yung ballpen ko hindi pa niya ibinabalik.

"Okay class, bago ako magklase ay gusto ko lang ipakilala sa inyo ang bagong magiging classmate niyo sa buong semester na 'to." bungad na sinabi ni Ma'am nang pumasok ito sa room. "Due to some personal reasons ay kailangan niyang mag-shift. I hope you understand class, okay? Sige pumasok ka na."

At gaya ng sinabi ng Professor namin at pumasok na ang istudyanteng iyon. Pero teka ano 'to?

Hinawakan ko ang dibdib ko at napayuko ako saglit. Napansin ko na ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Shocks! Bakit ako kinakabahan? Anong meron?

"Waaaaaaahhhhhhhh!" at bakit sila nagsisigawan? Ano ibig sabihin nito?

Napalingon ako sa unahan, kanina pa pala dun nakatayo ang bagong classmate naming si...

Back to YouWhere stories live. Discover now