Chapter 8: 101% (Part 1)

81 8 0
                                    

This chapter is dedicated to ZonaidaGirl. Magaling na author po yan. :)

MEICAH

Parang naging isang malaking bangungot na hindi ko magawang takasan ang mga sumunod na araw simula nang makilala ko sa pangatlong pagkakataon ang Scyde-slash-Bad boy na yun sa hindi ko maintindihang dahilan. Ang bagay na mas ikinagulat ko pa ay ang misteryosong miyembro ng Cupid Heartthrobs na matagal ko nang gustong makita ay siya rin pala.

Minsan din napapaisip ako kung bakit nga kami talaga pinagtatagpo ng lalaking yun e. Haaaay. Well, wala naman akong magagawa. This is life, you cannot predict, you cannot stop it. Ang kailangan ko lang sigurong gawin ngayon ay just go with the flow of my life with that-argh, irritating guy!

"Meimei bilis, I'm so hungry na!" atat na atat nang sinasabi ni Aira habang hinihintay ako sa labas ng pintuan ng publication. She's holding her pink and very feminine shoulder bag on her right hand, stomping her high heels on the ground. Ang kikay niya talaga.

"Opo, saglit lang." I answered back habang inaayos pa ang mga gamit ko at sinisiguradong walang maiiwan. Mahirap nang makaiwan pa ulit ng gamit dito.

Club opening day is approaching, that's why all of the students are so busy. At dahil kami ni Aira ay writer sa publication, sobrang busy din kami. After every morning class namin ni Aira ay nagpupunta kami sa publication para gumawa at mag-edit ng mga article na ipa-publish para sa club opening this week. Articles about the University, activities, programs, and students na gawa ng mga ibang writer at kaming dalawa ni Aira ang naatasan ng adviser namin para sa editing.

"So how's life after meeting Scyde for the, third time?!" Aira asked while we're heading our way to the Jollibee, emphasizing the words 'third time' in a higher tone.

I sighed before answering.

"Ewan. Pakisampal nga ako Aira, baka sakaling magising na ako sa bangungot na 'to. Haaay." and I sighed again. Aira laughed, ganyan naman lagi yang bruhang yan e, tatawanan lang ako.

"Girl, kahit sampalin pa kita ng ilang beses, hindi ka na magigising pa dahil matagal ka nang gising, ayaw mo lang tanggapin." Then she laughed again. Argh, this girl really makes me annoyed!

To state the truth, lagi na kaming nagkikita ni Scyde simula nung araw na yun. Dahil pareho kaming member ng publication, madalas na kaming magkasama ng asungot na yun. But we never talked, hindi naman sa nagmamasungit ako pero naiilang kasi ako sa kanya dahil sa mga nangyari sa 'min. Saka isa pa sikat siya, mahirap lapitan.

"Meicah!" I heard that someone's calling my name. Hindi ako lumingon sa direksiyon ng kung sinumang tumatawag na yun. Baka mga lalaking istudyante na naman na hilig akong pagtripan at tawagin ang pangalan ko tapos lolokohin lang ako. Pwede ba, tigilan na nila yung pangtitrip sakin, nakakapagod kaya.

"Oy mataray na Campus Sweetheart!" with that second call, I was convinced to look on that person. Alam ko na isang tao lang ang tumatawag sa 'kin ng ganun.

"Jayjay?" I saw him standing in front of the fast food door, waiting for us to get near while waving his right hand. Nang makalapit kami sa kanya ay binigyan niya agad kami ng matamis na ngiti, showing his dimple. Oh God, thank you for the blessing. Dahil sa ngiting yan kahit papaano ay nakakalimot ako sa mga hindi magagandang bagay kahit saglit.

Binati niya rin si Aira nang mapansin niyang magkasama kami. At dahil dun, nagsimula na silang magharutang dalawa. 'Wag po kayong magtaka kung ganyan sila. Close po talaga yang mga yan. Nakilala kasi ni Aira si Jhayden dahil sakin. Kapag kasi pupunta ako ng publication pagkatapos ng klase, inihahatid ako ni Jayjay doon bago siya dumiretso sa Student Council Room. At yun ang nagiging oras nilang dalawa para magdaldalan.

Back to YouWhere stories live. Discover now