Chapter 4.5: Destiny? No, It's Coincidence! (Part 2)

85 9 1
                                    

This chapter is dedicated to apoljoy. Sabi niya upload ko daw story ko dito at kung hindi sa kanya, 'di ko malalaman ang wattpad ngayon. Salamat sa'yo. Enjoy reading guys. :D

MEICAH

"Hoy Meimei!" panggugulat ni Aira sakin na may kasama pang pagpalo sa lamesa.

"Aira ano ba?! Nagulat naman ako dun." Sagot ko.

"Kumain ka pa, ang dami pa kaya oh. 'Di ba paborito mo yang spaghetti?"

"Ayoko na. Busog na ko."

"Weh? Uy nagpapa-sexy."

"Oy hindi ah. Di ko na talaga kaya."

"Sus."

"Hay naku. Bahala ka diyan."

"Hahaha! Sige, sabi mo e." tapos itinuloy niya ang pagkain ng spaghetti na paborito din niya. Sana tumaba siya. Haha! Ang sama ko.

Kasalukuyan kaming kumakain sa Jollibee sa loob ng campus. Nagpasama kasi ako kay Aira dito sa STU para kumuha ng certificate of scholarship. O 'di ba? Taray ng lola niyo, scholar. Hahaha!

Si Aira Mei ay ang bestfriend ko mula pa pagkabata. Halos lahat na ng tungkol sa 'kin ay alam niya. Yun nga lang, magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Kikay kasi siya 'di tulad ko na tahimik lang. Meimei nga tawagan naming dalawa sa isa't-isa dahil pareho kaming may Mei sa pangalan.

"Hoy Meimei?"

"Po?" Sagot ko.

"Ikaw? Kailan mo ba kasi balak mag-boyfriend ha? Nandito na tayo sa Manila oh at kahit saan ka tumingin sandamakmak ang pogi. Ano? Paninindigan mo ang pagiging NBSB? Alam ko na mas maganda ka sa 'kin, pero kung ang basehan ng kagandahan ay sa dami ng boyfriend? Naku girl! Tumba ka na sa 'kin." tapos kumagat siya sa burger niya. Saka ko lang napansin na ubos na pala yung spaghetti niya. Sana tumaba talaga siya. Anyway, sinagot ko yung tanong niya

"Hay naku Meimei, 'di ba nga sabi ko sayo, study muna ang focus ko?"

"Bakit hindi ba pwedeng pagsabayin?"

"Hindi."

"Pwede! Ayaw mo lang kasi!"

"Alam mo naman pala e. Saka sinusunod ko lang si Papa, kahit wala na siya."

"Ahh." tapos medyo natahimik siya sa sinabi ko, alam niya kasi ang pangako na binitawan ko sa Papa ko.

"Pero alam mo, kapag tumibok na yang puso mo sa isang lalaki, hinding hindi mo na masasabi pa yan. Wala ka nang pangako pang susundin kapag tinamaan ka na kasi sa pag-ibig, isip ang nagdidikta ng gagawin mo pero puso pa rin sa huli ang susundin mo."

Wow! Ang lalim. Yun lang yung nasabi ko.

"Tumitibok naman puso ko eh." Sabay hawak ko sa dibdib ko.

"Talaga?!" Natutuwa niyang sabi.

"'Di nga lang sa lalaki."

"Tss." Sabay irap niya. Hahaha. Asar talo na naman siya.

"Pero... pa'no kung makita mo na yung mister right guy mo dito sa Maynila, papayag ka na?"

Napaisip ako.

"Hmm... Depende."

"Meicah naman...choosy pa?! Si right guy na yan!"

"Ahh... basta! Kung right guy nga siya, makakapaghintay siya sa 'kin."

"Sus. Ang sabihin mo, ikaw ang naghihintay sa kanya."

"Hay nako, ang kulit. Tama na nga 'to. Magtatalo pa tayo. Tara na sa Registrar."

Naglakad kaming dalawa papunta sa building ng registrar nang mapadaan kami sa harap ng gym kung saan may mga naglalaro ng basketball. Napatigil si Aira at napatingin doon. Alam ko na kapag nagkakaganyan siya. Nakakita na naman ng mga gwapo 'tong bruha na 'to.

"Uy Aira tara na!" Kinalabit ko pa siya pero yung atensiyon niya talaga ay nandun sa mga gwapo.

"Meimei pwede bang dito muna ako? Daming gwapo e." Sabi niya habang kinikilig. Sinasabi ko na nga ba e!

"Hindi mo na ako sasamahan?"

"Susunod na lang ako. Saka mukhang malapit na naman 'to matapos e. Promise, Meimei susunod ako."

"Hay nako. Basta sa pogi ang bilis mo. Sige aalis na ako."

At yun nga, lumakad na ako paalis habang busy naman si Aira sa pag-chi-cheer sa mga players.

* * *

"Ate, pwede po bang makahiningi ng kopya ng scholarship ko?" Tanong ko sa babaeng nasa loob ng window 7 pagdating ko dun.

"Anong pangalan?"

"Meicah May Villanueva po."

"Sige, wait mo lang hane?" Hane? Anong dialect yun?

"Ah. Sige po." Sagot ko saka siya umalis.

Habang naghihintay ay may tumabi sa 'kin na isang matangkad na lalaki at tumapat siya sa may window 8.

"Miss, okay na po ba yung schedule ng klase ko?" Tanong niya sa babaeng nasa window 8. Hindi ko pa rin siya nilingon kahit natutukso ako.

Nakaka-concious yung boses niya. Parang narinig ko na yun dati e. Tapos yung amoy ng pabango niya na chocolate, naamoy ko na dati. Sino kaya 'to?

"Ah sir wait lang po." At tumahimik muli ang paligid habang naghihintay kami.

The scent of the guy still bothering me. Hindi ko na ata mapigilan pa ang sarili ko. Lilingunin ko na sana siya kaso biglang...

"Huy!" Shocks! May nanggulat sa likuran ko! Malamang, si Aira na naman, sinundot pa ko sa tagiliran.

"Ano ba, Aira?! Ang hilig mo talagang manggulat."

"Hehe. Sorry Meimei." then nag-peace sign siya. Sus. Kung 'di ko lang 'to bestfriend e kanina ko pa 'to inaway.

"Sorry Meimei kung iniwan kita ah. Saka ko lang naalala na hindi ka pala pwedeng—"

"Sus Aira wala yun, wag mo nang isipin yun. Okay lang naman ako e. Bakit nandito ka na? Tapos na yung game?" Bigla kong sabi. Ayoko nang marinig pa yung topic na dapat sasabihin niya.

"Oo, Meimei! Nanalo pa nga yung team ng mga gwapo! Grabe talaga!" sabi nito habang may patalon-talon pa dahil sa sobrang kilig.

"Talaga? Ayus yan."

"Talaga, Meimei. Tapos may isang player dun na may hikaw sa kaliwang tainga na tinitigan ako. Kinilig ako bigla kasi ang gwapo niyaaaaaaa!" sigaw niya habang niyuyugyog ako dahil sa sobrang kilig.

"Hoy wag kang malikot!"pagpipigil ko nang maramdaman kong medyo tumatama na yung likod ko sa braso ng misteryosong lalaki sa window 8. Pero hindi pa rin siya tumigil sa kayuyugyog sa 'kin.

"Aira bitawan mo ko." Pero ayaw pa rin paawat ng loka lokang 'to.

"Aira naman ano ba?" again. It's useless.

"Hoy Aira sabing—"

Nang biglang ...

"Oww sh!t!" Sigaw ng lalaking nasa window 8 nang hindi ko sinasadyang... matapakan ang sapatos niya

Shocks, nakakahiya! Pero—oy ha! Hindi niya ko kailangang murahin ng ganun.

So I faced him. Sinubukan kong humingi ng tawad sa kanya.

"Hala sorry, sorry! Hindi ko sina-"

Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

OMG.  Bakit sa lahat pa ng makikitang lalaki sa buong mundo ay yung lalaki pang kinaiinisan ko?

My God. This is a nightmare.

_______

End of Chapter 4.5. :)

Back to YouOnde histórias criam vida. Descubra agora