Chapter 5.5: A New Friend In First Day of School (Part 2)

95 10 1
                                    

Dedicated po kay madelinebaquilod. Hi, thanks for your patient kahit na matagal akong mag-update. Hahaha! Enjoy reading. :)

SCYDE

"OMG! Sino yun girls? Ang gwapo naman niya!"

"Look on that new student, ang gwapo niya 'di ba? Ano kayang name niya?"

"Gosh, ang pogi! Sana I know his name."

I arrived at the parking lot of this University. Standing here next my Fortuner car and wearing my very expensive shades. Kararating ko pa lang dito pero kung anu-ano na agad ang aking naririnig sa paligid na sobrang nagpapangiti sa akin. Kung pwede ko lang isigaw ang pangalan ko dito e, kanina ko pa sana ginawa, for them to know who's this very handsome guy na nasa harapan nila.

Binuksan ko ang pintuan ng fortuner ko para kunin yung backpack ko na nasa loob. Nang isarado ko na ito, may bumungad na isang maputi at medyo kagandahang babae na nakapaldang maikli at nakasandal sa fortuner ko. Hmm. Pwede na. Mapagtatiyagaan.

"Hi baby, can I get your number?" she said seductively habang nakacross arms.

I just smiled at her. Lumapit ako ng bahagya sa kanya. I held her chin at medyo inilapit ko yung mukha ko sa kanya, umaktong parang hahalikan siya pero nung malapit na ang labi ko sa labi niya, "Later baby. I'm in a hurry."

"O-Okay." she blushed. "I'll wait for you ha."

"Sure." at lumakad na ako paalis. Napapailing na lang ako habang papalayo. Ang sarap talagang paglaruan ng mga babae. Paasahin ng paasahin sa wala. How pathetic.

* * *

"Scyde!" Someone called my name while I'm walking at the second floor of College of Commerce and Business Administration. It's Rhenz Jasper.

"Rhenz, ikaw pala."

"How are you bro? Balita ko classmates tayo ah. That's good!" Sabay akbay niya sa balikat ko.

"Wala naman akong ibang choice kahit hindi ko 'to gusto." Sabi ko kay Rhenz na medyo may inis sa sinabi ko. "By the way, si Paul? Classmate din ba natin?"

"Hmm. Hindi ko siya nakausap tungkol dun. Alam mo namang walang pakialam yun sa pag-aaral niya at puro babae lang ang inaatupag." palinga-linga sa paligid na sagot niya habang hinahanap yung room namin.

"Pero ang sabi ng Daddy niya sa 'kin, Business Management din daw ang kukunin nun. Siyempre alam mo namang siya magmamana ng company nila gaya natin."

Kadalasan talaga sa mga anak mayaman, ito ang kinukuhang course. Dahil kami daw ang magmamana ng mga company nila in the future. Tss. Pauso. Sakit ng ulo lang yan.

"It means, classmate din natin si Jeronne?"

"Si Jeronne?!" gulat na inulit niya. "Naku bro, siraulo yun!"

"Bakit?"

"Tangna, iniwan tayo! Nag-architecture ba naman! Dapat sama-sama nga tayong tropa sa isang course e, tapos humiwalay siya. Bakla talaga yung si Jeronne." nanggagalaiti sa inis na sinabi sakin ni Rhenz. Oo nga pala. Magaling magdrawing si Jeronne at pangarap niyang maging isang Architect kahit nung mga bata pa kami. At sa aming apat, siya lang ata ang may sariling pangarap na matutupad.

"Eto, room natin." Finally nandito na kami. Marami nang tao sa loob nang makarating kami doon. 5 minutes na lang kasi at magsisimula na ang klase. Pagpasok namin sa doon, napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napalingon samin. Silence. Then back to normal again. Habang pumapasok kami sa loob at humahanap na mauupuan, bigla kong napansin yung mga girls. Sobrang lagkit nila tumingin. Feeling ko para akong yelo na unti-unti nilang tinutunaw.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon