35: Plan A (Sabotage?!!)

99.3K 695 29
                                    

play the video. walang iba by EZRA Band.

No man is ever worth your tears, and the one that is, will NEVER make you cry.

PREVIEW:

"You always hurt me Mike"

Chapter 35

 @Resto Bar


Gab's POV:

"Gab are you okay?"

"Y-yes" mahinang sagot ko

"Ano bang nangyari sainyong dalawa at pareho kayong nakabusangot?" tanong ni kyle. Kaming dalawa ni kinah ang tinutukoy nya. Umiling naman ako, si bestfriend naman walang kibo.

"Hindi ka mukang okay Gabril, come on say it" sabi nya. Seryosong nakatingin lang sya saken, ako naman ay nakatulala pa din. Medyo maingay na sa loob ng bar dahil magse-seven o' clock na ng gabi kaya naman hindi ko na masyadong marinig ang karamihan sa sinasabi ni kyle.

"gatmdtht wwqjzlgbm cqttkm" ano daw? Tsk. Bahala ka dyan kyle! Ang totoo'y iniisip ko talaga si Mike, hindi ko alam kung nasaan sya, hindi naman sya nagtetext, hindi nya din sinasagot ang mga tawag ko. Hay.

Sabi naman Mikah wag daw ako magalala, okay lang naman daw yung kuya nya. Langya! Pano'ng wag ako magalala e wala sa tabi ko ang kuya nya!

"gtakxne ggaujxjmzjghk" ano ulit? Hay. Sinasapian na ata ako, kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko. Maya maya chinicheck pag nagriring, tinetext ko pa nga ang sarili ko dahil sa punyetang pagiisip ko, ang nasa isip ko kasi baka late receiver lang talaga ako kaya di ko mareceive ang mga text nya. Whew! Nababaliw na ata ako =(

Isa pa tong bestfriend ko, nageemote. Di sya umiiyak, naglulupasay, di din sya humahagulgol o umiinom ng alak.. Alam nyo kung ano ginagawa nya? Ayun, nagtetetris lang naman sa tablet nya! Punyeta diba? Minsan gusto ko tong sabunutan e! Eto ako pasan ang buong galaxy tapos sya petics? Tsk! (=_=")

"Gabril, Kinah makinig nga kayo!" malakas na sigaw ni kyle. Napatingin tuloy ang mga tao sa katabing table namin. Pareho kaming napatingin ni kinah sakanya.

"Both of you look like paranoid. What happened to you girls?" wala talaga akong balak sumagot kaya naman nagiwas ako ng tingin.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon