8: Best Morning.

129K 761 11
                                    

Chapter 8: Best Morning.

Gab's POV:


Naramdaman kong may mainit na liwanag na tumatama sa balat ko, nagmulat ako ng mata, napansin kong umaga na pala, nagising akong may ngiti sa mga labi dahil bigla kong naalala ang nangyari kaninang madaling araw.

Isang napaka sayang umaga, napakasaya dahil sa alaala ng kahapon. Iyon ang unang beses na nayakap ko sya at hinding hindi ‘yun mawawala sa isip ko.

God ito na ba yung matagal ko ng hinihiling na premyo sa inyo?

Ito na nga siguro, kasi hindi lang premyo ang ibinigay nya, may kasamang bonus pa. Hihi. Dati pinagdadasal ko na sana makasama ko sya at sabi ko kahit saglit lang masaya na ko basta kasama ko lang si Mike, pero hindi lang yung SAGLIT ang binigay nya, kasi PANGHABANG BUHAY pa yung binigay nya sakin.. Sobrang saya ko lang.

Tama na nga ‘tong kakapantasya! Baka kung saan pa to makapunta e. Bumangon na ko sa pagkakahiga, pumunta ako sa cr para maglinis ng katawan, pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush lumabas ako saglit para silipin si Mike. Nakita ko syang nakatanaw sa dagat sa may unahan ng yacht, bumalik na ako sa loob at dumiretso sa kitchen.

"8:00 na pala, malamang gutom na si Mike" Sabi ko habang natataranta sa paghahanap ng mailuluto.

Nagsaing ako ng bigas, kinuha ko yung bacon at hotdogs sa ref at inumpisahan ko na iyong iprito.

"Malamang magugustuhan nya to" Sabi ko habang nakangiti. Kumuha ako ng kaunti at isinubo iyon para tikman.

"Mmmm.. ang sarap!"

Nakita ko naman na may kape sa cabinet kaya kinuha ko iyon, nagtimpla ako ng dalawang tasa at inilagay sa lamesa, hinain ko na din sa mesa yung mga niluto ko. "Perfect!!" Sabi ko.

"Baliw ka ba?" Sabi ng isang boses galing sa likod ko.

"Ay butiki ka!!" Gulat na pagkakasabi ko.

"Hmp!" Sabi nya sabay iwas ng tingin.

"K-kanina ka pa ba nandyan??" Tanong ko.

Hindi sya sumagot, lumapit lang sya sa lamesa at umupo. Lumapit naman ako agad sakanya at hinainan sya ng pagkain, pinuno ko yung plato nya pero hindi sya nagreklamo. Nakatitig ako sakanya habang nakangiti, natutuwa kasi ako sakanya dahil kinakain nya yung luto ko.

"Masarap ba??" Tanong kong nakangiti.

"Maalat" Sagot naman nya.

"Ha? Maalat? Pero.." Kumuha ako kaunti at tinikman iyon, nakatingin lang sya sakin habang ngumunguya.

"Hindi naman ah!" Sabi ko.

"Hindi daw masarap kaya pala sunod sunod ang subo" Sabi ko saka ko sya binigyan ng isang ngiti.

"Wala na kasing iba!" Sagot naman nya. Yumuko ako at nagsalita "Salamat Mike ha?"

Hindi sya nagsalita, tinignan nya lang ako na parang nagtataka. May nakakapagtaka bas a sinabi ko?

"Ah e kasi niyakap mo ako kagabi" Sabi ko sabay ngiti.

Wala syang sinabi na kahit na ano pero nakita ko syang ngumiti. Ayiiiee! ‘Yun ang mga ngiting kay sarap pagmasdan e. Hihi :’>

Matapos nyang kumain ay tumayo na sya, sinundan ko sya ng tingin, nakita ko namang pumunta sya sa kwarto at humiga. 

Nang matapos kong linisin ang pinagkainan namin lumapit ako kay Mike, "Kawawa ka naman Mike, siguro napuyat ka kagabi dahil sakin" Sabi ko habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Waaaahhh!! Ang gwapo pala ni papa Mike ‘pag tulog! Eto nanaman po ang dibdib ko nakikiepal nanaman!

haaay.

Napakaamo ng mukha nya, ang kinis.. Tapos yung labi nya parang may lipstick dahil sa pula, ang sarap ikiss! Haayy Mike, kelan ko kaya matitikman ulit yun?

Lumapit ako sakanya para mas lalo ko syang mapagmasdan, umupo ako sa kama at tinitigan ko ang mukha nya, unti unti kong nilapit ang labi ko sa mga pisngi nya.

Ikikiss ko na sana ang pisngi nya ng bigla nya akong niyakap, napahiga tuloy ako sakanya. Waaahh! Bakit ganito? tumatalbog nanaman ang puso ko?!

DUB DUB DUB DUB

"Hindi ko sinasadya, patawarin mo ko" Pagsasalita nya habang tulog.

Nananaginip pala ang mahal ko. Haaay nakakakilig lang, sagad sa buto! Hoho. Gumanti ako ng yakap sakanya, at saka ko isinandal ang ulo ko sa dibdib nya "Mike mahal na mahal kita" Sabi ko habang unti unti ng pumipikit ang mga mata ko.

Napakasarap ng simoy ng hangin, napakaganda ng dagat, napakasigla ng mga ibon at isda, napakasaya ko dahil ikaw ang kasama ko sa mga panahong nakikita ko ang mga bagay na to

Zzz

***

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon