76: Sakanya.

71.1K 666 65
                                    

A/N: Sorry late update, pagod galing sa shoot haha! Joke! XD pakinggan nyo yung kantang SAKANYA, para kay Mike yun :) again, typos are not void.

 

By the way, theres a rainbow after the rain. =')

 

The first person who's on your mind on the moment you open your eyes after a long sleep is the reason either of your happiness or pain

(c) Anonymous

PREVIEW:

"Everybody deserves a second chance."

 

Chapter 76: Sakanya.

Gab's POV

Nagulat kaming dalawa ni Sena ng makarinig kame ng kalabog kaya naman sinilip nya kung sino ang nasa loob.

"Yung asawa mo nandito!" bulong nya. Bigla akong kinabahan, nakaramdam ako ng sobrang saya dahil makalipas ng limang buwan makikita ko na ulit sila. SIYA.

Pero hindi ko dapat hayaang ganito ang maramdaman ko, hindi tamang mahalin ko pa sya. Tama ng lumayo ako para makalimutan sya, masaya na sya ngayon kay Andi, hayaan na lang na maging alaala ang lahat.

"Magtatago ako" sabi ko sakanya, agad ko namang dinala ang kambal sa kwarto sa itaas.

 

"Kayo nanaman??!! Diba sinabi kong hindi ko sya kilala??!! Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis!!!" kahit nasa itaas ako rinig na rinig ko pa din ang sigaw ni Sena.

"No!" narinig kong sabi ni Mike. Bigla akong kinabahan, parang gusto kong bumaba at yakapin sya ng sobrang higpit.

"Isa! Umalis na kayo!!" bumaba ako at laking tuwa ng puso ko ng mahagip ng mata ko si Mike. Hindi ko na napigilang maluha. Sobrang namiss ko sya, walang araw na hindi ko sya inisip, ni walang gabi na hindi ko sya iniyakan.

"Please, tell us where is she.." pagmamakaawa ni Briel. Pakiramdam ko bibigay na ako ng makita ko si kuya, gustong gusto ko na syang yakapin pero hindi ko magawa.

Napahawak ako sa bibig ko, "Tell us miss, I beg you.." hindi ko lubos akalain na magmamakaawa sya sa ibang tao para lang sakin.

Nakilala ko kasi syang mataas ang pride, mataas ang ego, malaki ang tiwala sa sarili, tapos eto sya nasa harapan ng taong hindi nya kilala, nagmamakaawa para lang makita ako? ;")

"Hindi ko alam, don't force me to call the police man, I warned you! Get out!" sigaw ni Sena pero hindi pa din sila umalis. Apat pala silang nandito, gustong gusto ko silang lapitan pero pinipigilan ako ng isip ko.

Sige na, umalis na kayo at baka hindi ko na kayo matiis pa.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon