79: The Proposal.

78.2K 651 65
                                    

Date Updated: June 15, 2013. 11:45 p.m.

This chapter is dedicated to you my dear, thanks for reading! Godbless you! Mwa! ADVANCE HAPPY FATHERS DAY!!

 ----

You can't blame the gravity of falling in love.

PREVIEW:

"Gab may itatanong ako sayo."

 

Chapter 79: The Proposal.

Gab's POV

Kakatok na sana ako sa bahay namin ng biglang binuksan ni mommy ang pinto, gulat na gulat sya pero kahit ganun pa man nagawa nya pa din akong yakapin ng mahigpit.

"Gabril namiss talaga kita! I'm very sorry, I'm very very sorry my daughter!" humahagulgol si mom habang yakap yakap ako.

"Love! Nandito na ang anak natin! Nandito na si Gabril!" sigaw ni mommy, agad namang lumabas si daddy at niyakap ako.

"Bunso! Saan ka nagpunta? Ilang buwan kitang hinanap, halos mabaliw kame ng mommy mo kakahanap sayo, thank God nandito ka na!" nakaramdam ako ng konting guilt pero mas lamang pa din ang saya, masayang masaya ako kasi nakita ko na ulit sila.

"Ma, ako dapat ang magsorry, iniwan ko na lang kayo bigla, sorry po ma, sorry dad."

Niyakap ako ulit ni mommy ng sobrang higpit, umiiyak sya habang si dad naman maluha luhang nakangiti samin.

"Ma, 'wag ka na po umiyak, nandito na po ako, hindi ko na po kayo iiwan.."

"Namiss lang kita baby, I'm very sorry"

"Ma, okay na, don't say sorry na po, tanggap ko na po ang mga nangyari, naiintindihan ko po kayo." inangat nya ang ulo nya tapos tinitigan ako, agad naman syang nagpunas ng luha.

"Alam mo na ba?" tanong nya, saglit akong napaisip, siguro tungkol yun sa kasal namin ni Mike.

Hindi na sakin issue kung fake ang kasal namin, isang kontrata lang naman yun, ang mahalaga mahal ako ng taong mahal ko.

"Halika, pumasok tayo sa loob, ipapaliwanag ko ang lahat.." hinawakan ako ni mommy sa kamay pero pinigilan ko sya.

"Bakit baby?" maluha luha pa din ang mata ni mommy pero may kaunti na syang ngiti sa mukha nya.

"Ma, pa, labas po muna tayo? May ipapakita lang po ako." nakangiting sabi ko, nagtataka man wala na silang nagawa kundi ang sumunod.

"Bunso ano yun?" tanong ni dad, nginitian ko lang sya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon