52: Who are you?

93.2K 651 64
                                    

Tingin kayo sa side, yan yung itsura ni Gab nung makita sya ni Mike sa corridor ng ospital.

The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes.

PREVIEW:

Bakit ba parang may tama sa akala kong tama? at bakit ba parang may mali sa akala kong mali?

Chapter 51: Who are you?

Gab's POV

"Gab are you okay? what happened? Gosh! halos mamatay na kame sa pagaalala nung malaman naming naaksidente ka!" haay ang O.A. ni bestfriend Kinah (--)

"I'm okay Kin, wala namang nangyari sakin e" sabi ko habang habol habol ang hininga. Si kinah kasi grabe makayakap e, akala mo bukas mamamatay na ako!

"Eh what happened ba ate Gab?" tanong ni Mikah. Oo nga pala, tinawagan ni Mike si Kinah para sabihing naaksidente ako na hindi naman talaga tapos ayun sama sama na silang nagsidatingan na akala mo sobrang malubha yung nangyari sakin.

Haha, ang sweet nila! sobra nila akong mahal :")

"Actually hindi naman talaga ako naaksidente e" sabi ko. Napatingin silang lahat, si mylabs naman nakaupo lang sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko. O diba pati sya ang sweet? Hihi!

"E ano'ng nangyari pretty Gab?" tanong ni Nico. Nandito nga din pala si Nico, Lex, Rien, Red, Runo at Kyle. In short, nandito ang buong tropa. Ang sweet talaga nila :")

"Medyo nahagip lang yung kotse ko tap--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa napaka praning kong bestfriend

"MEDYO NAHAGIP LANG??!! my gosh!! e what if natuluyan ka?! mag ingat ka naman Gab!!" araay.. pakiramdam ko sumabog ang eardrums ko dahil sa napakalakas na pagsigaw nya.

"Kin kalma.. Okay na si Gab, nothing to worry. We should thank God, saka mo na sya pagalitan kapag nakalabas na sya dito." kumalma si Kinah dahil sa sinabi ni kuya Rien. Naiintindihan ko si Kinah, kahit sino magaalala kapag may naaksidente diba?

"Oo nga babe, 'wag mo naman pagalitan si Gab ng ganyan.." sabi ni Nico. Natahimik ako sakanila, bigla kasi akong nakaramdam ng hilo e.

"Sino ba ang nagdala sayo dito pretty Gab? kailangan natin syang pasalamatan" aba! nahahawa na 'tong si Runo kay Nico ng pretty Gab ah. Osige, sila na 'tong mag bestfriend.

"Pag gising ko nandito na ako e, hindi naman daw nagpakilala sabi ng nurse." mas lalong napahigpit ang hawak ni Mike sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Bakit mylabs?" tanong ko, "Nothing" sabi nya na parang may gusto naman talagang sabihin. Si mylabs talaga..

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon