9: Rescue?!

128K 751 10
                                    

Chapter 9: Rescue?!

Gab's POV:


"Kin naman e!! Sana naman mas tinagalan nyo pa ng konti! Wala pa nga kaming 1 day na andun ni Mike sa yacht tapos sinundo nyo na kame!! Nagregalo na lang din naman kayo hindi nyo pa nilubos lubos!" mahabang sermon ko kay Kin habang kausap ko sya sa public toilet sa island na pinagbabaan naming.

"Ayan ba ang thank you mo saken hah?!" Pasigaw na tanong nya.

"E kasi naman e! Bitin!" Sabi ko.

"Bakit may nangyari ba?! Hah? Ano? Meron?" Excited na tanong nya. Pakiramdam ko nag-nit yung mukha ko dahil sa sinabi nya.

"Wala syempre! Ang dumi ng utak ah!" Sabi ko na lang.

"Oo. Parang panaginip mo lang!" Sabi nya sabay tawa ng malakas. Pwedeng uapakan ko ‘to?

"Tara na nga! At baka hinihintay na tayo nila Mike!" Iritang sabi ko. Si Kin naman ayun tawa ng tawa habang nakasunod sakin. Sya, si mang Berto at ilan sa mga tauhan ni daddy ang sumundo samin, nilagyan nila ng fuel yung yacht, si Mike yung nagpaandar. Hindi ko alam na marunong pala si Mike magpaandar ng yacht! Hihi dagdag pogi points sya sakin

Flashback..

Nagising akong wala na sa tabi ko si Mike. Dahan dahan akong humakbang papunta sa labas ng kwarto, agad ko namang nakita si Mike sa harap ng yacht na nakatingin sa malayo kaya naman nilapitan ko sya.

"Mike?" Tawag ko sakanya, hindi sya sumagot kaya naman tinawag ko ulit sya, "Mike!!"

"Ssshh" Saway nya. Iniabot nya sakin ang binocular na hawak nya, kinuha ko naman ‘yon at tinapat sa mata ko, nanlaki ang mga mata ko.

Gulat, takot, pangamba at kaba ang halo halong emosyon na nararamdaman ko nung mga oras na yun.

Takot dahil baka masasamang loob sila na walang ibang intensyon kundi ang nakawin ang yacht namin at bigla na lang kame patayin.

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Mike, papalapit na sila ng papalapit at ‘di ko na malaman kung anong gagawin ko, nagsimula na ding pumatak ang luha sa mga mata ko. Hinigit ni Mike ang kamay ko, at muli.. niyakap nya ako ng mahigpit.

Isang yakap na nagparamdam sakin na maayos ang lahat, yakap na nagpagaan sa mga iniisip ko.

Gusto kong ngumiti ng mga oras na yun para ipakita kay Mike na ayos lang ako pero ‘di ko yun magawa dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko.

"Don’t cry, it'll be okay" Sabi nya sabay pahid ng luha ko. Hinatak nya ko papasok sa loob ng kwarto.

"Dyan ka lang! Huwag kang lalabas!" Sabi nya sabay pasok sa kusina.

"Pero.. Natatakot ako." Sabi ko. Lumabas sya ng kusina hawak hawak ang isang matalim na bagay.

"Mike bakit may hawak ka nyan?!" Takot na tanong ko.

Hindi sya sumagot. Isinara nya ang pinto at pumwesto sa gilid ng bintana, nakasilip kaunti ang mukha nya sa bintana habang hawak ang binocular at kutsilyo.

"Mike baka kung mapaano ka!" Sabi ko sa mahinang boses.

"Ssshh.. Nandito na sila" Sabi ni Mike. Agad namang umakyat ang takot sa buong katawan ko, lumapit ako kay Mike at nagsumiksik sakanya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon