First Day of School

10.4K 99 0
                                    

ALLY:

Papasok na ako sa school kasabay ko si Papa. Hmm palagi ko naman sya kasabay eh kahit pauwi kasabay ko pa rin sya. Protective lang sa akin yan haha! Ayaw nya pa nga akong magka bf eh kaya un mga nagtatangka eh hinaharangan na agad ni Papa sama mo pa si Atan si Ton-ton naman ayun wala pang muang sa ganyan hihi. Kaya ang ending NBSB ako. Pero ok lang sa akin kasi wala pa akong nakikitang katuld ni Papa na mabait, may respeto sa kapawa tao, may takot sa diyos, magalang, mapagmahal, maalaga, maaalahanin, matalino, minsan may pagkapilyo bonus na lang kay Papa ang kapogian nya. Haha! At higit sa gentleman.

MERON PA BA NYAN SA MUNDO?

Sumakay na ako sa kotse namin ganun di si Papa pagsakay nya ngdrive na rin sya.

Papa: Anak kamusta pag-aaral mo?

Ako: ok naman po Papa name-maintain ko naman po ung grades ko.

Papa: Good maganda yan. Alam mo naman na malaki ang utang na loob natin sa mga Hernandez at buti na lang mabubuti silang tao.

Ako: Papa wala bang anak si Doctora Latisha?

Si Doctora Latisha ang kilalang pinaka magaling na Doctor sa buong mundo. At sila lang naman ang may-ari ng HMU at ng H.Hospital.

Papa: Anak diba anak nya si Doctora Laraine Hernandez na nagtuturo din sa HMU.

Ako: ay oo nga pala. Grabe Papa parang dyosa si Doc Lara no? Tsaka wala pa po ba un asawa?

Papa: Ang alam ko wala. Matandang dalaga un eh.

Ako: ay sayang naman ang ganda pa naman nya. Ilang taon na po ba sya Papa?

Papa: Ang alam ko bunsong anak sya ni Doctora Latisha eh siguro mga 34 or 35 sya.

Ako: hala ang bata pa pala nya Papa. Bakit hindi na sya nag-asawa? Tsaka may kapatid po pala sya? Kala ko nag-iisa lang sya eh.

Papa: Ang sabi nila may kuya si Doc. Lara sya si hmmm ayun Doc. Lancelot Hernandez magaling din na doctor un.

Ako: Eh nasan na sya?

Papa: Namatay na sya anak kasama ung asawa nya. Siguro un din ung dahilan kung bakit di nakapag asawa si Doc. Lara kasi sya ang nag-aasikaso nung naiwan ng kuya nya.

Ako: Ay ang sad naman po nun. Eh anong name nung asawa ni Doc. Lancelot?

Papa: aah sya si Doctora Jovielyn Hernandez magaling din na doctor un.

Ako: wow lahat pala sila doctor Papa. Hmmm wala ba silang anak?

Papa: ang alam ko meron di ko lang alam kung babae ba o lalaki.

Ako: huh bakit?

Papa: Kasi kasama sa aksidente un eh. Pero di ko sure kung nakaligtas ung bata kasi wala naman nabalitaan na kung andun ba sya o wala. Pero ang alam ko buhay eh. Di ko sure anak eh.

Ako: naku kawawa naman ung batang un. Sa tingin mo Papa ilan taon na kaya un kung sakaling buhay nga sya.

Papa: Kasing edad mo lang un Ally. Five years old kasi sya nung naaksidente sila.

Ako: ay kawawa naman. Siguro kung buhay sya sobrang lungkot nun. Ano bang dahiln ng accident?

Papa: Car accident ang alam ko 6th wedding anniversary nung mag-asawa nung nangyari ang aksidente. Grabe un dalawang linggong walang pasok sa HMU dahil sa trahedyang nangyari. Unang taon ko sa HMU tapos un agad ang nadatnan ko. Kaya wala din akomasyadong alam sa story nila eh.

Ako: Grabe pala papa ung pinagdadaanan nila no.

Papa: Oo pero ok naman na sila Doctora eh patuloy pa rin ang buhay nila.

From Strangers to...Where stories live. Discover now