Meet My Parents

4.5K 64 0
                                    

ALLY:

Kinabukasan maaga akong nagising at pagdilat ko ng mata ganun pa rin ung position namin ni Lanz magkayakap pa rin. Hay Lanz mahal na mahal na kita alam mo ba un? At mas lalo kitang mamahalin dahil sa natutunan mo nga akong pagkatiwalaan. Hayaan mo tutuparin ko ang pangako kong hindi kita iiwan kahit kailanman. Dahil hindi ko rin naman kakayanin na mawala ka sa buhay ko.

Tumayo na ako at dinampot ko ung t-shirt ni Lanz at sinuot ko un. Umupo muna ako sa kama at pinagmasdan si Lanz naalala ko un nangyari kagabi kakaiba ang feeling ko ngayon feeling ko gusto ko palaging dumidikit sa kanya gusto ko lagi nya akong hinahawakan ewan ko. Oh ako lang un aah basta gigisingin ko na nga sya at ihahatid nya pa ako sa bahay namin.

Ako: Mister (yugyog ng mahina) gising na (yugyog ulit) Lanz! (At dito ko na sya hinampas ng malakas sa dibdib nya)

Napabangon naman agad si Lanz na nakasimangot.

Lanz: Anu ba yan Nathalie! -_-

Ako: Eh ikaw ayaw mo magising eh.

Lanz: Ang aga aga pa oh -_-

Ako: Ay mister 8am na ihahatid mo pa ako sa bahay namin.

At dun na sya nagising ng tuluyan kaya bumangon na sya at nag ayos kaya nag-ayos na rin ako. After nun papaunta na kami sa bahay naku malamang sa malamang sesermonan ako ni Mama neto hindi kasi ako nakapagtext kagabi. Tapos si Lanz pa kasama ko. Eh wala naman silang alam na kami na ni Lanz. Tsk anong gagawin ko?

Aamin na ba ako? Ang tagal na kasi namin ni Lanz tatlong linggo na akong nagsisinungaling kila Mama at Papa tapos palagi ko pang iniindian ung mga kaibigan ko para lang makasama ko si Lanz. Natatakot ako na baka hindi nila matanggap si Lanz lalo na't babae sya ayaw ko naman hiwalayan si Lanz kasi mahal ko na sya di lang mAhal, mahal na mahal ko na sya. Aah bahala na kung tatanungin nila ako edi aamin na lang kesa sa magtago pa sakanila. Lord kayo ng bahala sa akin.

Lanz: Wifey andito na tayo

Hala ang bilis naman namin? Ganun ba ako katagal mag-isip? At di ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng bAhay namin. Here goes nothing. This is now or never.

Ako: Lika pasok ka muna sa loob

Lanz: Paano parents mo?

Ako: (ngiti hawak sa kamay nya) I think this is the time para ipaalam sa kanila ang relasyon natin Lanz.

Lanz: Paano kung tutol sila? Nathalie ok lang naman sa akin na itago to. Kaya ko naman maghintay hanggang sa maging handa ka. Ayaw ko lang makitang masaktan ka kasi kailangan mong mamili ayaw ko rin naman na sasama ang loob nila dahil mas pipiliin mo ako. Nathalie pamilya mo sila kaya maiintindihan ko kung iiwan mo ako. Atlis alam ko ang dahilan bakit mo ako iniwan diba.

Napaling ako at hinwakan ang magkabilang pisngi nya.

Ako: I cant lose you. Kung kinakailangan kong ipaglaban kita gagawin ko hanada ako sa parusang ihahain nila sa akin wag ka lang mawala sa akin. Ayaw ko rin silang mawala kaya gagawin ko ang makakaya ko na maging ok ang lahat. Ok?

Pinunasan nya muna luha ko at kiniss nya ako ng mabilis sa lips ko.

Lanz: Ok. And I wont let you alone fighting. We're in this together.

Tumango ako at tsaka kami bumaba na ng kotse nya. Bago ko pa man buksan ung into namin huminga ako ng malalim naramadaman ko naman ung kamay ni Lanz kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak nun. Ok ito na talaga un.

Pagbukas ng pinto bumungad agad ang nanay kong naka-cross arms at nakataas ang kilay.

Mama: At saan ka galing? Bakit hindi ka tumawag? Alam mo bang hinhintay kita kagabi? Nagaalala ako sayo akala ko napano ka na dahil malakas ang ulan. San ka natulog kagabi?

From Strangers to...Where stories live. Discover now