Ang POV ni Juveelanz Hernandez

3.9K 68 0
                                    

Juveelanz:

Finally!!

Sa wakas may POV na rin ako hihi. Hinihintay nyo rin ba ang pov ko? Kasi ako rin eh pero anyway bago ang lahat papakilala ko na muna ang sarili ko.

Ako nga pala si Juveelanz "LANZ" Sanchez Hernandez ang batang wala ng magulang pero meron naman akong mapagmahal na lola at tita sila na ang kinilala kong magulang kasi five years old pa lang ako namatay na ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Actually kasama ako sa aksidente na un pero sabi nila Lola na ako lang daw ang nakaligtas pero ang magulang ko hindi kasabay din ng pagkawala ng memorya ko kaya lahat ng masasayang memorya kasama ang magulang ko eh wala na rin. Kaya heto ako nagungulila pa rin sa pagmamahal ng magulang. Naiingit nga ko sa ibang bata o sa iba na meron pang magulang. Naiisip ko na ano kayang feeling na meron kangmagulang na pag gising mo sasalubungin ka ng nanay mo ng yakap at halik ipagluluto ka ng almusal tapos magkwekwentuhan kayo ng tatay mo. Sa pag uwi naman galing school eh kakamustahin ang araw mo kung ok ba o hindi. Pero wala hindi ko naranasa yan.

Kaya heto ako ngayon tinititigan ko si Nathalie na hawak pa rin ang wallet ko na may picture namin tatlo ng magulang ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat.

Ally: Lanz ikaw ba?

Hindi naman ako makapagsalita kasi feeling ko sa oras na magkwento ako o umamin eh kakaawaan na nya ako. Actually yan na ang nakikita ko sa mga mata nya ngayon pity.

Ally: Kaya ba ayaw mong nagkwekento about sa family mo, kaya ba nagalit ka kay Doc. Alvaro, Kaya ba ganun ka na lang protektahan ni Dra. Laraine kasi ikaw si....ikaw si...

Ako: Yes ako si Juveelanz Hernandez ang anak nina Lancelot Hernandez at Jovielyn Hernandez ako ung batang nakasurvived ako ung batang matagal ng hinahanap ng mga taong bayan at ako ang batang kinakawaan ng lahat.

Sabi ko sakanya. Nakita ko naman nalungkot mukha nya.

Ako: See this is why I dont like sharing my life to others.

Ally: what do you mean?

Ako: The look you're giving to me is the look of sympathy and sadness and i dont want that kind of emotions.

Lumapit ako sa kanya at sya naman tinititiginan nya lang ako ng kinuha sa kamay nya ung wallet ko at tinitigan ko ang litrato namin ng magulang ko na masaya.

Ako: Alam mo ito na ang first and last picture ko with my parents. Ang saya namin dito no. Pero nung naaksidente kami nawala lahat sa akin. Nawala magulang ko, nawala memorya ko kaya pagmulat ng mga mata ko eh parang bagong kapapanganak lang sa akin. Na walang muwang sa mundo parang akong nawawala ng mga panahon na un until one day nagpakilala sila Lala at Tita Raine na sila ang pamilya ko. Tapos sabi nila wala na ang magulang ko. Syempre nalungkot ako kasi nihindi ko man lang maalala ang lahat. Dumating pa nga sa punto na natrauma ako gabi gabi umiiyak sumisigaw ako dahil may napapaginipan akong bumanggang kotse then sabi naman nila na un ang nangyari sa akin kaya ang ginawa ni Lala na patingin ako sa especialist nakatulong naman un sa akin. Mga isang taon bago ako nakarecover hanggang sa ipasok ako sa school alam mo naiingit ako sa mga kaklase ko na hinahatid sila ng mga mgaulang nila tapos susunduin sila. Hanggang ngayon naiingit ako lalo na sayo.

Napatititg si Ally sa akin.

Ako: Kasi may tatay kang handang protektahan ka at may nanay kang mapagmahal sayo tapos may dalawa kang kapatid. Alam mo pangarap ko ang ganyan pamilya masaya kaya lang wala na eh. Hindi ko na naranasan yan. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi anjan sila Lala at tita na hindi nagkulang sa pagmamahal sa akin. Kaya sorry kung tinago ko sa inyo ang totoong pagkatao ko huh.

Di ko alam na kanina pa pala ako umiiyak. Kasi naramadaman ko na pinunasan na lang ni Ally ung luha kong tumulo sa pisngi ko.

Ally: Now I understand you bakit ka ganyan at alam ko na ang reason ng lungkot ng mga mata mo. (napatitig ako sa kanya) Kasi all along you're carrying a big pain and hurt throughout your chest and now I can see that you are longing for a parents that you want. I understand now Lanz.

Niyakap nya ako ganun din ako napayakap din ako sa kanya.

Ako: Nathalie wag mo ko iiwan huh?

Napahiwalay sya sa yakap namin at tinitigan nya ako.

Ako: Sorry aah kung hinihiling ko sayo yan. Kasi ayaw ko ng iniiwan ako. Kaya please wag mo ko iiwan.

Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at ngumiti sya ng pagkatamis-tamis. Eto ung ngiting nakapagbaliktad ng madilim kong buhay. Unang kita ko pa lang sa kanya eh nabighani na ako sa kanya. Ang ganda-ganda nya. Kaya simula nun hindi na nwala sa isip ko si Nathalie parang bang namimiss ko sya kahit ko sya gaano kakilala kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko sya ng lubusan.

Ally: Hinding-hindi kita iiwan Lanz kahit ano pang mangyari.

Tsaka nya nilapit ang mukha nya sa mukha ko tinignan nya muna ako sa mata tsaka sya pumikit at dinikit na nya ang labi nya sa labi ko.

Hay nakakaadik talaga tong labi nya. Kahit na ilang beses ko ng nahahalikan sya eh hindi akong nagsasawa. Sana ikaw na talaga Nathalie ang bubuo ng pagkatao ko.

From Strangers to...Where stories live. Discover now