Random

5.5K 67 1
                                    

ALLY:

Andito ako ngayon sa kwarto namin ni Lanz humahanap ng tyempong kausapin sya. gusto ko lang naman syang tanungin kung may balak ba syang mag-anak kami o gusto nya ba. Kasi tatlong taon na kaming kasal syempre gusto ko rin mag-kaanak. Ilang beses namin yan nagpag-usapan ayaw nyang mag-ampon kasi ang dami daw hassel na gagawin ako rin naman ayaw ko kasi gusto ko sa akin lalabas ung anak namin. Hay sana naman maki-cooperate sya ngayon tsaka kinukulit na rin ako nila mama at Tita Lara at Lola nya na kung kelan daw namin balak isama mo pa ang barkada na kami na lang daw ang walang anak. Si Nika at Anton magiging dalawa na ang anak nila. Si Ana naman may isang anak tapos si Kat buntis na. Si Lin may isa din tapos ung dalawang beks na mag asawa eh nag-ampon silang ng kambal so kami na nga lang walang anak. Aminin ko naiingit ako sa kanila. Gustong-gusto ko na kayang magka-anak.

humiga na si Lanz sa tabi ko na hawak-hawak ung remote ng TV then binuksan nya ung TV at nanood ng sport. Tinitignan ko lang sya.

Ako: Moo (malambing na boses sabay yakap sa braso nya.)

Lumingon sya sa akin at ngmiti then binalik ulit ung tingin nya sa tv

Lanz: Bakit mahal?

Ako: Pwede ba tayong mag-usap?

Lanz: Naguusap na tayo diba?

ako: eeeh hindi naman eh (kalas sa pagkakayakap sa kanya). Seryoso ako kaya gusto ko makinig ka. (Pilit hinarap ang mukha nya sa akin)

Lanz: Anu ba un?

Tanong nya na naka kunot ang noo

Ok ito na

Hingang malalim

Ako: Moo kelan natin balak...

Hindi ko na naituloy ung sasabihin ko ng inunahan na nya ako.

Lanz: Mahal di ba napag usapan na natin to?

Ako: Oo. Pero Lanz di ka ba naiingit sa mga kaibigan natin na may sariling ng anak tapos tayo wala pa.

Lanz: Nathalie...

Hindi ko na sya pinagsalita dahil inunahan ko na sya alam ko na ang sasabihin nya eh.

Ako: Lanz gusto ko na ng anak na aalagaan. Hindi habang buhay tayong dalawa lang iba pa rin ang may anak.

Lanz: Eh anong gusto mong gawin ko? Parehong ayaw natin mag-ampon.

Ako: Lanz ang daming paraan para mabuntis ako. Lanz tatlong taon na tayong kasal pareho naman maganda ang takbo ng career natin. Tapatin mo nga ako gusto mo bang magkaanak tayo o hindi?

Tinignan ko sya ng mabuti at binabasa ang reaction nya pero wala akong makuhang sagot sa kanya. Minsan nahihirapan akong intindihin si Lanz pagdating sa ganitong usapan basta about bata wala na hindi na makausap ng maayos.

Ako: I guest wala kang balak. Palagi mo akong pinapaasa sa wala! (Alis sa tabi nya at kinuha ang unan ko) Matutulog muna ako sa guest room natin. Wag mo muna akong kausapin.

Pagtalikod ko sa kanya agad naman tumulo luha ko. Bakit ba anong problema nya bakit ayaw nyang mag-anak kami? Nakakainis sya. Mahal ko sya pero sa ginagawa nya binibigyan nya ako ng rason na iwan sya pero syempre di ko gagawin un. Praning din ako minasan eh.

Lanz:

Pag alis ni Nathalie napasanadal ako sa headboard namin at napatingin sa kawalan. Hindi naman sa ayaw ko kaya lang natatakot ako na paano kung hindi ko magampanan ang pagiging magulang sa magiging anak namin kung sakaling magkaroon. Eh ako ngang mismo hidni ko naranasan magkaroon ng magulang. Hidni ko alam kung paano pakikisamahan ang, hindi ko alam kung paano didisiplinahin ang anak, hindi ko alam kung paano ko mamahalin ung anak at hindi ko alam kung paanong maging magulang dahil lahat ng yan hindio ko naramdam. Now can you blame me kung yan ang nararamdam ko. Mahabang-habang tampuhan na naman ito.

From Strangers to...Where stories live. Discover now