This can't be...

3.8K 59 0
                                    

ALLY:



Hapon na ng matapos ang mission kaya naman nagligpit kami ng gamit na ginamit pagkatapos uuwi na kami. Paalis na sa ako ng makit kong nag-uusap si DL at Lanz.

Pansin ko palagi silang magkausap anong meron sa kanila?

HOY NATHALIE! wag kang praning baka close lang talaga sila kay wag mong pagselosan lahat ng babaeng makakausap ni Lanz. tandaan mo walang nakakaalam ng relasyon nyo.

>.<

Tapos na silang mag-usap at lumapit si Lanz sa akin. At nakapamulsa pa.

Lanz: Aah nathalie gusto mo sa akin ka na lang sumabay?

Sasagot sana ako ng lumapit si DL sa amin.

DL: Aah ms. Ramirez pwede mo bang samahan si Lanz sa kotse nya para naman hindi sya mabagot mag-isa bumyahe mag-isa.

Kaya ako walang choice kundi sumunod.

Ako; Sige po DL

DL: Salamat Nathalie =)

Seryoso may kahawig talaga ung mga ngiti nya na hidni ko mawari kung kanino ko nakita un. Tsaka ko na nga iisipin un.

Lanz: So tara na Wifey?

Ngumiti si Lanz. Kaya ako napangiti na rin nakakahawa kasi ung ngiti nya eh.

Ako: Wala naman akong choice kundi samahan kita.

Lanz: Ayaw mo non. Solo mo ko buong byahe =)

Hay naku umandar na naman ang pagiging pilyo nya.

Ako: oo na mister tara na at baka gabihin tayo makulimlim pa naman.

kaya naman tinungo na namin ang kotse ni Lanz. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan sumakay ng kotse tapos nabigla pa ako at the same time na-sweetan sa kanya ng ikabit nya ung seat belt ko tapos ngumiti na naman sya.

AAAAAAARRRRGGGGGHHHHH lanz please stop smiling baka hidni ko mapigilan sarili ko eh mahalikan kita. Sinarado na nya ung pinto at sya naman ang sumakay pagkatapos nyang magseat belt pinaandar she turn on the ignition and drive to home.

Mga tatlong oras kaming bumyahe pagdating sa school binaba namin ung mga ilang gamit na ginamit namin saktong pagtapos namin mag unload ng gamit eh umulan na ng malakas kaya no coice kami na sumulong sa ulan. Pagsakay sa kotse ni Lanz basang-basa kami.

kinuha ko ung face towel ko at nagpunas pagkatapos ko magpunas pinunasan ko rin si Lanz.

Ako: Mister magpunas ka baka sipunin ka. (punas sa leeg nya)

Lanz: Wag mo na akong intindihin malapit lang naman ung condo ko dito dun na muna tayo tapos pag tumila na ung ulan eh ihahatid na kita sa inyo. Tsaka magpalit ka na rin ng damit.

Ako: Eh wala na akong dalang extra damit.

Lanz: Papahiramin na lang kita Wifey =)

Hay naku kanina ka pa Lanz. Hindi na ako nagsalit at pinunasan ko na lang sya tapos nun nagdrive na sya. Pagdating namin sa condo nya sumulong ulit kami sa ulan pagpasok sa condo nya sumakay agad kami sa elevator tapos pinindot ni Lanz ang 7th floor then pagdating sa floor nya lumabas na kami sa elevator at tinungo ung condo nya. Hinawakan nya ung kamay ko habang buhat-buhat nya ung parehong bag namin. Sweet nya diba ^_^

Pagpasok namin sa condo nya nilibot ko ung mata ko. First time ko kasing makapunta dito sa condo nya eh. walang picture, simpleng sala lang syang meron isang malaking flat screen tapos ung x-box nya then all black na ang lahat. Ayaw nya sa black aah.

Talagang malungkot at mdilim ang buhay ni Lanz. Swertihan na lang kung binibigyan ka nya ng mga ngiting pinagdadamot nya sa iba pero ung ngiting un hindi man lang umaabot sa mga mata nya. Hay sana naman mapagkatiwalaan na ako ni Lanz at matutunan nyang magkwento kasi wala akong alam sa kanya ni-isa. Kundi pangalan nya lang. Girlfriend nya ako pero wala akong alam sa kanya.

Lanz: Wifey dito ka muna kunan lang kita ng pampalit at pampunas mo.

Tumango ako at sya naman pumasok na sa kwarto nya ako naman umupo sa sofa nya kung san nya pinatong ung mga gamit namin kahit ung cellphone nya, susi at wallet. Pero mas napatingin ako sa wallet nyang nakabuka kaya may aninagan akong picture dahil sa curious ako dinampot ko ung wallet nya at tinignan ng mabuti ung litrato at napahawak ako sa bibig ko at ung mga mata ko lumaki kasi...kasi

Si Lanz....

si Lanz....

This Can't be....



Lanz: Wifey ito na....(napatigil dahil nakita nya kung anu ung hawak ko) I can explain.

Tinignan ko lang sya. Ewan parang nakaramdam ako ng lungkot at awa sa kanya kaya ba ganyan na lang sya kung umiwas sa usapang pamilya kung bakit sya allergy sa mga bata kanina at kung bakit na lang ba ganun kung magprotekta si DL at kung bakit ganun na lang sya katahimik.

Parang gusto ko na lang yakapin si Lanz at sabihin sa kanya na magiging ok din ang lahat.



Malalagpasan mo rin yan Lanz =/

From Strangers to...Where stories live. Discover now