MHLH 08

1.2K 43 1
                                    

Kathleen Bernadetto

Nandito ako naglalakad pauwi habang nakikipag kwentuhan kay Niko, nabanggit niya na magpinsan pala sila nitong si Ian pero ang pinagkaiba eh mabait itong si Niko.

Ihahatid niya daw ako sa bahay sinabihan ko siya na kahit hanggang labas nalang dahil baka makita niya ang kalat ng bahay at baka mainis pa sa akin si Ian.

Isa pa hindi din talaga dapat ako mapapasama sa paguwi pero pinilit niya ako na sabayan niya daw ako sa paguwi.

"Oh paano ba 'yan nandito na tayo, text text nalang ah?." sabi nitong si Niko.

Tumango nalang ako, nagbigayan kami ng number hindi naman na bigdeal yun sa akin dahil siya unang nagtanong at isa pa, hindi naman din siguro magagalit si Ian dahil may boyfriend na siya.

Nandito na ako sa labas ng gate, kita ko na bukas na ang ilaw sa may bintana.

So nandito na siya?, hayst mukhang masesermonan ka nanaman nito Kathleen.

Pumasok na ako sa may pintuan kita ko ang mukha nitong seryoso na sumalubong sa akin.

"Saan ka galing?, hindi ka pa tapos sa gawaing bahay ha? Lumandi ka nanaman ba?." tanong nito.

Hindi ko nalang ito sinagot sanay na ako sa mga ganitong bungad sa akin, malandi na talaga ang tingin niya sa akin.

"Ano wala kang planong sumagot?, kung wala bilisan mo na at ayusin mo ang kwarto ko ngayon na." pasigaw na sabi nito.

Hindi nalang ulit ako umimik at derederetso sa kwarto.

Natatakot akong masaktan ulit n'ya hindi ko na alam, gusto ko ng tapusin pero hindi ko kaya hindi ko alam kung bakit mahal ko ba siya? Hindi ko na alam ang isasagot ko pagkatapos ng mga masasakit na sinasabi niya at pananakit niya.

Naglinis lang muna ako sa kwarto niya, maya maya pa ay nag ring ang cellphone ko.

Nakita ko kung kaninong number ito.

N-niko, hindi ko alam kung bakit bigla akong na excite sa nakita ko.

Masyado lang siguro ako nagenjoy nung magkasama at magkausap kami.

Sinagot ko na ang tawag nito.

"Hello Kathy." bati nito.

"N-niko bakit ka napatawag?." tanong ko rito.

"Checking my princess." sabi nito.

Kaya natawa ako.

"Oh? Bakit ka tumatawa, kinilig ka no?." tanong nito sa akin.

"Kapal ha?, natawa ako kasi ang cringe." sagot ko rito sa kabilang linya.

"Anong cringe 'dun totoo namang maganda ka at mukhang prinsesa." pinaglalabang sagot nito.

"Oo na ikaw na panalo, bakit ka pala napatawag?" tanong ko rito.

"Gaya nga ng sabi ko, i'm checking my princess and my future inaanak." sabi nito.

"Ay, bakit magiging ninong ka ba?, joke only." pabirong sagot ko.

"Ayaw mo n'yun magkakaron ng gwapong ninong anak mo, baka nga maging daddy pa ako." sagot nito at napatawa ako sa sobrang confident nito.

N-nako kung lalake lang si Ian ewan ko lang.

"Oh siya, matulog kana i know na masaya kana dahil nakausap mo na ang gwapong katulad ko at ninong ng anak mo." sabi nito at nagpaalam na dahil antok na raw.

Napangiti nalang ako, hayst buti pa siya he takes some time para mapasaya ako pati ang baby ko.

"Buti nalang at matibay ang kapit ni baby, kahit palaging sinasaktan ni daddy." bulong ko at hinaplos haplos ang tiyan ko.
_________________
537 words.

My Heartless Husband (HIATUS)Where stories live. Discover now