MHLH 09

1.2K 46 1
                                    

Ian Salvacion

Umalis ako ng bahay ngayon, iniwan ko si Kathleen hanggang ngayon naguguilty ako sa ginawa ko sakaniya.

Palagi ko siyang nasasaktan at nasasabihan ng masasakit na salita.

Hanggang ngayon naiinis ako sa nangyare kanina hindi ko alam kung bakit dahil ba sa sinabi ni Paul na mahal niya si Kathleen o dahil sa yakap at kiss niya sa noo ni Kathleen like sh*t it's my wife.

Wait. What?. Did i just?. Nvm.

Uuwi na ako sa bahay, kahit hanggang ngayon ay mainit parin ang ulo ko.

Nandito na ako sa gate patay ang ilaw sa loob so ibig sabihin wala pa si Kathleen sa bahay, nasaan na ba ang babaeng 'yun responsibilidad ko pa kapag may nangyare sakanila hayst.

Ilang oras din akong nagaantay dito kay Kathleen, ang kalat ng bahay at lalo na ng kwarto ko.

Hindi ko alam, feeling ko everytime na aalis siya lumalandi siya ang pangit ng mindset ko pero naiinis ako kapag naiisip ko ang ganung sitwasyon.

Narinig ko ng bumukas ang pintuan.

"Saan ka galing?, hindi ka pa tapos sa gawaing bahay ha? Lumandi ka nanaman ba?." tanong ko rito.

Hindi man lang ito nagtangkang sumagot bagkus ay iniwasan ako ng tingin.

Kahit ako naiintindihan ko kung bakit, siguro dahil sa ginawa ko.

"Ano wala kang planong sumagot?, kung wala bilisan mo na at ayusin mo ang kwarto ko ngayon na." Pasinghal kong sagot.

Hindi ko alam basta bigla nalang uminit ulo ko, dahil naalala ko nanaman yung mga ginawa ko sakaniya.

Ayokong ginagawa sakaniya pero, hindi kaya ng mainit kong ulo.

Hindi parin ako nito pinansin bagkus ay patuloy ito sa paglakad patungo sa taas.

She's mad and it's my fault.

Naisipan kong magluto ng cake para sakaniya, kahit gabi na pero ayun kasi ang gusto ng anak namin chocolate mango cake.

Weird pero ayan yung crinacrave niya ngayon.

Umakyat muna ako panandalian para silipin ang ginagawa ni Kathleen.

Narinig ko ang tawa ni Kathleen habang may kausap sa cellphone nito.

"Oh? Bakit ka tumatawa, kinilig ka no?." rinig kong sabi ng lalake sa kabilang linya.

Naka speaker kasi ang cellphone niya.

Sino ang lalakeng ito? boyfriend niya ba?.

Well ano bang pakialam ko kung magkaboyfriend siya eh, pinayagan niya naman ako mag boyfriend.

Pero paano kung sumama siya sa lalakeng yun dahil sa bakla ako? at lalake ang gusto ko.

"Kapal ha?, natawa ako kasi ang cringe." natatawang sagot ni Kathleen.

I never hear and saw her laugh ever since na magkakilala kami.

"Anong cringe 'dun totoo namang maganda ka at mukhang prinsesa." sagot naman ng lalaking kausap niya sa kabilang linya.

Ang landi ah did he doesn't know na may boyfriend na si Kathleen.

"Oo na ikaw na panalo, bakit ka pala napatawag?" nakangiting sagot nito sa cellphone niya.

Sino ba ang isang to ah parang sobrang saya ni Kathleen sakaniya?

"Gaya nga ng sabi ko, i'm checking my princess and my future inaanak." husky voice na sabi ng lalake sa kabilang linya.

Aba as if papayag ako lukaret yang mukha siyang kapre.

"Ay, bakit magiging ninong ka ba?, joke only." with action pa na sabi nito sa kausap sa cellphone.

Grabe parang baliw na baliw siya dito may pa action pang nalalaman kung sabunutan ko ito di nagsasabi.

"Ayaw mo n'yun magkakaron ng gwapong ninong anak mo, baka nga maging daddy pa ako." sagot nung lalake.

Naginit naman lalo ang ulo ko, No hindi ako papayag na maging tatay ng anak ko ang mukhang dog na katulad niya, Like no way sakin galing ang bata sperm cells ko yun at isa pa chakarat maganda lahi namin, ako naghirap mag putok tapos siya tatayong tatay ayoko na magtalk.

"Oh siya, matulog kana i know na masaya kana dahil nakausap mo na ang gwapong katulad ko at ninong ng anak mo." rinig ko pang sabi nung lalake at sinabi niyang matutulog na siya.

May pa goodnight pa siya kay Kathleen walang good sa night ngayon.

Nakita ko naman na ngumiti ito bago tumayo at hinaplos ang tiyan nito.

"Buti nalang at matibay ang kapit ni baby, kahit palaging sinasaktan ni daddy." sabi nito.

Biglang nagsink in lahat ng ginawa ko kay Kathleen at sa Anak ko, hindi ko na alam kung anong nangyayare sakin basta ang alam ko need ko ng fafabols ngayon.
_______________
717 Words

My Heartless Husband (HIATUS)Where stories live. Discover now