MHLH 11

1.1K 42 0
                                    

Kathleen Povs.

I thought that day, i'll be finally free.

But it's just my thoughts.

Noong manganak ako akala ko magiging masayang pamilya kami, akala ko nagbago na siya, akala ko lang pala.

Pero nagkamali ako.

Dahil mas lalong naging misirable ang buhay ko.

Nagbukas ang pintuan hudyat na nandito na siya.

Kahit mahirap gagawa ako ng paraan para maging maayos kami.

"Nagluto ako ng paborito mo, tara kain." paga-aya ko sakaniya.

Nag-iba naman ang timpla ng mukha niya.

"I'm not interested." tipid niyang sagot.

Hindi ito ang unang beses na tinanggihan niya akong sumabay kumain sa kaniya, dahil halos masanay na ako.

Mabuti nalang at hindi siya nanakit ngayon.

Oo nanakit siya, lalo na pag nakakagawa ako ng pagkakamali.

Naalala ko nga dahil sa pagmamadali kong maghugas dahil naiyak na ang anak namin na sila Miracle at Nathan, nabasag ko ang isang base kaya galit na galit siya bigla niya akong sinabunutan at kinaladkad at nilockan niya ako sa kwarto ko.

Tama din kayo ng nabasa kambal ang naging anak namin, Sharp shooter ang bakla.

Noong una ay isusunod ko sana talaga ang pangalan nung baby boy namin kay Niko which is Nico dapat, kaso hindi daw bet ni Bakla kaya ayun wala na akong nagawa.

"Stop staring." nagulat ako sa narinig ko.

Kanina pa ba siya dito?.

"Tapos kana diyan sa kinakain mo diba?, pwedeng umalis kana, asikasuhin mo sila Mia at Tan, ayokong makasabay kang bruha ka." ani nito habang naka-taas ng kilay.

"Ahhh oo." sagot ko.

Dali-dali na akong umakyat sa kwarto ng anak namin.

Hindi na din kami parehas ng kwarto, dahil gusto niyang sa Guest room nalang ako natutulog at sa kwarto niya naman daw pag nandito ang fam namin.

Hindi nila alam ang sitwasyon ko ngayon.

Na nagpapaka-martyr ako sa isang bakla, sa isang taong hindi ako mahal.

Wala din akong magagawa, my family needs help.

At ito lang ang maitutulong ko sa kanila, ang magpakasal sa isang bakla.

333 words

My Heartless Husband (HIATUS)Where stories live. Discover now