Kabanata 5

3.2K 133 6
                                    

" MAY bago tayong gagawin ngayong araw," nakangising wika ni Sixto habang hawak ang sabon na binili niya para kay Caramel.

Umupo siya at inilapag sa mesa ang sabon para ipakita sa kanyang mga pinsan. Kumunot ang noo ni Van at nagkatinginan naman sina Valentino at Sebastian.

" Anong gagawin natin diyan? Maliligo tayo tapos 'yan ang gagamitin nating sabon? " walang malay na tanong ni Sebastian.

" Gago! Syempre hindi! Allergic ang Caramel na 'yon sa sabon na 'to kaya ito ang gagamitin natin para i-bully siya. Exciting di ba?" excited na wika ni Sixto.

" Does not a good idea, Sixto. May iba't ibang klase ang allergic, paano kung mas malala ang makukuha niya sa sabon na 'yan?" kontra ni Van.

Cool itong nagsalita at ito rin ang palaging kumokontra sa tuwing nakakaisip ng masamang ideya ang magpipinsan.

" Van, don't be overreacting. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan si mommy. Kahit hindi niya pa aminin na may relasyon sila ni Dad, alam na alam kung kabit siya ng daddy ko " bentang nito kay Caramel.

" Wala kang ebidensiya kung kabit ba talaga siya ni Tito " pagtatanggol naman nito kay Caramel.

" Bakit mo ba siya pinapanigan. Sa uri palang ng kilos at pananamit niya, alam kong gold digger siya. Tsaka, pansin ko rin ang saya at ngiti ni Dad kapag si Caramel ang pinag-uusapan. Kumikislap ang mga mata niya sa tuwing nasasali sa usapan ang pangalan ng babaeng 'yon. Hindi ko 'yon nakita sa mga mata ni Dad kapag si mama ang kasama niya " kuwento nito.

" Ibang-iba ang bawat tingin niya sa babaeng 'yon kaysa sa mga babaeng umaaligid kay Dad. Parang in love sa kanya si Daddy " dugtong pa nito.

" Hay naku, Sixto, praning ka lang. Masyado ka kasing nahahawa sa ka-dramahan ng ina mo " ani Valentino.

" Oo nga naman. E, ano namang problema kung in love si Tito sa babaeng 'yon. Sino ba namang hindi, sexy siya at maganda. At sapalagay ko, mukhang matapang na babae. Tsaka, naghiwalay na ang mommy Dahlia mo at ang daddy mo di ba?" sabat naman ni Sebastian.

" Basta, ayaw ko sa kanya! Alam kong hinuhuthutan niya lang ang daddy kagaya ng mga babaeng lumalapit sa ama ko. Nakakabahala nga dahil ramdam ko kung gaano niya kapaborito si Caramel kaysa sa ibang babae nakilala niya " giit pa ni Sixto.

" So, tutulungan niyo ba ako sa plano ko? Gusto ko siyang lumayas sa mansiyon na 'to " pilit na pangungumbinse nito.

" H'wag mo naman siyang kaagad palayasin. Gusto ko siyang tikman " nakangising sabat ni Valentino. Napa-irap naman si Sixto sa sinabi ng pinsan.

" Kahit kailan talaga, pinapairal mo na naman ang libog mo " parinig ni Sixto.

" Pake mo, dugyot! " asik naman ni Valentino kay Sixto.

" Mas dugyot ka pa sakin, ulol! " sagot naman ni Sixto. Nagpakamot na lamang sa batok si Sebastian, nag-aaway na naman kasi ang dalawa.

" Ayaw kong makisali kaya aalis na ako " malumanay na sabat ni Van at tumayo. Napatingin rito si Sixto.

" Sabagay, interesado ka rin sa kanya katulad ng ulol na 'to " duro nito kay Valentino. Nag-dirty finger naman ang pinsan bilang sagot.

" You said, you like her right? Kahit si Feng na dalawang taon mong kasintahan hindi niya narinig ang bagay na 'yon " dugtong pa nito. Napatingin si Van sa pinsan. Ayaw niyang pag-usapan si Feng.

" Hindi ko sinasabi kay Feng ang bagay na 'yon because-it doesn't mean that I don't like her. I always saying to her that I love her. At magkaiba ang like sa love, Sixto " pagtatama nito bago tuluyang iniwan ang magpipinsan.

The Gay's Badass BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon