Kabanata 8

2.9K 131 3
                                    

PANAY ang sulyap ni Fourth kay Caramel, kanina pa kasi ito hikab ng hikab at mukhang inaantok habang bumibiyahe sila patungo sa hotel. Kaya pala palagi itong nakakaidlip sa biyahe dahil sa puyat kakaensayo sa gabi at siguro pinupuyat rin ni Sixto. Napatingin siya sa kamay nito, may nakalagay na band-aid sa mga daliri nito.

" Hoi, Caramel , bakit palagi kang puyat? " tanong niya. Kunwari hindi niya alam.

Napalingon ito sa kanya.
" Hindi lang ako makatulog " sagot naman nito. Napa-ismid naman siya.

" Baka naman may taong dahilan kung bakit ka nagpupuyat? " taas kilay na tanong niya.

" Hindi ka kasi maalis sa isip ko Fourth kaya palagi akong puyat. Ini-imagine ko kasi kung paano kaya kung ikaw ang mag-drive sakin patungong langit " nakangising wika nito. Napangiwi naman siya.

" Hindi kita ipagd-drive patungong langit, ididiretso kita sa impyerno kasi doon ka nababagay! " masungit na tugon niya bago humalukipkip.

" Edi ako nalang ang magd-drive sayo " saad naman ni Caramel sabay tanggal ng seatbelt at pumatong sa kandungan niya.

Kaagad siyang nagpumiglas sa ginawa nito. Pilit niyang itinulak ang dalaga at pinapaalis ito sa kanyang kandungan. Sinusubsob kasi sa pagmumukha niya ang dibdib nito.

" Caramel, puwede ba! Umalis ka sa ibabaw ko at umayos ka! Harassment 'tong ginagawa mo! " nanggagalaiting wika niya.

Itinukod nito ang kamay sa sandalan at isang dangkal na dumistansiya sa kanya.

" Edi, kasuhan mo ako ng harassment " hamon nito habang nakatitig sa kanya.

Naningkit naman ang kanyang mga mata. Gumuhit ang ngisi nito sa labi at natameme siya sa sunod na ginawa nito.

Hindi siya makagalaw sa kinauupuan at nakatulala sa biglaang pag-angkin ng dalaga sa kanyang nakaawang na labi. Binitawan nito ang kanyang labi at umalis sa kanyang kandungan. Hindi siya makapagsalitang napalingon rito. Seryoso na ang mukha nito habang nakapikit ang mga mata na tila walang nangyare.

Grabe! Anong klaseng babae ba siya?

Maarte niyang kinuskos ng tisyu ang kanyang labi pero kahit anong kuskos niya ay nananatili parin ang mainit at malambot na labi ni Caramel sa kanyang mga labi. Kaagad siyang naghilamos pagkarating nila sa hotel.

Gusto niya talagang matanggal ang halik ng bruha sa kanya. Nandidiri siya sa ginawa nito. Sobra na ang pangha-harass nito sa kanya at talagang makakatikim na ito kung paano siya magalit.

" Kuya Fourth, lumabas ka na diyan. Kanina pa sila nag-aantay sa loob " wika ni Sixto sa labas ng banyo.

" Oo! Lalabas na! " sigaw niya at inayos ang sarili.

Kailangan niyang umaktong lalaki. Ngayon araw nila gagawin ni Feng ang tradisyunal na alintuntunin bago ikasal.

Pumasok siya sa kwarto kasabay si Feng. Sumunod naman ang kanyang ama at mga kapatid. Ganun rin ang ama at ina ni Feng. Lahat sila nakabihis ng pang-tradisyunal na damit ng mga chinese. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa ng ganito, nasa Pilipinas naman sila at sa Pilipinas rin sila magpapakasal.

Pinaupo siya sa mamahaling upuan ng babaeng nangangasiwa sa tradisyunal na alintuntunin. Inutusan nitong paupuin si Feng sa kanyang kandungan na ginawa naman ng kanyang Fianceé.

Kailangan daw nilang gawin ang bagay na ito para hindi sila magkailangan pagkatapos ng kasal. Sunod naman na pinagawa sa kanila ang pag-upo at paghiga sa kama ng magkaharap.

" Kailangan ba talaga na ganyan muna bago ikasal? " pabulong na tanong ni Caramel kay Sixto habang nanonood sa dalawang ikakasal.

" Oo, kailangan na kailangan. Lahat kami ay ikakasal sa mga taong hindi naman kasintahan o kilala ng lubusan kaya nasa tradisyon na ang ganyan para mabawasan ang pagkailang sa isa't isa lalo na sa pagtatalik " tugon naman ni Sixto sa dalaga. Napatango naman si Caramel.

The Gay's Badass BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon