Kabanata 28

2.4K 131 8
                                    

Maagang nagising si Fourth dahil dadalawin niya ngayon si Uno sa bahay nito. Himalang naka-survive ito sa pagkakalason pero nagkaroon ng komplikasyon sa katawan nito kaya kailangan pa itong obserbahan ng mabuti. Isang buwan na ring pansamantalang namumuno si Dos sa kompanya. Ito muna ang pumalit dahil ito ang Vice President ng kompanya.

" Hindi pa ba umuuwi si Caramel? " tanong niya sa nakasalubong niyang katulong.

" Hindi pa po sir. Sabi niya po sakin kahapon baka absent muna siya ng dalawang araw dahil may aasikasuhin siya. Dadalo rin siya sa family day ni Olivia " sagot naman ng katulong. Napatango naman siya.

Tinawagan niya ang numero nito pagkasakay niya sa limousine pero hindi ito sumasagot. Hinayaan niya nalang. Mukhang abala ito kaya inutusan niya nalang si Burma na dumiretso sa bahay ni Uno.

" May pinabilin pala sakin si Miss Cara " wika ni Burma. Iniabot nito ang card sa kanya. Kaagad niya namang tinanggap at binuksan yaon.

Picture nilang tatlo ni Olivia. Nakangiting niyang tinitigan ang nakangiting litrato nilang tatlo. Para silang isang pamilya. May nakasuksok naman na nakatuping papel sa ilalim kaya binuksan niya iyon.

" Happy monthsary, gags " iyon ang nakasulat sa itaas. Binasa niya naman ang mahabang letter nito sa kanya.

Na sana sa susunod, maghanda raw ako maraming alak at iinum kami para hindi lang sakal ang aabutin ko. Kung magpapagawa ako ng aquarium dapat tilapya ang alagaan ko dahil sa tilapya raw tumibay ang pagsasama namin. Dalawin raw namin yung falls na tinalunan namin noon at doon din daw mag-camping kasama buong pamilya para mabusog naman ang mga lamok dun.

Gusto talagang maiyak ni Fourth sa sinulat nito pero hindi niya mapigilan hindi mautot sa kakatawa. Sa sobrang haba ng letter nito sa kanya parang gusto niya nalang ipabasa kay Burma. Sumakit ang panga niya kakabasa. Puro lang naman kalokohan ang mga sinasabi nito.

Humahalakhak siyang mag-isa. Napansin naman ni Burma na parang siyang baliw na tumatawang mag-isa. Bigla tuloy itong nag-alala sa amo.

" Sir Fourth, ayos lang ba kayo? " Nag-aalalang tanong nito kaya napahinto siya.

" Ayos lang ako. Naaalala ko lang yung ginawa ni Caramel sakin noong nalasing siya " natatawang kuwento niya kay Burma.

" Ah yung sinakal ka niya..."

" Paano mo nalaman? " Kuryos na tanong niya.

" Eh ilang ulit mo nang ikuwenento sakin 'yon " tugon naman nito. Napakamot naman siya ng kilay.

Oo nga pala, paulit-ulit niya nang ikuwenento iyon kay Burma.

Pagkapasok niya sa bahay ni Uno kaagad siyang sinalubong ni Xin Harue, ang asawa nito.
" Zao shang hao " bati niya.

Magalang rin itong bumati sa kanya. Napatingin siya sa kanyang kuya na pinapakain ng maid. Naka-wheelchair ito at hindi pa rin nito maigalaw ng tuluyan ang katawan. Lumapit siya sa kinaroroonan ng kapatid.

" Kumusta kuya " aniya. Napangiti naman ang kapatid. Umupo siya sa couch.

" Ayos lang. Mamaya...darating ang therapist ko. Ikaw...kumusta ka naman? " tanong nito. Medyo masigla na ito kung ikukumpara noong kagigising lamang nito sa ospital.

" Ayos lang. Maayos naman ang pamamalakad ni Dos sa kompanya " tugon niya naman.

Natahimik ito bigla. Nagpasalamat naman siya nang inilapag ng maid ang isang tasang kape para sa kanya.

" Wala akong tiwala kay Dos " mahinahong sabi nito.

Napahinto siya sa pagsimsim ng kape. Nagtaka naman siya. Si Dos ang lagi nitong kasangga pagdating sa negosyo.

The Gay's Badass BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon