Kabanata 31

2.5K 120 2
                                    

PAUWI na sana si Caramel nang mapansin niyang wala na ang kanyang motor sa parking lot. Napalingon siya sa katabing motorsiklo, bakit yung sa kanya lang yata ang nawawala. Biglang bumosena si Peterson noong mapansin niya si Caramel. Nakasakay ito sa pick-up.

" What's going on? " tanong nito pagkalapit ng sasakyan nito.

" Nawawala ang motorsiklo ko " aniya. Mahinang natawa ang binata.

" Sumakay ka na sa kotse ko. Ihahatid na kita " aya nito. Tinaasan niya naman ito kilay nang mapansin niyang parang may nakasakay sa likuran ng kotse nito.

Nagtungo siya sa likuran at na-komperma niyang ang kanyang motorsiklo ang nakasakay roon na tinakpan lamang nito para hindi niya kaagad na mapansin. Inis siyang bumalik sa may unahan at hinarap ang binatang nakangiting tumataghoy.

" Nagbayad ka pa talaga ng tao para maisakay sa likod ng kotse mo ang motorsiklo ko. Ngayon, ikaw mag-isa ang magbaba ng motorsiklo ko " inis na utos niya rito.

" Caramel, madali lang ibaba ang motorsiklo kaysa i-akyat. Puwede ko 'yang itulak pababa kung ayaw mong sumakay sa kotse ko. Kapag nasira, papalitan ko nalang " hambog na tugon nito. Malakas siyang tumawa at nakigaya rin ito.

" Oh sige, sakay na ako sa kotse mo pero dapat ako ang magd-drive. "

" Ok. That's cool! That's my girl! " excited na saad nito at iniabot sa kanya ang susi. Napangisi naman siya.

Pakanta-kanta pa ang ugok niyang kasama habang katamtaman niyang pinatakbo ang kotse.

" Alam mo Cara, siguro masarap kang maging asawa ano? Ang galing mong mag-drive " makahulugan wika nito. Pekeng ngiti ang tugon niya rito.

Malagkit siya nitong tinitigan.
" You know what, maarte lang talaga akong kumilos pero magaling akong sa kama " dagdag pa nito.

" You wanna proof " paos na sabi pa nito at akmang hahaplusin ang kanyang hita.

Dahil sa inis niya, nagitla ito sa sunod niyang ginawa. Inapakan niya ang accelerator pedal at paliko-likong pinatakbo ang sasakyan sa kalsada.

" What the heck! What the hell are you doing!" galit na sigaw nito sa kanya at mahigpit na napapahawak sa kung saan.

Napangisi lamang siya kay Peterson at binilisan pa ang takbo. Nakipagpatintero siya sa ibang sasakyan. Biglang nilang narinig ang serena ng pulis na naghahabol na sa kanila.

" What the f***. The police is chasing us! " Paulit-ulit siyang minura nito.

" Shut up! " bulyaw niya.

" The f***, Caramel! Please stop the car! " utos nito sa kanya. Hindi siya nakinig. Talagang tuturaan niya ng leksiyon ang gunggong na 'to. Police pa naman ang tatay nito.

" Let's fly to hell, Peterson! " baliw na sigaw niya at kapwa silang napa-ahhh sa paglipad ng sasakyan paalis mula sa highway.

Oh sarap ng adventure!

Lumabas siya ng kotse samantalang nakatulala naman si Peterson sa loob. Muli niyang sinilip ang binatang lumipad ang kaluluwa sa ginawa niya.

" Peterson, thanks sa trip ha. You're my boy! " nakangising pasalamat niya rito at tinusok ang pisngi nito gamit ang kanyang hintuturo. Umakyat siya sa likod ng pick up.

Pinaandar niya ang kanyang motorsiko at pinalipad paibaba. Balanse niyang pinadaan ang kanyang motorsiklo sa makitid na semento sa ibabaw ng drainage. Pagka-akyat ng kanyang motorsiklo sa highway ay masayang siyang nagmaneho pabalik. Nadaan niya pa nga ang police mobile na naghabol sa kanila kanina. Kumaway pa nga siya sa mga ito.

The Gay's Badass BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon