Kabanata 16

2.6K 130 10
                                    

Sinama ni Fourth si Burma sa isang mall kasama ang ibang bodyguard. Mamimili siya ng pang-regalo para sa birthday ng kan'yang inaanak na si Gigi, panganay na anak ng kanyang kakambal na si Third at asawa nitong si Lauren.

Gusto niya sanang si Caramel ang isama sa pamimili pero nakalimutan niyang day off pala nito ngayong araw at mas maaga pa nagising kaysa sa manok at maagang umalis. Doon siya nagtungo sa section ng mga musical intruments, mahilig kasi sa musika si Gigi. Namili siya ng mamahaling violin para sa kanyang pamangkin.

Inabot niya ang isa at sinuring mabuti kong ayos na ba iyon para ipang-regalo. Nagtungo rin siya sa children's wear para bumili ng damit. Natagalan siya sa pamimili roon kasi wala naman siyang masyadong natitipuhan sa mga naka-display. Aalis na sana siya para sa ibang store nalang mamili pero napahinto siya noong mapansin niya si Finn sa may 'di kalayuang parte ng children's wear section.

May bitbit itong batang babae. Lumapit naman rito si Caramel kasunod si Van na may bitbit na paperbag.

Ano 'to? Dalawa ang chaperon niya? Bongga naman ng tita niyo!

Naglakad na ang mga ito pababa kaya nagtago siya para hindi makita ng tatlo. Muli siyang sumilip at tinitigan ang batang buhat-buhat ni Finn. Nakatingin rin ito sa kinaroroonan niya at matamis na napangiti kaya nahawa siya at kusang napangiti sa bata.

" Yung isang kasama ni Caramel, saan siya umuuwi? " tanong niya kay Burma.

" Sa ancestral house ng daddy mo po, sir " tugon nito. Kaagad siyang napalingon kay Burma.

" Paano sila napunta roon? "

" Doon pinatira ni Don Primero ang pamilya ni Caramel kasi wala naman kamag-anakan ninyo na gustong tumira doon. Firlan ang pangalan ng lalaking bitbit ang anak ni Caramel na si Olivia. Napulot niya ang lalaking 'yon sa kalsada at nagmakaawa sa kanya na tulungan ito " kuwento ng kanyang bodyguard.

" May anak siya? " Hindi siya makapaniwalang malaman ang bagay na 'yon.

" Opo, sir, anak niya sa ex-boyfriend niyang si Fuma Vista " sagot naman nito.

Fuma Vista? Saan ko ba na-encounter ang pangalan ng lalaking 'yon?

Pagkauwi niya sa bahay, kaagad niyang hinanap sa internet kung sino si Fuma Vista. Nakita niya ang facebook account nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging interesado sa buhay ni Caramel. Tiningnan niya ang photos ni Fuma Vista, isa itong bodybuilder at physical fitness mentor. Isa rin itong instructor ng university.

Laking pagtataka niya, wala naman itong picture kasama si Caramel at ang anak ni Caramel na si Olivia. Karamihang litrato nito kasama ang isang babaeng nakasuot ng unipormeng pang-nurse. At kasal na rin ito kaya siguro walang litrato sina Fuma at Caramel dahil isang kerida lamang ang kanyang bodyguard.

Hindi na siya magtataka. Kaya pala masyadong malihim ang bruhang iyon sa pribadong buhay dahil sa sekreto nito. Isa pala talaga itong kerida. Napansin niya ang paglapit ni Sixto kaya kaagad niyang itiniklop ang kanyang laptop. Natawa naman ito sa naging reaksiyon niya.

" Parang may sekreto ka diyan sa laptop mo ah, ayaw mo kasing ipakita " usisa nito at umupo sa kabilang upuan.

" Private matter nga kaya ayaw kong ipakita sayo " sagot niya at sumimsim ng orange juice.

" Napansin ko nga pala na madalas dumalaw rito si Feng. Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa."

" Siguro...hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa utak ng babaeng 'yon at naisipang laging dumalaw rito " aniya.

" Mas mabuti na ang ganun para rin naman sa inyong dalawa pero ang hindi ko lang ikinatutuwa ay nagkakamabutihang sina Van at Caramel " may halong inis na wika nito.

The Gay's Badass BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon