19

53 9 1
                                    

ABYGAIL'S POV

"Pst. Clark~" Pagtawag ko kay clark dahil bigla akong naalimpungatan, maayos naman na ang pakiramdam ko at kaya ko na uli manampal at manipa

Tumayo ako sa kama 'nya' dahil di ko naman kwarto to ano ba

Pumunta ako sa sala at nakita ko doon si Clark na nag seselpon, hindi ko alam kung bakit hindi nya narinig yung pagtawag ko sakanya o sadyang mahina talaga yung Boses ko?

"Pst. Clarkin." Sabi ko pa

"Arkin. Clarkin. Miguel, Martinez, jena." Bigla nalang lumabas sa bibig ko yung pangalan ni Jena at hindi ko alam kung bakit

Dahil di na ko makatagal at hindi nya ko nililingon, agad ko na syang tinapik

"Hoy." Saad ko at agad naman syang napatingin saakin

Napatayo sya sa sofa

"Bakit?" Tanong nya at tinangal yung isang Earpods sa tenga nya

Ah kaya pala.

"Samahan mo ko, gusto kong mag libot dito sa BGC." Nakita kong napakunot ang noo nya, ay bobo di na gets.

"Anong BGC pinag sasabi mo?" Tanong nya at nakita kong pinatay nya yung spotify nya saka tinangal yung earpods nya na natira

"Samahan mo ko gumala dito kako, di mo naman sinabi na parang BGC itong kinatatayuan ng condo mo." Natatawa kong sabi

"Magaling kana ba? Lika nga dito."

Lumapit ako sakanya at hinawakan nya yung noo ko, sunod naman yung leeg ko

"Hmm, ok. Magaling kana nga." Ani nya at napatitig sa mga mata ko

Magkalapit nga pala kami'

Agad akong lumayo at ngumiti ng alanganin

"Tara? Sasamahan mo ko o sasamahan mo ko? Pumili ka." 

"Pwedeng, sasamahan ka sa pagtanda?" Banat nya kaya naman di ko alam kung anong itutugon ko sakanya

"Bobo, maaga ako mamatay." Natatawa kong sabi at tumayo naman sya, kinuha nya yung hoodie nya at isinuot ito

Maaga panaman, mga 10:30 palang ng gabi at mga ganitong oras, mas maganda lumabas dito sa ano ngang tawag dito ay--Venivo Skys.



"Ngayon kalang ba nakadating dito sa Venivo?" Tanong ni Clark habang nag lalakad kami dito sa may hallway

"Halata ba?" Pamimilosopo ko at hindi sya tumugon.

Pumasok kami sa elevator at pinindot yung Lobby

"Anong gagawin natin aber? May paulan ulan panamang nagaganap." Tanong nya at napangiti naman ako

Hindi ko sya sinagot at naunang umalis sa elevator pagka-bukas nito

"Street foods, dun oh! May bazar din." Nakangiti kong turo dun sa mga mag kakatabing stall

"Kaunti nalang yung tao oh, tara---" Hihilain ko na sana sya ng bigla syang mag salita

"Aby, umaambon. Baka mamaya mabinat ka---" 

"Ang KJ mo gago, sakalin kita eh." Pambabara ko saka inilagay yung hoodie sa ulo ko. 

"Tara na!" Sigaw ko sakanya at wala syang nagawa kundi sumama saakin.

As he should'

Pumunta agad ako dun sa bilihan ng Proben, Proben ba tawag dun? Atay ng manok na mukhang balat? Ay basta

"Gusto mo?" Tanong ko kay Clark

"Yoko," Tanging sagot nya kaya naman nagkibit balikat nalang ako

Love At First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon