35

35 6 3
                                    

ABYGAIL'S POV

"Surprise party para kay Dad?" Natawa ng sarkastiko si Miguel habang nandito kami sa loob ng office ni dean jina

"Maasahan ba namin na hindi mo sasabihin yan kay Tito Carl?" Tanong ni Niko at agad namang tumango si Miguel

"Deal, kailan ba gaganapin yang surprise birthday party at welcome back ni dad dito?" Tanong nya pa

"Bukas." Sabay sabay naming sagot at nanlaki naman ang mga mata nya

"Bukas agad? Ibig sabihin dito na tayo matutulog ganun?---"

"Para malapit, sa bandidito nalang muna tayo matulog mamayang gabi. 5:00 panaman ang target na dating ng papa mo dito sa pilipinas, baka mga 7:00 pa sya makakarating." Paliwanag ni Kuya Anthony

"Then, tutulungan ko na kayo mag decorate."

~*~

"Oopps, itaas mo pa ng kaunti. Y-yan! Yan, sge!" Nakatanghod di Thea habang tinitignan si Niko na nag aayos ng letering sa may pader ng stage. Baka kase biglang magulo, alam nyo naman yang si Nikolai

May kanya kanya kaming ginagawa dito, sila Jennie at si Miguel na love birds, masayang nag pipintura ng mga stayro foam na niletering ni Lea, si Lea naman nag gugupit ng mga banner. Si Kuya Anthony, dahil sya daw ang 'Boss' wala syang ginagawa.

Ako nag gugupit ng skatch tape habang inaabot kay Cody na nag didikit din.

"Pst, hoy mahanginan ka nyan," Napatingin ako kay Cody ng mag salita sya, 

"Nakatingin kananaman dun sa dalawa, talagang masasaktan ka." Saad nya at bahagyang napailing

"Eh anong gusto mong gawin ko? Hindi ko sila kayang layuan, kaya nga ako nandito sa posisyon ko na to para di sila makita tapos bigla nalang silang haharang dyan?" Inis ko namang bulong sakanya habang nakatingin pa din dun sa dalawa

"Penge nga ng skatch tape," Wala sa sarili kong kinuha ang gunting at ginupit ang tape, dahil nga wala ako sa sarili, parang ngayon ko lang naramdaman na may sakit sa may daliri ko---

"D-dugo..." Di makapaniwala kong saad habang nakatingin sa isa kong Daliri na grabe ang pagdugo

"Akin na nga." Agad na hinablot ni Cody ang daliri ko at ilang beses na hinipan iyon

"Band Aid! Sino may Band Aid!" Sigaw ni Cody at napatingin naman saamin ang mga kasama naming mag decorate

"Anong nangyari?" Tanong ni Kuya na agad na pumunta sa may gawi namin

"D-dugo..." 

"W-wag kang tumingin dyan, Aby. Wag kang titingin---"

"D-dugoo... D-dugo!!" Pagpapanic ko habang nakatingin sa daliri ko

Naninikip ang dibdib ko, unti unting nanlalabo ang paningin ko, Ayokong pumikit dahil maalala ko lang ang itsura ni Dad noong isinugod sya sa hospital

"Sshh, wag kang pipikit." Tumingin ako sa lalaking nag salita at nakita ko si Miguel

"Dadalhin ka namin sa Clinic, kumalma ka..."

"Dadalhin ka namin sa Clinic, kumalma ka." 

"Aby, wag kang pipikit!" Agad akong tumango at inalalayan nila ako paupo sa isang kumportableng upuan

"Oh eto na, band aid." Iniabot ni Jake ang band aid at nakita kong kinuha ni Miguel ang kamay ko

"Shhhh, wag. Wag kang pipikit, hihimatayin ka." Rinig ko ang boses ni Thea.

Nakita kong natakpan na ang sugat ko ako napabuntong hininga

Sabihan nyo na akong OA pagdating sa ganito, pero nahihirapan talaga ako kapag nakakita ako ng dugo na galing sa sugat ng isang tao, kapag ipinikit ko ang mga mata ko parang nagkakaroon ako ng bangungot. Naalala ko yung katawan ng papa ko noong isinugod sya sa hospital

"Ayos kana ba?" Tanong ni Miguel saakin, nakita ko sa mga mata nya ang pagaalala at hindi ko alam kung bakit

Agad akong tumingin kay Kuya at kay Cody na nang aalala din saakin, sila Thea, Jake at Lea din.

Wala si Jena.

"M-mag c-cr lang ako---" Tumayo ako at nagulat ako ng lumapit saakin si Jena at hinawakan ang kamay ko

"Samahan na kita," Nakangiti nyang saad at agad naman akong tumango


"Jena, maraming salamat." Nakangiti kong sabi at yayakapin na sana sya ng makita kong walang emosyon ang mukha nya

"Akala mo ba ganun ganun nalang kita mapapatawad, aby?" Napakunot ang noo ko dahil sa bigla nyang sinabi 

"Kitang kita ko ang pagaalala ni Clark sayo kanina, pwede ba? Tigilan mo na ang pagiging pabida mo!!" Mariin akong napapikit dahil sa sigaw nya

"Matagal na kong nag titimpi sayo dahil masaya ako sa kung anong meron kami ngayon ni Miguel, pero aby. Tigilan mo na ang boyfriend ko---"

"Akala mo ba wala lang akong nararamdaman? Sa tuwing nakikita ko kayo aaminin ko nasasaktan ako! Pero totoong masaya ako para sainyo, kase mahal nyo ang isat isa at bagay kayo---"

"Kung ganun naman pala, iwasan mo na si Clark, Aby. Para saakin! Kaibigan mo ko diba?" Hinawakan nya ang magkabila kong kamay

"Aby, hayaan mo na kaming masaya. Wag kang dumaan kung saan kami dadaan, wag kang kakain kung saan kami kakain, wag kang sasama kung saan kami pupunta. Aby, hayaan mo naman akong maging masaya! Buong highschool, elementary, at hangang ngayon ikaw ang pinaka matalino! Ikaw ang ace at top student ng school, mag bigay ka naman. Kahit ngayon lang." Nakita ko ang mga luha sa mga mata nya at ayoko non.

Nasasaktan ako dahil umiiyak ang matalik kong kaibigan dahil saakin

"I'm sorry..." 

"Wag kang mag aalala, simula ngayon lalayo na ako sakanya." Niyakap nya ako at nagulat naman ako doon.

"Thank you, aby." 

Narrator: Nakangisi si Jena habang hindi sya nakikita ni Aby, iniisip nya na madali nya lang paikutin ang kaibigan

~*~

"Maayos kana ba? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong saakin ni Cody pagkadating ko dito sa loob ng Music Room, sinabi nya kase na magkita kami roon pagkatapos kong mag banyo

"Cody, maayos na kami ni Jena." Nakangiti kong saad, wala syang reaksyon at napabuntong hininga lang

"Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit parang...umiyak ka?" Tanong nya pa uli

"W-wala lang to, masaya lang ako para sakanila---"

"Aby, wag ka ngang umaktong parang...parang okay kalang. Kase alam kong hindi," Bahagya akong napapikit dahil sa sinabi ni Cody

At tama nga syam nasasaktan talaga ako

"Cody, ang sakit sakit. SObrang sakit, hindi ko alam kung bakit sa iisang lalaki pa kami nagkagusto, sinabi nya saakin na lagi akong lumayo sakanila, at pumayag naman ako kase yun yung nakakabuti---"

"Aby, bakit ka pumayag? Hindi bat magkaibigan naman kayo ni Miguel?" Napatingin kaming dalawa sa may pinto at nakita namin doon si Lea na may nag aalalang mukha

"Why you didn't tell me?" Pumunta sya saakin at agad akong niyakap

"Lea, keep it a secret." Saad ni Cody sakanya at naramdaman kong tumango si Lea, nag hiawalay kami sa yakap

"Don't worry, you can move on! I will help you, we will help you. Kami ni Cody, ay...alam ba to ni Anthony?" Tanong nya at agad naman akong tumango

"That's okay, hindi ako marunong mang-comfort pero. Makaka-move on ka din sakanya," Tumingin ako kay Cpdy at tinanguan nya lang ako.

"I guess so, hahanap ako ng paraan para malayuan sila." 

~*~
"Aigo~ okay, natapos din natin!" Masayang sigaw nila Thea, Umaga ngayon. Natulog kami sa bandidito kase di din namin magawa lahat kase gabi na, may mga homeworks pa kami

Time check, mag 7-7:00 na ng gabi.

Talang sinadya namin na ngayon nalang tapusin kase kauti nalang naman ang gagawin.

May mga kasama din kaming ibang mga students, na 7:00 ang uwi.

"Kotse na ni tito yun," Saad ni Niko at sabay naman kaming napatingin sa fortuner na pumarada na kulay Grey

"Si Tito Carl nga,"  

Love At First FightWhere stories live. Discover now