38

44 7 0
                                    

ABYGAIL'S POV

"Geh, salamat sa paghatid." Paalam ni Kuya kay Cody pagkasakay ni Cody sa motor nya, isinuot nya muna ang helmet saka kami tinanguan, tinanguan ko din sya bilang tanda ng 'bye'

Nakita kong umandar na ang motor nya at umalis na din,

"Tara pasok na tayo," Aya ni kuya pero tinaasan ko sya ng tingin

"Bakit ka pa nagpahatid ng lumpiang toge kay cody? Pwede naman tayong gumawa oaya umorder." Tanong ko sakanya at agad naman syang napatingin saakin

"Pinabibigay yon ng mom and dad nya, kaya shuush kanalang." Sagot ni kuya at naunang pumasok sa loob.

Sumunod nalang din ako at pagpasok ko, nakita ko yung mga pinsan ko na masayang nag lalaro. Si Kiefer na binata, syempre nasa gadget nakatuon.

"Keif, gusto mong mag laro sa room ko?" Aya ni Kuya kay Kiefer at agad namang tumango yung binata, tutulungan ko nalang mag prepare sila tita mel.

"Anthony! Aby!" Napatingin kami kay Mom, yung nanay talaga namin

"Naalala kong sabihin, sa birthday ni clark kailangan nyong sumama saakin. Iniimbitahan ako ng Dad ni Miguel, inaasahan nya na pupunta tayo," Tumingin muna ako saglit kay kuya at nakita ko syang tumango sabay tingin kay mom.

Pumasok na sya sa loob ng kwarto sa taas at ako, pumunta sa sala.

"Tita mel!~" Masigla kong sabi at niyakap si tita na nag luluto, pamilyar ang amoy kaya masasabi kong nag luluto sya ng spaghetti.

"Hmm, ano kailangan mo nanaman ba ng advice." Napatigil ako at lumayo sa pagkakayakap kay Tita

"Paano nyo po nalaman?" Nag tataka kong tanong at bahagya syang natawa

"Sge, sabihin mo lang. Makikinig ako." Napabuntong hininga ako bago ko sabihin kay tita

"Tita, kilala mo naman sila thea at jena diba," Tumango sya

"May nagustuhan kami ni Jena na iisang lalaki, kaibigan namin sya pareho. Gusto ni guy si jena, habang ako....kaibigan lang ang turing. Naging sila nung nakaraang month, and then...pinalapalayo ako ni Jena sakanya dahil alam nyang gusto ko si guy, tama ba na lumayo ako?" Tumingin si Tita saakin at ngumiti ng mapait

"For me, masasabi kong tama ang naging desisyon mo. Aby, syempre kung hindi ka lalayo, ikaw din naman ang masasaktan." 

"Alam mo, naranasan ko na din yan. Yung matalik kong kaibigan, nag ka-away away kami dahil sa isang lalaki. Pero naayos namin ang lahat." Hinawakan nya ang buhok ko

"Maayos nyo din yan, pero sa ngayon. Kailangan mo munang mag move on sa guy. Maliwanag?" Agad naman akong tumango at niyakap si Tita.

"Thank you Tita, the best ka." Masaya kong saad habang nakayakap sakanya

~*~
"One, Two, Three....MERRY CHRISTMAS!!!" Sumigaw ng pagkalakas lakas sila Kuya, 12:00 na sakto ng umaga at guess what, Christmas na. Altho hindi ako nainiwala na december 25 ang kapanganakan ni Jesus, pinagdiriwang padin namin to. Wala akong magagawa, yun ang paniniwala nila.

"Wait, I'll take this call." Rinig kong sabi ni Mom at agad naman akong tumingin sakanya, hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko syang sundan.

Sinundan ko syang pumunta sa may balcony, sa pool area.

"Yes, uhm...oo. I will try, uuwi ako dyan as soon as possible. Kaya bang....uhmm...sa January? Palagay ko maayos na ang VISA nila Aby at Anthony since nung bago pa ako umalis ako nag pagawa, yes. OO, sge, thank you merry christmas. Love you." 

Love At First FightWhere stories live. Discover now