•CHAPTER ONE•

1.7K 60 6
                                        

•Year 2020•

Dahan-dahan bumukas ang paningin ni Quincy kasabay rin nito ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Masamang panaginip na naman kainis." inis niyang pinahid ang kanyang luha at dali-daling bumangon sa kanyang hinihigaan.

Padarag niyang binuksan ang bintana at mabilis na umunat para mabanat ang kanyang buto-buto. Pakiramdam niyang sobrang sakit no'n. Kahit hindi maganda ang kanyang panaginip pinilit niya paring ngumiti para salubungin ang magandang umaga.

Malayo si Quincy sa kanyang pamilya. Mas pinili niyang tumayo sa sariling paa. Ayaw niyang umasa sa padala ng ama na nasa Saudi ngayon kaya pinipilit niyang humanap ng mapagkakakitaan. Broken family sila, may sarili ng pamilya ang kanyang ina pero hindi parin naman siya pinapabayaan nito. Binibigyan parin naman siya ng pambayad ng tuition fee at ilang personal na pangangailangan. Hindi naman sa kanya problema iyon dahil close rin naman siya sa mga anak nito sa bagong asawa.

Dahil seven-thirty ng umaga ang kanilang pasok, mabilis na siyang pumunta sa banyo para maligo. Hindi na uso sa kanya ang mag-almusal. Ilang minuto rin siyang nagtagal doon bago nagbihis saka nagtatakbo lumabas ng apartment.

"Good morning Mang Toto." magiliw na bati niya sa tagapagbantay ng bahay na nasa hindi kalayuan.

"Good morning Quin." masayang bati rin sa kanya nito.

Ngumiti na lamang siya at nagsimula ng maglakad papalayo. Hindi na niya kailangan pang sumakay dahil
hindi gano'n kalayo ang distansya ng apartment na tinitirhan niya sa kanyang pinapasukan. Marami siyang nakikita kapwa istudyante at naiigorante siya sa mga ito dahil kahit sobrang lapit lamang ng mga bahay ng mga ito ay hinahatid parin ito ng kanilang magulang gamit ang mamahaling sasakyan. Hindi na lamang niya iyon pinansin pa at muling ngumiti.

"Masyadong maganda ang umaga para sirain ko." wika nito sa sariling isipan. 

Wala pang sampung minuto ay nakarating na siya sa kanilang eskwelahan. Ang Safstrom Eastview University. Laking tuwa niya dahil nakapasok siya sa isa sa pinakakilala at pinakamahal na eskwelahan sa Pilipinas. Isa siya sa mga scholars ng unibersidad na ito kaya hindi na siya gano'ng nahihirapan sa gastosin.

"Quin." napatingin siya sa kanyang likuran ng makita ang kaibigang si Princess.

Hindi mabubuo ang araw niya kung hindi sila magkasamang dalawa. Si Princess ang nagsisilbing happiness ni Quincy. Marami silang tropa pero si Princess lamang ang tinuturing niyang kaibigan. Palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na ang swerte niya dahil dumating si Princess sa buhay niya. Magkaiba sila ng istado ng pamumuhay. Lahat ng gusto ni Princess ay naiibigay ng kanyang magulang. Make-ups, bags, clothes, cars at marami pang luho na malabong mangyari sa dalaga. Ang isa sa nagustuhan ni Quincy sa dalaga ay kahit na nakaka-ll ito sa buhay ay hindi parin nito nakakalimutang tumulong lalo na pagdating sa kanya. Minsan ay pinapahiram siya nito ng pera kapag kinukulang sa pambayad at never pa nitong humihingi ng kahit anong kapalit.

"Good morning sa future flight attendant na bestie ko." yumakap ng pagkahigpit-higpit si Quincy sa kaibigan dahil pakiramdam nito ay na-miss niya ito kahit na dalawang araw lamang silang hindi nagkita.

"Good morning rin sa mgandang future CPA." magiliw na tugon nito sa kanya.

Napatigil sa paglalakad si JP ng makitang nakasarado parin ang pintuan ng kwarto ng kanyang pinsan. Bihis na bihis na ito at handa ng pumasok sa eskwelahan. Ngumisi na lamang siya at mabilis na binuksan doon at bumungad sa kanya ang tulog na tulog pang si Cameron.

"Tulog prinsepe ang tanginang 'to." pabulong na anas nito at mabilis na kinuha ang unan na nasa sofa nito.

Malakas niya iyong ibinato at sumakto iyon sa ulo ni Cameron. Galit na galit siyang tumingin sa bumatio at mabilis naman iyong nilabanan ni JP.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now