Ibinaba ni Cameron angel kanyang cellphone matapos kausapin ang kanyang kapatid. Hindi nawala sa kanyang labi ang mga ngiti habang pinagmamasdan ang sariling istura sa malaking salamin. Maayos silang naghiwalay ni Quincy kagabi at nagnakaw pa ang binata ng halik bago ito papasukin sa loob ng apartment.
"Bakit parang lalo kang guma-gwapo Cameron? Epekto ba yan ng pagiging in-love?" tanong niya sa sarili.
Kumanta-kanta pa ito ng makalabas ng sariling kwarto. Nakita niya si Javion na busy sa paggawa ng homeworks nito. Tapos na siya kaya wala na siyang dapat gawin kundi mahalin ang dalaga.
Char.
Umupo si Cameron sa tabi nito, hiwakan niya ang laptop ng pinsan saka iyon mabilis na isinarado.
"Anong problema mo?" kunot-noong tanong nito at muling binuksan ang laptop pero isinara ulit iyon ni Cameron.
"I need your help JP."
"Anong klaseng tulong naman? Mambababae ka?"
"Tsk. May plano ako bukas at kailangan ko ang tulong mo at tulong niyo." nagtataas-babang kilay na sagot sa kanya ni Cameron.
"Anong plano naman niyan?" sumandal si Javion sa kanyang kinauupuan at pinagkrus ang kanyang mga braso.
"I want to surprise her."
"Bakit? Birthday niya ba?"
"Kailan ka ba makakausap ng matino?!" iritang sigaw ni Cameron dahilan para mailayo ni Javion ang kanyang mukha rito.a
"Ikaw na nga lang tong humihingi ng tulong ikaw pa ang galit! Eh kung hindi kaya kita tulungan?!" sigaw rin ni Javion.
"Hindi naman lahat kasi ng sinu-surpresa ay birthday niya! Ang ayos-ayos ng paglapit ko sayo tapos sagot mo pang-gago."
"Pang-gago naman talaga dahil gago ka." nang-aasar pang aniya.
"Bahala ka!"
"Teka lang! Hindi naman mabiro eh. Ano yun?" halos makita na ang buong ngipin ni Javion sa sobrang ngiti sa pinsan.
"Papuntahin mo rito sina Calvin. Maliligo lang ako." utos nito.
Ngumisi naman si Javion bago tanguan ito.
Pinagbuksan ni Quincy ang pintuan ng pumasok ang magpapamilya. Nagbaba siya ng tingin sa akay-akay nitong bata na nakatingala sa kanya. Titig na titig ito at parang pinag-aaralan ang kanyang mukha. Dahan-dahan naman siyang ngumiti rito bago sulyapan ang magulang nito.
"Good afternoon Ma'am, Sir. Welcome to Biryani's Restaurant."
"Good morning."
Senenyasan niya ang mga ito na sumunod sa kanya na mabilis naman nitong sinunod. Napatingin pa siya sa kanyang pants ng maramdaman ang hawak ng batang kasa-kasama nito. Muli siyang ngumiti bago hawakan ang kamay ng bata.
"Here's your table Sir and here's our menu."
"Mom, can I go with her?"
"Why?"
"She was like an angel." inosenteng sagot ng bata dahilan para siya'y matigilan.
Tiningnan pa siya ng magulang nito bago muling magbaba ng tingin sa bata. Ngumiti muling si Quincy at bahagyang umupo para magpantay silang dalawa ng batang lalaki.
"Hi young man, I am not an angel. I am just a simple person." nakangiting anas niya matapos alisin ang buhok nitong humarap sa kanyang noo.
"I thought you were an angel." nakangiting wika ng bata sa kanya.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
