•CHAPTER TWENTY ONE•

433 49 8
                                        

"Magkita nalang tayo bukas." wika ni Quincy sa kambal.

Hinihintay niya lamang ang kaibigan para sabihin rito kung anong nangyari kanina.

"Nandiyan na pala kayo! Ang aga niyo ah!"

Napatingin ang tatlo sa di kalayuan ng marinig ang sigaw ni Javion. Muling sumama ang tingin ni Quincy ng magtama ang paningin nilang dalawa ni Cameron. Muling ngumisi ang binata sa kanya.

"Sa waiting shed ko nalang hihintayin si Princess. Magiingat kayo."

Akmang tatalikod ang dalaga ngunit mabilis na nahikit ni Cameron ang kanyang braso dahilan para siya'y matigilan.

"Tinatakasan moko?" nakangiting tanong ni Cameron.

"Anong meron sa dalawang yan?" kunot-noong tanong ni Dranreb.

"Yan ang pag-uusap namin mamaya ni Insan." seryosong sagot sa kanya ni Javion.

"Anong tinatakasang pinagsasabi mo?" mabilis na hinigit ni Quincy ang kanyang braso dahilan para mabitawan iyon ni Cameron.

"Until now are you still mad at me?" nakangising tanong pa nito. Sumandal siya sa kanyang kotse at pinagkrus ang braso't paa. "Kung nagagalit ka dahil kinulang ka sa yakapin nating dalawa pwede ko namang ulitin ora mismo." dagdag pa nito.

"Hindi ka ba titigil?" naiinis na tanong ni Quincy sa binata.

"Bakit ka ba nagagalit sakin? Anong ginawa ko sa'yo?"

"Argh!" akma na naman siyang tatalikod ngunit mabilis siyang pinigilan ng binata. "Paalisin mo na ako ano ba?!" sigaw niya.

"Relax!" dahan-dahang ngumiti si Cameron at bumulong sa dalaga. "Quincy let me feel you again."

Muling naramdaman ni Quincy ang init ng hininga ni Cameron dahilan para matigilan siya.

"Bwesit ka!"

Napalayo na lamang si Cameron habang tumatawa ng ibato ni Quincy ang hawak-hawak niyang mga libro. Wala siyang pakialam kung masisira yun mahalaga sa kanya ay matamaan niya ang binata.

"I said relax! Bakit mo ba ako binabato? Sorry na nga!" natatawang sigaw ni Cameron habang panay ang iwas sa mga binabato nito.

"IN MY HEART I FEEL THAT THIS IS SOMETHING REAL I DON'T WANNA LET THIS MOMENT GO WHY OH WHY, DO I FEEL THIS WAY? WHEN I'M WITH YOU I FEEL SO ALIVE WHY OH WHY, WILL I HIDE AWAY I CAN'T HELP IT I'M FALLING IN LOVE WITH YOU" nagsisimula na namang kumanta sina Javion.

Natigilan ang dalawa, masamang tingin ang pinukol ni Quincy sa binata na panay naman ang tawa sa kanya. Umiling-iling na lamang si Calvin at siya naman ang nagpulot ng mga libro na nagkalat sa kalsada. Lumipat siya kay Quincy para iabot ang mga librong iyon.

"Wag na wag kang magpapakita sakin bukas!" pahabol pa ng dalaga bago talikuran ang magkakaibigan.

"Paano kung hindi ko kaya?" nang-aasar na tanong ni Cameron pero hindi na lamang niya pinansin iyon.

"Damn! Ano yung nakita namin Cameron? Wag mong sabihing may nangyayari na sa inyong dalawa?" nagtataas-baba ang kilay na tanong ni Kyle.

"Tsk. Baka ikamatay ni Calvin kapag sinagot ko yan."

"Tsk. Ano ka gold?" napanganga si Cameron sa hindi inaasahang sagot ng binata sa kanya.

"Oh! Ikaw ba yan Calvin?" lumapit pa si Dwight para pag-aralan ang kaibigan.

Loving You Is A Losing GameNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ